25/08/2025
“Dad!Ayoko pong magpakasal sa kanya!”Iyak na wika ni Anna sa kanyang ama.Hindi niya kasi inakala na basta nalang itong mag-desisyon na ipakasal siya sa anak ng kaibigan nito na si Dylan.
Hindi naman maipagkakaila ng dalaga na may gusto siya sa binata,pero alam niya kasi na may girlfriend ito at mahal na mahal ito ni Dylan.
“Ang pinaka-ayaw kung marinig Anna ay ang tanggihan mo ako sa lahat ng gusto ko!Alam mong si Dylan lang ang makaka-salba sa negosyo natin na palubog na!”
“Pero Dad!”
“Tumigil ka na Anna!Dapat kang sumunod sa iyong ama!Alam mo kung gaano siya nagsikap,para sa kumpanya natin,tapos hindi mo pa siya magawang pagbigyan?”
“Paano ko siya pagbigyan Tita?Alam mo naman na masyado pa akong Bata.Isa ka,kaka-graduate ko lang.”
“Wala kaming paki-alam!Basta ang gusto namin ang sundin mo.”Napa-upo si Anna,matapos niyang marinig ang sinabi ng stepmother niya.
“Dad…”Mahina niyang sambit sa kanyang ama at hinawakan ang braso nito.
“Kung gusto mo pang manatili rito,sumunod ka.”Wika ng kanyang ama,habang humagulgol ng iyak ang dalaga.
Alam niyang kahit ano ang gagawin niya ay hindi pa rin makikinig ang kanyang ama sa kanya.Wala rin siyang choice kundi ang sundin ito,dahil ayawn niyang mapalayas.Bukod kasi sa kanyang ama,ay wala na siyang alam na kapamilya nila.
Tuwang-tuwa na sinalubong ni Max at Fely si Sandro at Kim.Napatingin naman sa likod si Max,nang hindi niya makita si Dylan.
“Tuloy kayo,Kumpadre.”Ngiting wika ni Max,habang giniya sa dining area ang mag-asawa.
“Si Dylan?”Tanong ni Fely matapos maka-upo ng kanilang mga bisita.
“Nasa labas,‘wag kayong mag-alala,susunod din‘yon.”Wika ni Sandro at tinungga ang baso ng wine na binigay sa kanya ng katulong.
“Ito na ba si Anna?”Ngiting tanong ni Kim,habang napatingin sa dalaga.Dali-dali naman na lumapit si Fely kay Anna at hinahaplos ang mahaba at itim nitong buhok.
“Oo,‘di ba Kumare,ang ganda ng anak ko?”Matipid na ngumiti si Anna,habang malawak na ngumiti sa kanya si Kim.
“Sorry I’m late.”Nakatuon ang atensyon nila sa pagpasok ni Dylan.Kahit si Anna,ay hindi nito napigilan ang kanyang sarili na mapatitig sa binata,dahil sa angking nitong kakisigan at kagwapuhan.
“Umupo ka Hijo.”Wika ni Fely.Napakunot naman ang noon ni Anna,dahil sa ginawa ng Tita niya,pwede naman sana na ang katulong nila ang gumawa nito.
“Kailan ang kanilang kasal?”Ngiting wika ni Fely,kaya napatingin sa kanya si Anna.Pero nilakihan lang nito ang kanyang mga mata,kaya mabilis na nagyuko ang dalaga.
“Kung kailan niyo gusto,alam niyo naman na walang problema‘yon sa amin.Isa pa,nakahanda na rin ang anak namin para sa kasal nila ni Anna.”Napatingin si Anna kay Dylan at alam niya na napilitan lang ito.
“Kahit sa judge nalang kami magpakasal Dad,ayos na‘yon sa amin,‘di ba Anna?”Ngiting wika nito habang mabilis na tumango sa kanya si Anna.Gustuhin man sana ng dalaga na sa simbahan sila magpakasal,ay Wala itong magawa kundi ang maging sunod-sunuran lang sa binata.
Matapos ang dinner nila ay niyaya ni Dylan si Anna sa labas.Ayaw sana ni Anna na makipag-usap kay Dylan,dahil alam niya na galit ito sa kanya,pero ang Tita Fely na niya mismo ang nagtulak sa kanya palabas.
