09/08/2025
PHVIS Matagumpay na nagawa ang pagbubukas ng Buwan ng Wika 2025
Matagumpay na naisagawa ng Patong-Happy Valley Integrated School ang pagbubukas ng taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2025 na may temang "Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa".
Nagsimula ang nasabing programa sa pag-awit ng Pambansang Awit at Panalangin, nasundan ito ng pambungad na salita na ibinigay ni Bininbing May Ann Gazelle Robles. Sa pagdaloy ng programa ay naghatid ng isang handog si Aikee Jill Delequiña at Shansy Sederio ng awitin. Pagkatapos ng awiting inihandog ay sinundan naman itun ng pagpapabatid sa tema ng Buwan ng Wika para sa taong 2025 ni Binibini Gia Mae Salve Reyes. Inisa-isa rin nin binibing Reyes ang mga magiging patimpalak na gagawin at magiging pangkatan para sa taon na ito.
Matapos ang nasabing programa ay nasundan ito ng patimpalak sa Pagbabaybay/Spelling, Bugtong-Bugtungan at Tagisan ng Talino na sinalihan ng lahat ng pangkat na mayroon lamang dalawang kalahok bawat patimpalak. Makalipas ang ilang minuto ay natapos ang tatlong patimpalak ay natukoy ang mga nanalo. Para sa patimpalak ng Pagbabay/Spelling Bee ang nagkamit ng unang gantimpala ay ang pangkat ng Grade 12, ikalawang gantimpala pangkat ng Grade 11 at ikatlong gantimpala ay ang pangkat ng Grade 7.
Para sa patimpalak na Bugtong-Bugtungan ang nagkamit ng unang gantimpala ay pangkat ng Grade 8, ikalawang gantimpala ay pangkat ng Grade 12 at ikatlong gantimpala ay pangkat ng Grade 9. Habang sa patimpalak na Tagisan ng Talino ang nagkamit ng unang gantimpala ay pangkat ng Grade 10, ikalawang gantimpala ay pangkat ng Grade 7 at ikatlong gantimpala ay pangkat ng Grade 12. Ang mga hindi naman pinalad sa mga patimpalak ay hinandogan naman ng sertipiko ng pakikilahok at diyan nagtapos ang matagumpay na pagbubukas ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika.