Mindoreño Totoo Lang Po Online News Page

Mindoreño Totoo Lang Po Online News Page Mindoreño Totoo Lang Po Online News Page is the first and the original online News Page in Mindoro Province.

BAGONG LIDERATO SA ORMIN PPO: PCOL EFRAIM CAMARA, PORMAL NANG UMUPO BILANG BAGONG HEPE📝 Lino Amarillas Jr. Pinamalayan, ...
26/09/2026

BAGONG LIDERATO SA ORMIN PPO: PCOL EFRAIM CAMARA, PORMAL NANG UMUPO BILANG BAGONG HEPE
📝 Lino Amarillas Jr.

Pinamalayan, Oriental Mindoro — Pormal nang nagpalitan ng pamunuan ang Oriental Mindoro Police Provincial Office (OrMin PPO) ngayong September 26, 2026.

Sa seremonyang ginanap sa Hinirang Hall, Camp BGen Efigenio C. Navarro, Calapan City, pormal na isinalin ni PCOL EDISON V. REVITA ang pamumuno ng OrMin PPO kay PCOL EFRAIM A. CAMARA.

Pinangunahan ang turnover ceremony ni PBGEN CHRISTOPHER R. DELA CRUZ, Regional Director ng PRO MIMAROPA, kasama si Gov. Humerlito "Bonz" Dolor at iba pang opisyal ng kapulisan.

Sa pagtatapos ng panunungkulan ni PCOL Revita, kinilala ng OrMin PPO ang kanyang liderato at mga naiambag sa probinsya.

Samantala, buong suporta namang tinanggap ng hanay ng kapulisan ang bagong Provincial Director na si PCOL Camara, na inaasahang magpapatuloy sa tapat, mabilis, at nararamdamang serbisyo ng PNP para sa mga Mindoreño.

Mabuhay at Congratulations, PCOL EFRAIM A. CAMARA!

"Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman"



📷 SOURCE: PNP Oriental Mindoro Police Provincial Office

PNP Police Regional Office Mimaropa
Philippine National Police
Office of the Chief PNP
PNP Regional Mobile Force Battalion Mimaropa

✅✅ MTLP OP-ED - 📝 Issa Angeles HINDI LAHAT NG NAGKAKAMALI AY MASAMA, PERO HINDI LAHAT NG BIKTIMA AY TOTOOMay mga taong h...
25/09/2026

✅✅ MTLP OP-ED - 📝 Issa Angeles
HINDI LAHAT NG NAGKAKAMALI AY MASAMA, PERO HINDI LAHAT NG BIKTIMA AY TOTOO

May mga taong hinuhusgahan natin agad porket nagkamali.

Nakita nating nakaposas, kaya masama na agad.
Nabalitaan nating nahuli, kaya kriminal na agad.

Pero sandali lang.

Natanong mo na ba kung bakit siya nagkamali?

Hindi lahat ng nagkakamali ay masama. Minsan, pagod lang siya. Naligaw lang. Naipit lang sa buhay na walang ibang maibigay na pagpipilian kundi ang maling desisyon.

Hindi siya pinanganak na masama. May nagturo sa kanya. May humila sa kanya. May bumulong sa kanya ng "Subukan mo, mabilis ang pera diyan. Walang makakaalam."

At doon siya nagsimulang malunod.

Isang beses na pagtikim. Isang beses na pagsama. Hanggang sa hindi na niya namalayang siya na pala yung taong dati ay kinamumuhian niya.

Kaya bago mo husgahan ang taong nadapa, tanungin mo muna — sino ang nagtulak sa kanya?

Dahil ang totoo, ang ugat ng kasamaan minsan ay hindi yung nahuli, kundi yung taong malayang naglalakad pa rin hanggang ngayon — yung taong naghikayat, nag-udyok, at nanamantala.

At mas masakit pa dito — HINDI LAHAT NG BIKTIMA AY TOTOO.😭

May mga taong magaling umiyak sa harap ng kamera. Magaling magsalita ng "Biktima ako." Magaling magpakaawa.

Pero ang totoo, sila pala ang gumawa ng kwento. Sila pala ang dahilan kung bakit may tunay na biktima. Ginagamit ang salitang biktima para takasan ang responsibilidad at pagtakpan ang sariling baho.

Kaya sa mundong ito, matuto kang kumilatis.

Hindi lahat ng tahimik ay inosente.
Hindi lahat ng maingay ay may kasalanan.
Hindi lahat ng nakaluhod ay nagsisisi, at hindi lahat ng umiiyak ay nasaktan.