“Ito ba talaga ang gusto mo?”Mabilis na nagyuko si Anna sa kanyang ulo dahil ayaw nitong tingnan ang galit na mukha ni Dylan.
“Alam mong hindi kita mahal!”Sigaw nito,kaya napapitlag ang dalaga.
“W-wala akong magagawa…Kailangan kung sumunod sa kanila..”Nanginginig ang boses nito at pinipigilan ang mapa-iyak.
“Walang magawa?‘Wag mo na ngang bilugin ang ulo ko!Alam ko na gusto mo rin na maikasal sa akin!”Sigaw muli ni Dylan habang naka-pamewang ito sa harapan ni Anna.
“Bakit hindi nalang ika-.”Natigilan si Anna at muling napapitlag dahil sa muling pag-sigaw ni Dylan sa kanya.
“Sa tingin mo ba kaya ko‘yon?”
“Bakit hindi mo kaya?Ikaw naman ang lalaki rito?”
“Lintik!!Hindi ko‘yon magagawa dahil mawawalan ako ng mana,kung hindi ako susunod sa kanila.”Napayuko si Anna,dahil kahit siya,ay walang magawa para pigilan ang kasal nila.
“Ayos lang ba kayong dalawa r’yan?”Gulat na napatingin si Dylan ng makita si Fely na papalapit sa kanila.
“A-ayos lang kami Tita,‘wag po kayong mag-alala.”Ngiting wika ni Anna,habang mabilis silang iniwan ni Dylan.
“Anong sinabi nun sa‘yo?”Tanong ni Felya,habang napatingin si Anna kay Dylan na papalayo sa kanila.
“W-wala naman Tita,tinatanong niya lang ako sa mga bagay na gusto ko.”Pagsisinungaling ni Anna sa kanya.Malawak naman na napangiti si Fely dahil sa kanyang narinig mula kay Anna.
“Siguraduhin mong mapasa‘yo ang kayamanan niya.”Gulat na napatingin si Anna kay Fely,habang inayos nito ang kanyang buhok.
KINABUKASAN ay ikinasal si Anna at Dylan.Wala naman na ibang dumalo kundi pamilya lang nila,dahil ayaw ni Dylan na may ibang makaka-alam sa kasal nila ni Anna.Ayaw din ni Dylan na malaman ng girlfriend niya na kasal na siya.
Matapos ang kanilang kasal ay sa condo na ni Dylan tumuloy si Anna.Ito rin kasi ang gusto ng mga magulang niya.
“G-gusto mo bang kumain?”Tanong ni Anna kay Dylan ng makapasok sila sa loob.
Masama naman na tiningnan ni Dylan si Anna habang napahawak ito sa kanyang noo.
“Sa tingin mo,may gana pa akong kumain sa sitwasyon natin‘to?”Asik nito sa kanya,kaya hindi na napigilan ni Anna ang mapaluha.Hindi niya kasi maiwasan na masaktan dahil sa pinapakita sa kanya ni Dylan.
“Nakita mo ba ang pinto ng‘yan?”Tiningnan ni Anna ang tinuro ni Dylan at tumango.
“‘Yan ang magiging kwarto mo,at ito ang tandaan mo.‘Wag na‘wag kang pumasok sa kwarto ko.Naintindihan mo?”Mabilis na tumango si Anna at pinunasan ang kanyang pisngi.
Hindi naman pinapansin ni Dylan ang pag-iyak ni Anna at basta nalang niya itong iniwan.
Ayaw niya kasi itong makita dahil galit na galit Ito sa kanya.Makita niya lang ang mukha ni Anna,ay nasisira na nito ang araw niya,isa pa nitong inalala,kung paano niya sasabihin Kay Britney ang tungkol sa kanila ni Anna.
C2
3RD POV
“Kumain ka na,ipinaghanda kita ng pagkain.”Ngiting wika ni Anna,nang dumating si Dylan.Halos mamuti na rin ang kanyang mga mata sa kahihintay ng kanyang asawa.Ilang beses na rin niyang ininit ang mga pagkain,para hindi ito malamig kapag kumain na si Dylan.
