08/11/2025
Isang 85-anyos na lola na si Lola Esteng ang araw-araw na naglalako ng mais—hindi alintana kung umuulan o tirik ang araw. May kariton siyang may gulong ng bisikleta, at doon nakalagay ang paninda niya habang naglalakad siya sa kalsada.
Ayon sa nagbahagi ng kwento, madalas nilang makita si Lola Esteng sa kanilang lugar. Sa tuwing makikita nila ang matanda, bumibili sila ng mais dahil naaawa sila sa hirap nito.
Nang tanungin kung bakit hindi na lang siya nagpapahinga sa bahay, sagot ni Lola: kailangan niyang magtinda dahil may apo siyang pinag-aaral—ang batang iniwan sa kanya ng kanyang anak. Gusto sana niyang magpahinga, pero mas mahalaga sa kanya na matulungan ang apo na makaabot sa pangarap.
Mula alas-7 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon siya naglalako. Sinisiguro niyang mauubos ang paninda bago umuwi. Kumikita siya ng humigit-kumulang P300 hanggang P350 sa isang araw—sapat para makaraos at makapagpatuloy sa buhay.
Ang kanyang araw-araw na paglalakad ay patunay na para sa isang nagmamahal, hindi hadlang ang edad sa pagsusumikap para sa pamilya.
Ctto