Bago ka maniwala, suriin mo muna ang kwento.
Bago ka manghusga, alamin mo muna ang pinanggalingan.

Dahil sa huli, ang pagkakamali ay maaaring itama. Pero ang pagkukunwaring biktima ka habang ikaw pala ang nanakit — yan ang tunay na kasamaan na walang kapatawaran.

I qoute, ""Hindi ka masama dahil nagkamali ka. Nagiging masama ka kapag ginawa mong hanapbuhay ang pagkakamali. Huwag kang magpanggap na biktima kung ikaw mismo ang dahilan kung bakit may biktima. Totoo lang po."

Mindoreño Totoo Lang Po Online News Page

BREAKING: P1.87 MILYON HALAGA NG DROGA AT MGA HIGH-POWERED NA BARIL, NAKUMPISKA KAY ALYAS "LEON" SA ROXAS📝 Issa Angeles ...
24/09/2026

BREAKING: P1.87 MILYON HALAGA NG DROGA AT MGA HIGH-POWERED NA BARIL, NAKUMPISKA KAY ALYAS "LEON" SA ROXAS
📝 Issa Angeles

ROXAS, Oriental Mindoro - Timbog ang isang alyas “Leon”, 41 anyos, ng Sitio Madugo, Brgy. Bagumbayan, Roxas, Oriental Mindoro matapos ang matagumpay na implementasyon ng Search Warrant ng pinagsanib na pwersa ng Roxas MPS sa pamumuno ni PMAJ ARIES-JOI M. ADORIO at PDEU sa pangunguna ni PLT FRANCIS D. GENETA.

Sa bisa ng Search Warrant na inisyu ng RTC Roxas, sinalakay ang bahay ng suspek madaling araw ng Martes, September 23, 2026, dakong 4:09 AM. Sa simula ay nagtangkang magtago ang suspek sa ikalawang palapag ng kanyang bahay, ngunit matapos ang mahinahong negosasyon ng kapulisan at ng kanyang pamilya ay kusa rin itong sumuko.

Isinagawa ang paghahalughog sa presensya ng mga lehitimong saksi na sina Brgy. Captain ng Bagumbayan, kinatawan ng Media mula sa 102.1 DWDL FM Agri-Pinoy Radio, at PNP Videographer/Cameraman.

Nakumpiska sa loob ng bahay ang mga sumusunod:
👉Isang Cal. 45 Norinco 1911 (Made in China) na may magazine na kargado ng 7 live ammunitions
👉Isang hinihinalang improvised Cal. 22 Rifle
Mga live ammunitions: 2 piraso ng Cal. 45, 63 piraso ng Cal. 9MM, 6 na piraso ng Cal. 38, at 13 piraso ng Cal. 45
👉Tinatayang 10.56 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na P1.87 Million
👉Mga drug paraphernalia tulad ng water pipe, tooters, lighter at aluminum foils

Matapos basahan ng karapatan, agad na dinala si alyas Leon sa Roxas MPS para sa kaukulang disposisyon. Nahaharap ito sa kasong paglabag sa RA 10591 (Illegal Possession of Fi****ms and Ammunitions) at RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act).

Nagtapos ang operasyon at nakabalik ang tropa sa himpilan ganap na 2:01 PM nang mapayapa at matagumpay.

Mabuhay ang Roxas MPS at PDEU Oriental Mindoro PPO sa pamumuno ni Provincial Director PCOL EFRAIM A. CAMARA!




📷 SOURCE: Ugnayan Bayan

Mindoreño Totoo Lang Po Online News Page
PNP Police Regional Office Mimaropa
PNP Oriental Mindoro Police Provincial Office
PNP CIDG Oriental Mindoro Provincial Field Unit
Pnp Deg Mimaropa
Office of the Chief PNP
Philippine National Police
PDEA Regional Office Mimaropa

18/09/2026

DOK HUBBERT DOLOR: DOKTOR NA HINDI LANG NANGGAGAMOT, NAGBIBIGAY NG PAG-ASA
📝 Sarge Saludares

Hindi lahat ng doktor nasa ospital. Yung iba, nasa bundok. Nasa isla. Nasa liblib na baryo kung saan walang signal, walang botika, pero may mga taong naghihintay na may dumating na tutulong.

Ganyan si Dok Hubbert Dolor.