“Kumain na ako.”Balewalang wika ni Dylan at nilampasan lang siya.Napatingin naman si Anna sa mga pagkain at umupo sa mesa nang makitang pumasok na si Dylan sa loob ng kwarto nito.
Hindi napigilan ni Anna ang kanyang sarili na mapa-iyak,habang nag-uumpisa na itong kumain.Akala niya,sa paglipas ng buwan na magkasama sila ni Dylan ay magbabago ang pakikitungo nito sa kanya.
Pero habang tumatagal,ay mas lalo lamang na lumayo ang loob ni Dylan kay Anna.
Kina-umagahan ay hindi na naabutan ni Anna si Dylan.Gusto niya sana itong ipaghanda ng pagkain,pero maaga itong umalis.
Naisipan ni Anna,na dalhan nalang ulit ng pagkain si Dylan sa opisina nito.Alam niya kasi na sobrang busy nito at halos hindi na kumakain,dahil Nakatuon lamang ang atensyon ng kanyang asawa sa kanilang kumpanya.
“Nandito ka na naman?”Napayuko si Anna,habang tinaasan siya ng kilay ng secretary ni Dylan.Kahit alam ng kanyang secretary kung sino siya sa buhay ni Dylan,ay hindi pa rin siya ginagalang nito.
“I-ihahatid ko lang sana‘tong pagkain Kay Dylan.”Mahina niyang wika habang inabot ang paper bag sa kanya.
“Ilagay mo nalang d’yan at ako na ang bahala.”Wika nito,kaya agad na tumalikod si Anna,pero agad itong natigilan ng makita si Dylan na nakaakbay kay Britney.
“Hey!‘Di ba ikaw si Anna?”Iiwas na sana si Anna sa kanila at Wala sana itong balak na sagutin si Britney,pero ito ang kusang lumapit sa kanya.
“N-napadaan lang ako rito,”mahina nitong sagot.
“Naghatid po siya ng pagkain kay Sir Ma’am.”Napakunot ang noo ni Britney at muling tiningnan si Anna.
“Naghatid?”
“Siya ang sinabi ko sa‘yo,‘yong kasama ko sa bahay,she’s my maid.”Mabilis na nag-angat ng mukha si Anna kay Dylan,at pilit na pinigilan ang kanyang mga luha na bumagsak.
“Maid?What do you mean?Naghihirap na ang family nila?”Natatawang wika ni Britney habang nagyukong muli si Anna.Hindi na kasi niya kaya pang pigilan ang mga luha sa kanyang mga mata na bumagsak.
“M-mauna na ako S-Sir.”Dali-dali silang tinalikuran ni Anna at agad itong pumasok sa elevator.Nang sumara ang pinto ay agad niyang tinakpan ang kanyang bibig.Pinipigilan nito na gumawa ng ingay at hinayaan lang ang kanyang mga luha na bumagsak.
“A-Anna?”Gulat siyang napatingin sa labas ng elevator at dali-daling pinunasan ang kanyang pisngi.
“Anong nangyari sa‘yo?Ayos ka lang ba?”Tanong sa kanya ni Kim.
Mabilis naman na tumango si Anna sa kanya at pilit na ngumiti.
“A-ayos lang po ako Mommy,n-namiss ko lang po kasi si Daddy,habang naghatid ako ng pagkain kay Dylan.”Malawak na napangiti si Kim sa kanya at hinaplos ang kanyang buhok.
“Masasanay ka rin Anna,anyway,may laman na ba‘yan?”Mabilis na namutla si Anna,dahil sa tanong ni Kim sa kanya.Takot kasi siya na malaman nito na hindi pa siya nabuntis.Ayaw niya rin na sabihin dito na Malabo itong nabuntis,dahil hindi sila magkatabi ni Dylan at hindi rin siya sinisipingan ng kanyang asawa.
Sinamahan ni Anna si Kim na mamasyal sa mall at bumili.Nagbago kasi ang isip nito nang makita si Anna.Ang kanyang asawa sana na si Sandro ang balak niya na dalhin sa labas para kumain.
“A-ang dami naman po nito Mommy.”Nahihiya niyang wika,habang nakatingin sa mga paper bag na binigay sa kanya ni Kim.
