
01/07/2025
Medyo matagal na rin akong nasa kalsada kaya alam ko na rin na minsan ang pagmomotor ay hindi lang palagi tungkol sa destination. Tungkol din ito sa mga taong nakakasama mo sa byahe. Maraming dumating, nakasalamuha, nakatawanan. Maraming nakasama tumawid sa mga ilog, baha, humiga ng nakatingala sa mga bituin, minsan ay bumyahe ng hindi nag uusap kundi magtanguan lang (mga communication na kayo kayo lang nagkakaintindihan).
Pero ang totoo hindi lahat ng kasama mo sa simula ay sasamahan ka sa final stop. Marami dyan bigla nalang liliko, papunta sa ibang destinasyon, hindi dahil nag away kayo, hindi rin dahil wala na sila.
Ganon lang talaga ang buhay, iba-ibang kalsada, ibaiiba ng priorities, ganon lang talaga, OK lang yan.
Kung nasan man kayo, I hope na hinahanap niyo pa rin ang Kalayaan, mga hangin na dumadampi sa inyong mukha, mga himig ng makina na tulad ng tibok ng puso.
At kung tawagin man kayo muli ng kalsada.
Tandaan nyo andito lang ako magri-ride pa rin.