22/10/2025
π§ππ‘ππ‘ππ‘ || Matagumpay na isinagawa ang Culminating Activity ng mga mag-aaral mula Baitang 11 -12 ng Calatrava National Highschool nitong Oktobre 21, 2025 sa Multi-Purpose Covered Court ng paaralan.
Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng pagtatapos sa kanilang pag-aaral sa asignaturang Physical Education ngayong semester. Layunin nito na maipamalas ang kanilang natutunan sa pamamagitan ng isang makulay at makabuluhang pagtatanghal.
Ang pinakatampok na bahagi sa aktibidad na ito ay ang masiglang Zumba at makulay na Festival Dance na sumasalamin sa mayamang kultura ng ating Bansa .
βπ»|| Jameela Fruelda
πΈ|| Sheriah, Ally, Jameela, Rhaiden, & Leianah