Bago pa man siya nakilala bilang politiko, nakilala muna siya bilang isang doktor na handang sumuong kahit saan — mapa-araw, mapa-ulan, malayo man o delikado, basta may nangangailangan.

At sa bawat pagbisita niya, hindi lang check-up ang dala niya.

Minsan, isang matandang may iniindang sakit sa dibdib, hindi naman agad gumagaling sa gamot. Pero gumagaan ang pakiramdam nang marinig ang salitang, “Nay, magiging okay ka. Hindi kita pababayaan.”

Minsan, isang nanay na pagod na sa pag-aalala sa anak na may sakit. Pero tumatag nang marinig ang “Nandito kami, tutulungan namin kayo.”

Doon mo maiintindihan — na ang pagiging doktor ay hindi lang tungkol sa reseta. Ito ay tungkol sa pagbibigay ng kapanatagan ng loob na kahit maraming hamon, may bukas pa na magiging maayos ang lahat.

Si Dok Hubbert, hindi lang nagpagaling ng katawan. Nagpagaling siya ng pangamba. Nagbigay siya ng lakas ng loob sa mga taong akala nila ay wala nang pag-asa.

Kahit nasa mundo na siya ng politika, dala pa rin niya ang puso ng isang volunteer doctor — yung pusong marunong makinig, marunong dumamay, at marunong magsabi na “Kaya mo yan, magkasama tayo.”

Dahil para sa kanya, ang tunay na kalusugan ay hindi lang gamot. Ito ay ang paniniwalang may taong handang umalalay, may doktor na handang umunawa, at may politiko na handang manatili sa tabi ng tao.

Doktor noon, Doktor pa rin hanggang ngayon.




🎥 SOURCE: Dok Hubbert Dolor - Doctor sa Pamayanan

Mindoreño Totoo Lang Po Online News Page

OFFICIAL STATEMENT OF POLA MPS ON THE FATAL HACKING INCIDENT IN BRGY. MATULATULA, POLA📝 Issa Angeles This is to inform t...
18/09/2026

OFFICIAL STATEMENT OF POLA MPS ON THE FATAL HACKING INCIDENT IN BRGY. MATULATULA, POLA
📝 Issa Angeles

This is to inform the public that the Pola Municipal Police Station is exerting all efforts and resources to resolve the fatal hacking incident that occurred on September 17, 2026, at Sitio Silangan, Barangay Matulatula, Pola, Oriental Mindoro, which claimed the life of a 46-year-old male resident.

Upon receipt of the report, personnel of Pola MPS immediately responded, secured the area, and conducted proper documentation and investigation procedures to establish the facts surrounding the incident.

As of this press time, the identity of the suspect remains undetermined. However, Pola MPS is intensifying its intelligence and investigative operations for the swift identification, tracking, and arrest of the suspect. We are working closely with concerned agencies and the community to validate all information relative to the case.

Pola MPS strongly condemns this senseless act of violence. No lawless act shall go unpunished in our area of responsibility.

In his statement, PCPT Bernie T. Ortega, Officer-In-Charge of Pola MPS, said:

“We extend our deepest condolences to the bereaved family. We stand with you in your quest for justice. We are calling on anyone who has vital information about this incident to immediately report to Pola MPS. Your cooperation is crucial to the immediate resolution of this case.”





📷 SOURCE: Pola Mps

Mindoreño Totoo Lang Po Online News Page
Philippine National Police
Office of the Chief PNP
PNP Police Regional Office Mimaropa
PNP Oriental Mindoro Police Provincial Office

KARUMAL-DUMAL NA PANANAGA SA POLA, YUMANIG SA LIBLIB NA BARYO; MOTIBO PALAISIPAN PA!📝 Issa Angeles POLA, ORIENTAL MINDOR...
18/09/2026

KARUMAL-DUMAL NA PANANAGA SA POLA, YUMANIG SA LIBLIB NA BARYO; MOTIBO PALAISIPAN PA!
📝 Issa Angeles

POLA, ORIENTAL MINDORO — Binalot ng takot at palaisipan ang liblib na bahagi ng Barangay Matulatula, Pola matapos ang madugong pananaga na naganap nitong Setyembre 17, 2026, bandang alas 5:30 ng hapon.

Kinilala ang biktima na si alyas "Jomar", 46-anyos, na ayon sa mga residente ay kilalang mabait at walang kaaway sa lugar.

Ayon sa salaysay ng anak na mismong saksi sa karumal-dumal na krimen, kagagaling lamang nila sa pangingisda at pauwi na sana nang biglang may sumulpot na isang lalaking nakasuot ng bonet. Walang sabi-sabi, bigla na lamang nitong inatake ng taga ang kanyang ama.