“Konti nga lang‘yan Anna,alam mo sa susunod na lumabas tayo,mas marami pa r’yan ang bibilhin ko.”Ngiti nitong wika,habang napangiti rin sa kanya si Anna.
Matapos maihatid sa driver si Anna sa condo unit nila ni Dylan,ay isa-isa niyang tiningnan ang mga binibili ni Kim sa kanya.Malawak naman itong napangiti habang isa-isang sinukat ang mga damit na binili ni Kim sa kanya.Ngayon lang din kasi niya naranasan na binibilhan siya ng mga damit.
Simula kasi noong bata pa siya,ay pera lang ang binibigay lagi sa kanya ng kanyang ama.
Kinagabihan ay nagluto muli si Anna para kay Dylan,kahit pa alam niya na hindi ito kakainin ni Dylan.
Malawak siyang ngumiti ng bumukas ang pinto,pero unti-unti rin na nawawala ang ngiti sa kanyang labi ng makita niya si Britney.
“Hi!”Ngiting wika ni Britney sa kanya,habang pilit naman siyang ngumiti rito.
“Wow!Ang bango naman!Ikaw ba‘yong nagluto nito?”Tumango sa kanya si Anna,habang mabilis na umupo si Britney at kumuha ng pagkain.
“Love!Halika kumain na muna tayo!”Sigaw nito habang kinuha ang isang plato.
“Sige na Anna,ako na ang bahala rito,lumabas nalang mamaya para iligpit‘tong mga pinagkainan namin.”Tumango si Anna sa kanya at mabilis na pumasok sa kanyang kwarto.Muli na naman itong nagpa-iyak,dahil sa pagdala ni Dylan kay Britney sa condo nito.
KINABUKASAN ay na-abutan ni Dylan si Anna na naglilinis sa sala.Nilapitan niya ito at inu-utusan.
“Magtimpla ka nga ng kape.”Nilagay agad ni Anna ang vacuum sa gilid at pumunta sa kusina.
Sumunod sa kanya si Dylan at umupo ito sa upuan.
“Bakit mo siya dinala rito?”Napakunot ang noo ni Dylan dahil sa tanong sa kanya ni Anna.
“Ano bang pakialam mo?Baka nakalimutan mo na bahay ko‘to?”
“Bahay ko rin‘to Dylan!”Napa-halakhak si Dylan dahil sa sinabi ni Anna sa kanya.
“Nagpapatawa ka ba?”
“Nakalimutan mo na ba na asawa mo ako?”
“At‘wag mo rin kalimutan na asawa lang kita sa papel Anna!At ito ang tandaan mo!Sa oras na makuha ko na ang mana ko,ay itatapon na kita!”Mabilis na tumayo si Dylan at iniwan ang kanyang kape sa misa.
Napa-upo naman si Anna sa upuan habang napatakip sa kanyang mukha ng kanyang mga kamay.
C3
3RD POV
“Pwede bang‘wag ka munang umalis?”Kunot-noong nilingon ni Dylan si Anna,dahil sa sinabi nito.
“At anong gusto mong gawin ko rito sa bahay?Magmukmok at titigan ka?”Insulto nitong wika kay Anna,habang natatawa.
“Gusto ko lang malaman mo,na ayaw na ayaw kung makita‘yang mukha mo!Hindi mo ba napapansin?Kaya nga ayaw kung mag-stay ng matagal dito sa bahay,dahil sa‘yo!”Sigaw ni Dylan habang mabilis na tinalikuran si Anna.Napayuko si Anna,habang nag-uunahan sa pagbagsak ang kanyang mga luha.Gusto lang naman sana niya na may kasama,dahil masama ang kanyang pakiramdam.
Pinunasan niya ang kanyang mga luha at kinuha ang kanyang telepono.Dial niya ang isang agency para kukuha ito ng katulong.Hindi niya kasi kaya ang magluto at tapusin ang paglilinis na ginawa niya,dahil biglang sumama ang kanyang pakiramdam.
Matapos tawagan ni Anna ang isang agency,para bigyan siya ng katulong ay naisipan niya na humiga muna sa sofa at dito nalang ito hintayin.
