TINSAGCALKLOOK Simpleng buhay ng
๐จโ๐ฉโ๐ฆโ๐ฆ
06/09/2025
Buti nagpalit kami ng vitamins ๐
Grabe to, this is the first time in my sonโs school journey na naka-perfect attendance kami. ๐ Goal namin to na maka perfect attendance from 1st to 4th quarter. 1 down 3 more to go.
Dati kasi 1st quarter pa lang absent na dahil may sakit. ๐
Thank God talaga for the good health of my kids. ๐
Taas kamay ng mga naka perfect attendance ngayong quarter! Good health sating lahat. ๐ฅฐ
05/09/2025
Nanay's little singer ๐ฅฐ from Bahay Kubo to Ako ay may Lobo real quick! ๐ Sa susunod mas maayos na pagkanta niya. ๐
04/09/2025
Playtime with a purpose ๐ Trampoline helps kids improve coordination, burn energy, and sleep better. Ilabas ang kulit sa trampoline! ๐ Salamat tita sa gift na malaking trampoline kahit si Nanay kayang kaya.
๐ https://s.lazada.com.ph/s.u1SQB?cc
๐งก https://s.shopee.ph/4fmYOH4Wno
03/09/2025
1month to go celebration na ng Teacher's Day. Something new para sa kanila to, tipid version din. ๐
02/09/2025
Christmas tree muna ngayon, sa December na yung decorations ๐
Malaki laki ang natipid namin sa birthday souvenir dahil nag DIY kami. Pare-parehas tayong mabango with Bambini Baby โบ
31/08/2025
Sulit ng ganitong party lalo na makita ang mga kids na sobrang happy! ๐ฅฐ
Sa sobrang happy ng son ko sa birthday niya, gusto niya taon taon ganito daw ang party niya. ๐ Kasama sa pagplano ang son ko kaya yung gusto niya talaga ang nasunod. Ayaw niya ng may program, ayaw niya ng may magician at may bubble man, ito mismo ang gusto niya, buti sinunod ko hindi lang siya ang nag enjoy, lahat ng bata na nasa party ang saya saya nila. Kuhang kuha namin ang kiliti nila.
Thumbs up to our dear suppliers, naging ok na ok ang birthday party ng son ko. Thank you so much po. Salamat din po sa lahat ng nakisaya samin.
Inflatables - Happy Kids Funflatables and Mobile Playground
Backdrop - UNO Prints and Rentals c/o Ma Lot Morales
Food Cart - R&A Foodcarts and Grazing Tables
Photography - Gracethings Photography
Family T-shirts - Zedos Family Shirt
Loot Bags - Joyous Events & Souvenirs
Cake - AJ's Cakes by:Ms.A
Food - Ate Cia's Kitchen Page / Dumana's Delicacies / Luto ni MIL
Souvenir - DIY ni Nanay Tin Sagcal
Invitation - DIY ni Daddy Sagcal
30/08/2025
Sulit maging ninong si Max! ๐
2x a year kaming nakaka kuha ng gift na chicken dahil ninong niya si Max ๐ sa Max's Restaurant ang reception nung binyag niya. Pang 14 na namin to dahil simula nung baby siya pero hanggang ngayon na lang dahil 7yo na siya. Pero not bad, sulit na din!
Isa to sa perks pag sa Max's ka nag celebrate ng binyag. Kung may ganito kang card, huwag kalimutang iclaim ang free chicken tuwing birth month ng bata at December. ๐
29/08/2025
Thank you so much Surf para sa inyong GRAND LABA DAY kung saan nakakuha kami ng free Surf at free laba!
Sama na sa at mag na rin with Surf Ultra Power Liquid, para sa ultimate linis at bango na hindi kailangan kusutin.
Surf Philippines
28/08/2025
Thank you sa mga generous brands na naka work ko, may naisama para sa loot bags. ๐ฅฐ
27/08/2025
Happiness in small packages ๐
Prepared with love for my sonโs birthday party ๐
19/08/2025
Akala ko wala ng pag asa na mahiligan niya ang pag babasa. Eh mag 3 months na nung tinanggal ko ng screen time. Ayun, lahat ng books sa playroom nabasa na niya. At nagpapabili pa nga ng ibang books. ๐
Be the first to know and let us send you an email when Pamilya Sagcal posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.
2011 nag start yung #AlwaysandForever story namin, doon pa lang sure na akong siya na yung "the one". Yung pag bibigay niya ng time sa akin, pag aalaga, ma effort, yung priority niya ako, yan yung mga gustong gusto ko sa kanya. So bale hinintay ko na lang yung proposal, haha, oo tama ka 5years kong hinintay! Worth it naman!
Six years ago, I was not looking for love but then you came. From strangers to officemate, eventually became friends, unexpectedly turn into lovers. Yan yung umpisa ng vow ko nung #AlwaysandForever012817 wedding namin!
So after ng wedding akala ko may magbabago sa kanya, pero wala eh ganon pa rin mas nadagdagan pa nga. Yung masasabi mong "hay, ang sarap mag asawa!"
Kahit nung buntis ako at ngayong may isa na kaming baby, hindi ko ramdam yung hirap kasi tulad nga ng sabi niya sa wedding vow, "basta hawak kamay tayo, makakaya natin lahat."
Swerte ko ba? Oo naman! Blessed!
More than 1year na siyang househusband, wala kasing magbabantay sa baby namin. Sayang kasi yung career opportunity sakin kaya siya yung nag give way. Yes mahirap yung isa lang yung source of funds yung dating madami kaming savings ngayon swerte na kung may ma-save.
Pero alam niyo, proud ako sa asawa ko kahit househusband siya hindi sumasakit ulo ko sa kanya. Kasi morning pa lang gigising yan para magluto ng breakfast at baon ko, pati bag ko inaayos bibitbitin na lang. Yung anak ko maayos, on time ang ligo, vitamins at tulog. Pag uwi ko ng bahay galing work wala na akong gagawin maayos na lahat. Nung nag wean from breastfeeding yung baby namin, kahit masarap tulog ng asawa ko sa madaling araw magigising siya para mag timpla ng gatas. Hindi ko nga alam kung ilang scoop dapat eh. Haha.
Hindi batugan asawa ko, wala din siyang bisyo, hindi rin siya nag dodota o ML. Haha
Hindi sumasakit ulo ko sa kanya!
Maswerte pa rin ba? Oo naman! Sobra! Blessed!
Pinag pray ko lagi na wag siyang magbago!
I made this blog para malaman ng lahat na totoong meron pa ring lalaking matino. Para ma-inspire yung mga lalaki na maging mabuti sa girlfriend o asawa nila.