Sa tindi ng takot, mabilis na tumakbo ang anak upang humingi ng saklolo sa mga kalapit bahay. Ngunit dahil liblib ang pinangyarihan, walang agad nakasaklolo.

Patuloy na pinag-uusapan sa baryo kung ano ang motibo sa krimen, dahil kung pagbabasehan ang pagkatao ng biktima, wala umano itong kagalit.

Sa ngayon, masusing imbestigasyon ang isinasagawa ng Pola MPS upang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek at ang tunay na dahilan sa likod ng pananaga.

Nananawagan ang pulisya sa sinumang may impormasyon na agad makipag-ugnayan sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya.

📷 SOURCE: Ugnayan Bayan

Mindoreño Totoo Lang Po Online News Page
Philippine National Police
Office of the Chief PNP
PNP Police Regional Office Mimaropa
PNP Oriental Mindoro Police Provincial Office
PNP CIDG Oriental Mindoro Provincial Field Unit

GURONG MANGYAN MULA NAUJAN, KINILALA BILANG ISA SA SAMPUNG NATATANGING PILIPINO NG METROBANK FOUNDATION📝 Issa Angeles OR...
16/09/2026

GURONG MANGYAN MULA NAUJAN, KINILALA BILANG ISA SA SAMPUNG NATATANGING PILIPINO NG METROBANK FOUNDATION
📝 Issa Angeles

ORIENTAL MINDORO — Isang malaking karangalan ang naiuwi ng Oriental Mindoro matapos parangalan si Dr. Emmanuel D. Guarde, PhD, Master Teacher II ng Cornelio Lintawagin Memorial Elementary School sa Naujan, bilang isa sa Ten Outstanding Filipinos ng Metrobank Foundation.

Si Dr. Guarde, na tubong Mangyan, ay kinilala bilang "steward of indigenous knowledge and heritage" dahil sa kanyang natatanging ambag sa edukasyon ng mga batang katutubo.

Ayon sa Metrobank Foundation, naisipan ni Dr. Guarde na gumawa ng mga kagamitang pampagtuturo na sumasalamin sa tunay na buhay at kultura ng mga batang Mangyan. Dito isinilang ang kanyang makasaysayang proyekto na pinamagatang "Baren: An Indigenous Lullaby of Learning: Nurturing Mangyan Education Through Culture-Based Teaching".

Tampok sa proyektong ito ang katutubong alpabeto, mga kwentong Mangyan, at mga visual aids na nakaugat sa sariling wika at tradisyon ng mga mag-aaral. Layunin nitong hubugin ang maagang pagbasa, talas ng isip, at higit sa lahat, ang pagkilala at pagmamalaki sa sariling kultura ng mga batang Alangan Mangyan.

Kasama ng siyam pang g**o, sundalo at pulis, ginawaran ng parangal si Dr. Guarde sa mismong plenary session ng House of Representatives.

Samantala, nagpaabot ng pagbati si Oriental Mindoro 1st District Rep. Arnan C. Panaligan sa tagumpay ni Dr. Guarde.

“Isang malaking karangalan hindi lamang para sa Naujan kundi para sa buong Oriental Mindoro ang pagkilalang ito kay Dr. Guarde. Pinatunayan niya na ang tunay na edukasyon ay hindi lang nagtuturo ng kaalaman, kundi nagpapanatili at nagbibigay-buhay sa ating kultura at lahi. Ipinagmamalaki natin ang isang g**ong Mangyan na nagbigay ng boses at pag-asa sa mga batang katutubo,” pahayag ni Cong. Arnan Panaligan.

Patunay si Dr. Guarde na ang pusong may malasakit sa sariling kultura ay kayang mag-iwan ng pamana na hindi matatawaran.



📷 SOURCE: Cong. Arnan C. Panaligan - House of Representatives

Mindoreño Totoo Lang Po Online News Page

TULAK NG DROGA NA MATAGAL NANG PINAGHAHANAP, BUMAGSAK SA BUY-BUST SA PINAMALAYAN📝 Issa Angeles PINAMALAYAN, ORIENTAL MIN...
16/09/2026

TULAK NG DROGA NA MATAGAL NANG PINAGHAHANAP, BUMAGSAK SA BUY-BUST SA PINAMALAYAN
📝 Issa Angeles

PINAMALAYAN, ORIENTAL MINDORO — Hindi na nakapalag ang isang hinihinalang tulak ng iligal na droga na si alyas "Zarbot" matapos maaresto sa ikinasang buy-bust operation ng Pinamalayan MPS sa Sitio Quezon, Brgy. Papandayan, Pinamalayan noong Setyembre 14, 2026, bandang alas 3:06 ng hapon.