Napamulat si Anna sa kanyang mga mata at napatingin sa oras.Napahawak siya sa kanyang ulo habang bumangon.Hindi niya napapansin na nakatulog siya sa pag-aantay sa katulong.
Nang buksan niya ang pinto ay isang babae na medyo may edad na ang bumungad sa kanya.
“Magandang tanghali po Ma’am,ako po ang pinadala ng KTX agency.”Ngiting wika nito,habang ngumiti rin si Anna sa kanya.
“Ako nga po pala si Luz.”
“Tuloy ka Luz,ako naman si Anna.Ang asawa ko ay si Dylan.”Ngiting wika niya,habang giniya sa sofa si Luz.
“Iyong ang magiging kwarto mo.”Turo ni Anna at tumango si Luz sa kanya.
“Oo nga pala,baka magtaka ka,kung iba‘yong treatment ng asawa ko sa akin…”Yukong wika nito,kaya napatitig sa kanya si Luz.
“Fix marriage kasi kami,kaya hindi niya‘yon matanggap.”Napasinghap si Luz,dahil sa narinig niya mula kay Anna.
“‘Wag po kayong mag-alala Ma’am Anna,kung ano man po ang maririnig ko,ay hindi po ito makakarating sa iba,asahan niyo po.”Muling napangiti si Anna sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay.
“Salamat po,Manang Luz.”Wika ni Anna sa kanya.Hindi maipagkakaila ni Anna na magaan ang loob niya kay Luz.Sa itsura niya pa lang ay mabait na ito.
KINAGABIHAN ay nagising si Anna sa lakas ng katok sa pinto.Kahit masakit ang kanyang ulo ay dali-dali itong tumayo at binuksan ang pinto.
“Bakit?”Taka niyang tanong habang madilim ang mukha ni Dylan na tumitig sa kanya.
“Sino ang may sabi sa‘yo na kumuha ka nga katulong?!”Galit nitong wika kaya napahawak si Anna sa kanyang ulo.
“Sumama‘yong pakiramdam ko Dylan,hindi ko kaya ang gumawa sa mga gawaing bahay.”
“Talaga?!Ang sabihin mo nagpa-palusot ka lang!”
“Ano ba‘yang pinagsasabi mo?Bakit ba hindi mo ako pina-paniwalaan?”Matalim ang mga mata ni Dylan na tiningnan si Anna dahil sa sinabi nito sa kanya.
“Dahil sinungaling ka.”Taka na napatingin si Anna sa likod ni Dylan,dahil sa sinabi ni Dylan sa kanya.Gulong-gulo ang kanyang isipan,dahil hindi niya maintindihan kung bakit sinabihan siya nito ni Dylan.Ni Wala siyang matandaan na nagsisinungaling siya sa asawa niya.
“Narito na po ang gamot n’yo Ma’am Anna.”Napatingin si Anna kay Luz,at ngumiti rito.
“Salamat po Manang.”Wika nito at kinuha ang gamot at baso na hawak ni Luz.
“Nasa’n si Dylan?”Tanong niya,matapos niyang inumin ang gamot.
“Umalis po.”
“A-ano?S-saan daw siya pupunta?”
“Hindi niya po sinabi Ma’am Anna,basta nalang po siya umalis,matapos niya pong kumain.”Tumango si Anna,habang itinatago ang lungkot sa kanyang mukha.
Simula kasi noon ay hindi kinakain ni Dylan ang mga luto niya,pero ang luto ni Luz ay kinain ni Dylan.
KINABUKASAN ay medyo umayos na ang pakiramdam ni Anna,kaya siya na muli ang nagluluto.Excited din siya na i-pagluto si Dylan,dahil baka sakali na kakainin na niya ito.
“Gising ka na pala?”Ngiti niyang wika ng makita si Dylan na kalalabas lang sa kwarto nito.
“Kumain ka muna.”Muling wika niya nang mapansin na nakabihis na ito.
“Sinong nag-luto?”Tanong nito,kaya napatingin siya Kay Luz na nasa gilid.
“S-si-.”
