Jericho "Ikong" Geronimo

Jericho "Ikong" Geronimo Welcome to the official page of
Jericho "Ikong" Geronimo.

Walastik Halloween Costume Party 2025! πŸŽƒIhanda na po ang pinaka nakakatakot, nakakatawa at pangmalakasang costume para s...
19/10/2025

Walastik Halloween Costume Party 2025! πŸŽƒ

Ihanda na po ang pinaka nakakatakot, nakakatawa at pangmalakasang costume para sa taunang Walastik Halloween Costume Party

πŸ“… October 31, 2025 (Biyernes)
πŸ•— 3:00 PM - onwards
πŸ“ Tupda Blk. 5, Barangay 8

Free Registration! πŸ“’

Ito po ay bukas para sa lahat ng mga taga-Barangay 8 na nagnanais na sumali, makipag ugnayan lamang po kayo kay Ms.Jo Tejero at sa page na ito.

πŸ† Adult Category :
Title - β‚±5,000 + Free 1 year WiFi subscription
1st - β‚±3,000 + Free 8 months WiFi subscription
2nd - β‚±2,000 + Free 6 months WiFi subscription

πŸ† Kids Category :
Title - β‚±3,000 + Free 1 year WiFi subscription
1st - β‚±2,000 + Free 8 months WiFi subscription
2nd - β‚±1,000 + Free 6 months WiFi subscription

Maraming salamat kay President Davey Jone Asong at sa Walastik Internet sa pag-sponsor sa event na ito. Kita-kits po tayo! πŸ«°πŸ»πŸ’™

19/10/2025

PANOORIN : Narito po ang ilan sa mga naging kaganapan sa pagdiriwang ng ika-41 taong anibersaryo ng Mamamasan ng Julian Felipe Chapter β€” Senior Ninong na ginanap kahapon.

Taon-taon po panata natin ito bilang isang deboto ng P**ng Nazareno hindi lamang sa ganitong uri ng pagdiriwang kung hindi sa iba’t ibang mahahalagang bagay tulad ng Mahal na Araw.

Layunin po natin na maisabuhay ang bawat aral na itinuturo ng P**n sa atin at maipamana sa mga susunod na henerasyon. πŸ«°πŸ»πŸ’™

Happy 41st anniversary, Mamamasan ng Julian Felipe Chapter β€” Senior Ninong! πŸ™πŸ»πŸ“ΏNabalot po muli ng pagpapala ang naging p...
19/10/2025

Happy 41st anniversary, Mamamasan ng Julian Felipe Chapter β€” Senior Ninong! πŸ™πŸ»πŸ“Ώ

Nabalot po muli ng pagpapala ang naging pagdiriwang ng ika-41 taong anibersaryo ng Mamamasan ng Julian Felipe Chapter β€” Senior Ninong na nagsimula sa isang banal na misa bilang pasasalamat sa P**ng Nazareno at paghingi ng gabay sa ating panata.

Matapos po ang misa ay sinundan ito ng prusiyon na kung saan sa bawat paglakad at paghila ng lubid ay dama natin ang presensya ng Panginoon, pagkakaisa ng mga deboto at sa bawat tahimik o may await na paghakbang ay bitbit natin ang mga panalangin.

Ang mahigit na apat na dekada po ay isang patunay ng ating matibay na pananampalataya at pagkakaisa at higit sa lahat ang panahong ito ay nagtutulak sa atin na maging instrumento ng P**ng Nazareno upang makatulong sa kapwa.

Muli, Maligayang ika-41 taong anibersaryo at nawa’y maging matatag pa po ang ating samahan at laging maging handa sa paggawa ng mabuti na naaayon sa kaniyang kalooban.

