๐‡๐š๐ซ๐ฎ๐ง ๐ƒ๐จรฑ๐š๐ฌ๐š๐ฅ๐ž๐ฌ - ๐ƒ๐šโ€™๐ฐ๐š๐ก ๐ฉ๐š๐ ๐ž

  • Home
  • Philippines
  • Caloocan
  • ๐‡๐š๐ซ๐ฎ๐ง ๐ƒ๐จรฑ๐š๐ฌ๐š๐ฅ๐ž๐ฌ - ๐ƒ๐šโ€™๐ฐ๐š๐ก ๐ฉ๐š๐ ๐ž

๐‡๐š๐ซ๐ฎ๐ง ๐ƒ๐จรฑ๐š๐ฌ๐š๐ฅ๐ž๐ฌ - ๐ƒ๐šโ€™๐ฐ๐š๐ก ๐ฉ๐š๐ ๐ž ๐™’๐™ž๐™จ๐™™๐™ค๐™ข ๐™ฉ๐™–๐™ก๐™ ๐™จ

07/09/2025

Dalawang taon lamang itinayo ang masjid na ito. Sinimulan noong 1997 at natapos, at opisyal na binuksan noong 1999. Isang napapanahong paalala para sa ating lahat.

Kung sa Gitnang Silangan meron silang shay haleeb ุดุงูŠ ุญู„ูŠุจ, dito naman sa Timog-Silangang Asya may teh tarik ๐Ÿ‡ฒ๐Ÿ‡พ tayo heh...
07/09/2025

Kung sa Gitnang Silangan meron silang shay haleeb ุดุงูŠ ุญู„ูŠุจ, dito naman sa Timog-Silangang Asya may teh tarik ๐Ÿ‡ฒ๐Ÿ‡พ tayo hehe. Alhamdulillah, ang isa Arabic style, ang isa Malaysian style!

07/09/2025

Alhamdulillah, muli tayong nakabalik sa ating unibersidad matapos ang isang produktibong bakasyon sa Pilipinas. Nakakagaan ng pakiramdam. Bagamaโ€™t bakasyon pa rin kami ngayon, pumunta lamang ako rito upang ayusin ang ilang bagay.

04/09/2025

Halal pork? Maraming Muslim sa Pilipinas ang nagsasakripisyo ng oras at nagpapakahirap para i-educate ang ating mga kababayan tungkol sa usaping Halal. Ngunit heto, may isang tao na lalabas lamang para maghanap ng atensyon at mang-insulto

Mahalaga ang malinis na intensyon, ngunit ito ay hindi hiwalay sa mabubuting gawa. Kapag ang aksyon ay masama, malinaw n...
03/09/2025

Mahalaga ang malinis na intensyon, ngunit ito ay hindi hiwalay sa mabubuting gawa. Kapag ang aksyon ay masama, malinaw na may kakulangan sa ating intensyon o sa pagsunod sa tama. Kaya, bilang isang Muslim, dapat nating ayusin ang ating kilos at intensyon nang magkasabay upang maging dalisay at katanggap-tanggap sa paningin ng Allah.

03/09/2025

Lahat ng ating gawain ay huhusgahan ni Allah batay sa ating intensyon, at dito tayo gagantimpalaan. Ngunit hindi sapat ang mabuting intensyon lamang, kailangan tama rin ang gawa. Sa Islam, ang kabutihan ay nasa pagkakaisa ng tamang niyyah at tamang gawain.

02/09/2025

Hindi kailanman mauubos ang biyaya ni Allah para sa atin, kaya manatili tayong laging nagpapasalamat sa Kanya.

May ilang pagkakataon na kapag nagbibigay tayo ng paalala, hindi ito laging galing sa mga librong ating nabasa, kundi ma...
31/08/2025

May ilang pagkakataon na kapag nagbibigay tayo ng paalala, hindi ito laging galing sa mga librong ating nabasa, kundi madalas ay mula mismo sa mga karanasan natin sa ating buhay. Ang ilan sa mga pagsubok na pinagdaanan natin ay nagiging aral din para sa iba. Kayaโ€™t kung ano ang sinasabi natin, mas madali nilang maramdaman, sapagkat nararanasan din nila.

Sa bawat salitang binibitawan natin, dala natin hindi lang ang ating kaalaman, kundi pati ang ating pagkatao. At ang kagandahan nito, hindi natin inaangkin ang karunungan, kundi alam natin na si Allah ang nagbigay ng karanasan at Siya rin ang nagbigay ng lakas sa atin. Kayaโ€™t kapag nagbibigay tayo ng payo, gawin natin ito nang may kababaang-loob, sapagkat baka tayo man ay higit na nangangailangan ng parehong paalala.

30/08/2025

Bilang nananaliksik ng kaalaman, mahalaga rin na patuloy nating hinuhubog ang ating sarili sa ibaโ€™t ibang larangan.

28/08/2025

Marami na tayong ginagawa na pagsamba para kay Allah ๏ทป, pero minsan parang hindi pa rin natin maramdaman ang tamis ng pananampalataya. Ano nga ba ang mga dahilan nito, at ano ang pwede nating gawin? Panoorin sa video na ito.

26/08/2025

Huwag mong hayaang sabihan ka ng iba na wala kang halaga. Ang katotohanan, bawat isa sa atin ay may natatanging gampanin, katangian at tungkulin na nagbibigay saysay sa ating pag-iral sa mundong ito. Alam ni Allah ang lahat ng pinaghirapan mo, lahat ng meron ka, at higit pa, alam Niya kung sino ka at kung ano ang kakayahan mo, mas higit pa kaysa sa alam mo sa iyong sarili. Kayaโ€™t patuloy ka lang sa paggawa ng mabuti, pagpapakatotoo sa sarili, at pagtupad sa iyong tungkulin. Sa tamang panahon, makikita mo ang ganda ng plano ni Allah para sa iyo.

May mga pagkakataon na walang makakapagpaliwanag ng ating nararamdaman, maliban na lamang sa isang salitang: Alhamdulill...
25/08/2025

May mga pagkakataon na walang makakapagpaliwanag ng ating nararamdaman, maliban na lamang sa isang salitang: Alhamdulillah.

Address

Caloocan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ๐‡๐š๐ซ๐ฎ๐ง ๐ƒ๐จรฑ๐š๐ฌ๐š๐ฅ๐ž๐ฌ - ๐ƒ๐šโ€™๐ฐ๐š๐ก ๐ฉ๐š๐ ๐ž posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to ๐‡๐š๐ซ๐ฎ๐ง ๐ƒ๐จรฑ๐š๐ฌ๐š๐ฅ๐ž๐ฌ - ๐ƒ๐šโ€™๐ฐ๐š๐ก ๐ฉ๐š๐ ๐ž:

Share