“Ako po Sir.”Ngiting wika ni Luz,kaya napatingin si Anna sa kanya.Kinindatan naman siya ni Luz,kaya nakahinga ng maluwag si Anna.Kailangan niya kasing magsinungaling para kainin ni Dylan ang niluluto niya.
Lumakas naman ang kabog sa dibdib niya nang makita niya si Dylan na umupo.Isa pa,kinabahan din siya,dahil baka hindi magustohan ni Dylan ang luto niya.
Nang makita ni Anna,na halos maubos ni Dylan ang ulam na niluto niya,ay labis ang tuwa na nararamdaman niya.Buong akala niya ay hindi nito magugustuhan ang kanyang luto.
“S-salamat po Manang.”Yukong wika niya dahil sa ginawa niyang pagsisinungaling kay Dylan kanina.Medyo nakaramdam din siya ng guilty,dahil sa ginawa niyang pagsisinungaling.Isa pa,hanggang ngayon ay iniisip pa rin ni Anna,kung bakit nasabi ni Dylan kagabi sa kanya na sinungaling siya,samantalang ngayon pa lang naman siya nagsisinungaling sa kanya.
“Ayos lang‘yon Ma’am Anna,basta kung kailangan n’yo ng tulong nandito lang ako.”
“Salamat po talaga Manang Luz.”
Naisipan ni Anna,na pumunta ng mall para mamasyal.Nasa bahay naman si Luz,kaya hindi na siya nagmamadaling umuwi.
Nang makarating siya sa mall,ay naisipan niya muna ang kumain.Hindi niya kasi maiwasan na matakam sa mga pagkain sa mamahaling restaurant.Na-miss na rin kasi nito ang kumain sa labas.
“Anna,ikaw ba‘yan?”Napalingon si Anna at napangiti ng makita nito si Sheila.Si Sheila ay isa sa mga kaklase niya noon sa collage.
“Kumusta ka na?Bakit hindi na kita nakikita?”Wika nito habang hinawakan ang kanyang kamay.
“Ahh…Medyo busy lang kasi ako.”Pilit ang ngiti na pinakita ni Anna kay Sheila,dahil nahihiya siya rito.Usapan kasi nila noon na tutulungan niya ito para makapasok sa kumpanya ng kanyang ama.
“Busy ka?Nag-tatrabo ka na ba sa company ng daddy mo?”Mabilis na umiling si Anna sa kanya.
“Hey!”Sabay silang napalingon at nakita si Britney at Dylan.Malakas naman na kumabog ang dibdib ni Anna nang makita niya si Dylan.
“Anong nagtatrabaho sa company?Nagpapatawa ka ba?Hindi mo ba alam na katulong siya ni Dylan?Naghihirap na sila.”Natatawang wika ni Britney kaya nailing si Anna at na-patakbo.Hindi niya kasi akalain na ipapahiya siya ni Britney sa harap ng classmate niya noon.
C4
3RD POV
“Bakit hindi mo man lang ako pinagtanggol!”Malakas na sigaw ni Anna kay Dylan ng maka-uwi dito.Hilaw na napangiti si Dylan sa kanya at tinitingnan siya,mula ulo Hanggang paa.
“At bakit ko naman‘yon gagawin?”
“Dylan,asawa mo ako!”
“Asawa?Baka nakalimutan mo na asawa lang kita sa papel!Isa pa,ito ang tandaan mo Anna,ayokong saktan si Britney,kaya‘wag na‘wag mong sabihin sa kanya na pinakasalan kita.”Muling napa-iyak si Anna,dahil sa narinig niya mula kay Dylan.Ni wala man lang itong pakialam sa nararamdaman niya.
Napatingin si Anna kay Luz ng abutan siya nito ng tubig.Mabilis din na tumabi si Luz nang makitang muling lumabas si Dylan.
“S-saan ka pupunta?”Takang tanong ni Anna,habang nakita niya ang dalang maleta ni Dylan.Mabilis na lumapit sa kanya si Anna at hinawakan ang kanyang maleta.
“Saan ka ba pupunta?Pwede bang‘wag kang umalis..”Iyak nitong pagmamakaawa sa kanya.Pero parang bingi si Dylan at walang narinig.
Muling hinawakan ni Anna ang maleta kaya napatingin sa kanya si Dylan.