Pagpalain tayo ng P**ng Nazareno! πŸ«°πŸ»πŸ’™

Happy 41st Anniversary, Mamamasan ng Julian Felipe Chapter β€” Senior Ninong! πŸ™πŸ»πŸ“ΏHigit sa pagdiriwang, ang 41 taon po ay n...
18/10/2025

Happy 41st Anniversary, Mamamasan ng Julian Felipe Chapter β€” Senior Ninong! πŸ™πŸ»πŸ“Ώ

Higit sa pagdiriwang, ang 41 taon po ay nagsisilbing patunay na sa pananampalataya at pagkakaisa at kaya natin malagpasan ang bigat ng Krus sa ating buhay kapiling ang ating P**ng Hesus Nazareno.

Ang pag-ibig na itinuro ng Diyos ang nagbigkis sa ating puso at naging ugat ng ating layunin na tumulong at maglingkod sa kapwa nang buong puso at may katapatan.

Nawa'y patuloy po tayong maging instrumento ng pagmamahal at pag-asa sa mundo. Hilingin natin ang mas marami pang taon ng pagtupad sa kalooban ng Diyos.

Mabuhay ang Julian Felipe Chapter! πŸ«°πŸ»πŸ’™

Happy happy birthday, Kiel! πŸŽ‚πŸ₯³Nawa’y maging malusog palagi ang iyong pangangatawan at galingan mo sa pag-aaral para matu...
17/10/2025

Happy happy birthday, Kiel! πŸŽ‚πŸ₯³

Nawa’y maging malusog palagi ang iyong pangangatawan at galingan mo sa pag-aaral para matupad mo ang mga pangarap mo at makatulong sa pamilya.

Wish ko rin na maging masaya ka hindi lang ngayong birthday mo, kundi araw-araw. Enjoy your day! πŸ«°πŸ»πŸ’™

Gabi ng pagpaparangal (135) πŸ“ΏπŸ•―οΈNakiisa po tayo sa isang gabi na puno ng biyaya dahil sa ginanap na 135 o Gabi ng Pagpapa...
17/10/2025

Gabi ng pagpaparangal (135) πŸ“ΏπŸ•―οΈ

Nakiisa po tayo sa isang gabi na puno ng biyaya dahil sa ginanap na 135 o Gabi ng Pagpaparangal sa Mahal na P**ng Hesus Nazareno β€” Senior Ninong na kung saan ay bahagi pa rin ito ng paghahanda para sa ika-41 taong anibersaryo.

Ang gabi ng pagpaparangal na ito ay hindi lamang isang selebrasyon kung hindi isang paalala ng mas malalim na panata at tungkulin bilang lingkod at saksi ng Kanyang dakilang pag-ibig.

Viva! Nazareno! Viva! Senior Ninong! πŸ™πŸ»πŸ’™

Paalala sa Lahat : Maging handa sa Lindol! 🌏Sa patuloy po na pagyanig sa iba’t ibang bahagi ng bansa, siguraduhing alam ...
14/10/2025

Paalala sa Lahat : Maging handa sa Lindol! 🌏

Sa patuloy po na pagyanig sa iba’t ibang bahagi ng bansa, siguraduhing alam ang tamang mga hakbang bago, habang at pagkatapos ng lindol upang mapanatili ang kaligtasan ng lahat.

Paalalahanan po ang inyong pamilya at mga kasama sa tahanan o opisina na magtago sa ilalim ng matibay na mesa at manatiling kalmado hanggang huminto ang pagyanig.

Hindi mahuhulaan ang lindol, kaya’t mahalagang maging maagap sa paghahanda. Ang kaligtasan ay nagsisimula sa tamang kaalaman at pagiging handa.

Patuloy po na maging alerto at mag-ingat! πŸ«°πŸ»πŸ’™

Gabi ng pasasalamat sa Tupda, Block 2! πŸ™πŸ»πŸ“ΏSa huling gabi ng Block Visit 2025 ay nakiisa po tayo at nag-alay ng taimtim n...
08/10/2025

Gabi ng pasasalamat sa Tupda, Block 2! πŸ™πŸ»πŸ“Ώ

Sa huling gabi ng Block Visit 2025 ay nakiisa po tayo at nag-alay ng taimtim na panalangin sa isang banal at makabuluhang pagtitipon sa ginanap na Gabi ng Pasasalamat ng magkakapitbahay sa Block 2, Tupda.