Sa pangunguna ni PCPT Marvin Hernando, sa ilalim ng pamumuno ni PLTCOL Christian P. Bermudez, matagumpay na nailatag ang operasyon laban sa suspek na matagal nang minamanmanan ng otoridad.

Lumabas sa imbestigasyon na matagal nang target ang suspek ngunit pansamantalang nawala sa radar matapos lumipat ng tirahan. Sa pagbabalik nito, muling nabuhay ang impormasyon na aktibo pa rin ito sa bentahan ng iligal na droga.

Sa mismong operasyon, nakabili ang poseur buyer ng isang sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P500 at may isa pang sachet na narekober sa pinangyarihan.

Agad na inaresto ang suspek at binasahan ng kanyang karapatan. Inamin umano nito na gumagamit siya ng droga at dati nang sumuko sa Oplan Tokhang.

Sa ngayon ay nakakulong na ang suspek sa Pinamalayan MPS habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 9165.

Ang operasyon ay nasaksihan ng isang opisyal ng barangay at ng kinatawan ng media.

Sa pahayag ni PLTCOL Christian P. Bermudez, hepe ng Pinamalayan MPS, mananatiling mahigpit ang kanilang kampanya kontra iligal na droga.

“Hindi kami titigil sa pagtugis sa mga taong patuloy na sumisira sa kinabukasan ng ating kabataan. Kahit saan pa sila magtago, aabutin sila ng batas. Tuloy-tuloy ang aming operasyon para sa isang drug-free na Pinamalayan,” ani PLTCOL Bermudez.




📷 SOURCE: Ugnayan Bayan

Mindoreño Totoo Lang Po Online News Page
Philippine National Police
Office of the Chief PNP
PNP Oriental Mindoro Police Provincial Office
PNP Police Regional Office Mimaropa
PDEA Regional Office Mimaropa
Pinamalayan Mps

2 SUSPEK SA PAMAMARIL SA BRGY. CHAIRMAN NG SAN NARCISO, TIMBOG SA VICTORIA📝 Issa Angeles VICTORIA, ORIENTAL MINDORO — Ar...
16/09/2026

2 SUSPEK SA PAMAMARIL SA BRGY. CHAIRMAN NG SAN NARCISO, TIMBOG SA VICTORIA
📝 Issa Angeles

VICTORIA, ORIENTAL MINDORO — Arestado ang dalawang suspek sa pamamaril sa Barangay San Narciso, Victoria nitong Setyembre 15, 2026 dahil sa mabilis na responde ng Victoria MPS.

Ayon sa pulisya, agad na rumesponde ang mga tauhan ng Victoria MPS matapos makatanggap ng impormasyon at nagsagawa ng hot-pursuit operation.

Nakatulong din sa operasyon ang paggamit ng drone mula sa 1st PMFC Headquarters na tumulong para matunton ang pinagtataguan ng mga suspek sa gitna ng palayan.

Nakilala ang mga suspek na isang 27-anyos na construction worker na taga-Guinobatan, Calapan City at isang 39-anyos na construction worker/fisherman na taga Lanao del Sur.

Narekober sa operasyon ang isang kalibre .45 na pi***la, mga magazine, bala, at basyo ng bala. Narekober din ang isang kalibre .32 na revolver sa follow-up operation.

Ligtas naman ang dalawang biktima kabilang ang Barangay Chairman ng San Narciso.

Ayon kay PMAJ Brandy G. Roldan, hepe ng Victoria MPS, patunay ito ng kahandaan ng kapulisan na protektahan ang komunidad gamit ang mabilis na responde at makabagong teknolohiya.

Nasa kustodiya na ng Victoria MPS ang mga suspek at sasampahan ng kaukulang kaso.




📷 SOURCE: PNP Victoria Municipal Police Station

Mindoreño Totoo Lang Po Online News Page
Philippine National Police
Office of the Chief PNP
PNP Police Regional Office Mimaropa
PNP Oriental Mindoro Police Provincial Office
PNP CIDG Oriental Mindoro Provincial Field Unit

Address

Calapan
5200

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mindoreño Totoo Lang Po Online News Page posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share