
16/08/2025
𝐁𝐮𝐰𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐖𝐢𝐤𝐚 𝟐𝟎𝟐𝟓
A BA KA DA...
Hindi lamang ito alpabetong ating kinakanta, kundi mga simbolo ng ating pagkatao, kasaysayan, at pagkakakilanlan bilang mga Pilipino. Sa bawat pantig at titik ng Abakada, kasabay nitong umusbong ang isang wikang bumuo at humubog sa isang bayang nagkakaisa.
Ngayong Agosto, sa pangunguna ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), muli nating ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika na may temang: “Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa.”
Ang selebrasyong ito ay hindi lamang paggunita sa kahalagahan ng ating wikang pambansa, kundi isang panawagan sa bawat Pilipino na patuloy itong pagyamanin, gamitin, at mahalin. Sa panahon ng makabagong identidad sa isang globalisadong mundo, ang ating wika ang magsisilbing ugat at gabay sa ating pag-unlad.
Ang Buwan ng Wika ay paalala—kahit gaano kataas ang ating marating, ang Wikang Filipino ang ating pinanggalingan. Mula sa tahanan, paaralan, simbahan, at pamayanan, dalhin natin ang diwa ng pagka-Pilipino sa pamamagitan ng wika.
Atin itong pahalagahan.
Atin itong gamitin.
Atin itong ipagmalaki.
Atin ito—Wikang Filipino.
Mabuhay ang Wikang Filipino!
Written by: Heather Peñano
PubMat by: Avegail Zamuco