Ang gabi po ng pasasalamat na ito ay hindi lamang isang selebrasyon, kung hindi isang patunay ng matibay na pagkakaisa at pananampalataya natin sa P**ng Hesus Nazareno.πŸ«°πŸ»πŸ’™

Maligayang kaarawan, Konsehala Atty. Charm Quimpo! πŸ’œπŸ₯³Patuloy po nawa kayong bigyang ng Panginoon ng lakas, talino at ins...
29/09/2025

Maligayang kaarawan, Konsehala Atty. Charm Quimpo! πŸ’œπŸ₯³

Patuloy po nawa kayong bigyang ng Panginoon ng lakas, talino at inspirasyon upang maipagpatuloy ang inyong tapat at mahusay na serbisyo para sa mga mamamayan ng Distrito Dos ng Caloocan.

Ang dedikasyon po ninyo sa paglilingkod ay hindi matatawaran. Hangad namin ang mas marami pang taon ng tagumpay at biyaya sa inyong buhay.

Mula po sa akin at sa mga taga-Barangay 8 ay isang taos-pusong pagbati ng Happy Birthday, Konsehala Atty. Charm Quimpo! πŸ«°πŸ»πŸ’™

Gabi ng pasasalamat sa Tupda, Block 4! βœοΈπŸ“ΏNakiisa po tayo sa isang gabi na puno ng pananampalataya sa ginanap na Gabi ng...
27/09/2025

Gabi ng pasasalamat sa Tupda, Block 4! βœοΈπŸ“Ώ

Nakiisa po tayo sa isang gabi na puno ng pananampalataya sa ginanap na Gabi ng Pasasalamat ng magkakapitbahay sa Tupda, Blk.4 bilang bahagi pa rin ng Block Visit.

Sa patuloy po nating pagdulog sa Panginoon, gawin nating inspirasyon ang pananampalataya sa pagpapakita ng pagmamahal ng Diyos sa ating kapwa. πŸ«°πŸ»πŸ’™

Happy 1st birthday, King Gemiel! πŸŽ‰πŸŽ‚Nawa’y lumaki kang mabait, matalino at maalalahanin. Igalang ang magulang, at panatil...
26/09/2025

Happy 1st birthday, King Gemiel! πŸŽ‰πŸŽ‚

Nawa’y lumaki kang mabait, matalino at maalalahanin. Igalang ang magulang, at panatilihin ang takot sa Panginoon sa iyong puso.

Hiling ko'y maging super-strong at super-smart ka pero mas mahalaga, maging superhero ka ng kabaitan. Ang puso mong matulungin ang tunay mong korona.

Salamat sa pamilya mo at naging parte ako ng ilang importanteng yugto ng iyong buhay. Muli, Happy birthday, Nak! πŸ«°πŸ»πŸ’™

Isang gabi na puno ng pagpapala! πŸ™πŸ»πŸ“ΏTayo po ay nag-alay ng taimtim na panalangin sa Gabi ng Pasasalamat bilang bahagi ng...
24/09/2025

Isang gabi na puno ng pagpapala! πŸ™πŸ»πŸ“Ώ

Tayo po ay nag-alay ng taimtim na panalangin sa Gabi ng Pasasalamat bilang bahagi ng Block Visit sa huling gabi ng Senior Ninong kasama ang magkakapitbahay sa Tupda, Block 5.

Nakasama po natin sa pananalangin si Kagawad Janet Alindada, ang Mamamasan ng Julian Felipe Chapter, at ilang magkakapitbahay sa Blk.5 sa pangunguna ni MsJo Tejero.

Nawa’y manatili po sa ating mga puso ang aral at pagmamahal na ipinadama ni Senior Ninong. Pagpalain po kayo ng P**ng Maykapal! πŸ«°πŸ»πŸ’™

Address

Barangay 8, Caloocan City
Caloocan City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Jericho "Ikong" Geronimo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Jericho "Ikong" Geronimo:

Share