“Bitawan mo‘yan,kung ayaw mong ibalibag ko sa‘yo‘tong maleta.”Namilog ang mga mata ni Anna habang nailing kay Dylan.Naglakas loob naman si Luz na hawakan si Anna,at kunin ang mga kamay niya na nakahawak sa maleta ni Dylan.Ito kasi ang natakot sa sinabi ng kanyang lalaking amo.
“Bumitiw ka na po Ma’am Anna,baka po ano pa ang mangyari sa‘yo..”Hindi nito napigilan ang mapaluha,habang nakatingin kay Anna na patuloy na umiiyak at nagmamakaawa kay Dylan.
Mabilis niya naman na naiwas si Anna,nang tangka itong hampasin ni Dylan sa hawak niya.
“P-pigilan mo siya Manang…”Iyak na pagmamakaawa ni Anna,habang nakita nitong palabas na si Dylan sa pinto.
“M-mas mabuti po siguro na hayaan niyo po muna si Sir Ma’am Anna,baka Po masaktan lang kayo,kung pipigilan mo siya.”Luhaang nag-angat ng mukha si Anna sa kanya.
“P-paano na ako?A-anong sasabihin ko sa kanila kung hahanapin nila si Dylan sa akin Manang?”Hindi napigilan ni Luz ang sarili at niyakap si Anna.Gusto man nitong tulungan ang kanyang amo ay wala itong magawa.
Lumipas ang mga araw at hindi mapigilan ni Luz ang mag-alala kay Anna.Simula kasi noong umalis si Dylan ay lagi nalang itong nagmumukmok at hindi kumakain.Sinubukan na niyang tawagan si Dylan,pero hindi ito sumasagot,kahit ang pamilya ni Anna ay hindi rin nito makontak.
“Ma’am Anna..”Mahina niyang sambit habang binuksan ang kwarto ni Anna,kahit alam niya na hindi nito kakainin ang mga pagkain na dala niya,ay sinusubukan niya,pa rin na dalhan ito.
“‘Wag!”Malakas nitong sigaw,nang tangka niyang buksan ang ilaw.
“Pero paano ka kakain,kung hindi mo bubuksan ang ilaw?”Tanong niya,rito,habang pilit na ina-aninag ang mukha ni Anna.
“Wala akong gana na kumain Manang,”
“Ma’am Anna,kailangan n’yo pong kumain at magpalakas.Paano nalang po kung uuwi na si Sir?Paano mo siya ma-ipagluluto?”Kumbinsi nitong wika,habang naririnig na naman niya ang hikbi ni Anna.
“Sa tingin mo ba Manang,uuwi pa ba?”Iyak nitong wika,habang hinawakan niya ang kamay ni Anna.
“Ikaw ang asawa niya,kaya alam ko na babalikan ka niya.”
“Pero hindi niya ako mahal?”Natigilan si Luz,dahil wala rin itong makuhang sagot.
“Iwan n’yo na muna ako Manang,”
“Pero Ma’am Anna?”
“‘Wag po kayong mag-alala sa akin Manang,ayos lang po ako.”Wika nito sa kanya.Gusto man niyang manatili muna sa silid ni Anna,pero wala itong magagawa kun’di sundin ang amo.
Naisipan ni Luz a puntahan si Dylan sa office nito.Kinapalan na nito ang kanyang mukha para paki-usapan ang lalaking amo.Hindi niya kasi mapigilan na mag-alala,kay Anna.Dahil sa ilang araw na itong hindi kumakain.
“Anong kailangan niyo?”Napatingin si Luz sa guard na lumapit sa kanya.
“Itatanong ko lang po sana,kung nand’yan si Sir Dylan?”Napatitig sa kanya ang guard at tiningnan siya mula ulo hanggang paa.
“K-katulong niya ako.”Muling wika niya habang napatango ang guard sa kanya.
“Anong kailangan mo kay Sir?Hindi mo ba alam na wala siya rito?”
“W-wala?Anong wala?”Hindi napigilan ni Luz ang mapalakas ang kanyang boses.
“Nasa out of town kasama ang girlfriend niya.”Napatakip sa kanyang bibig si Luz,dahil sa kanyang narinig.Hindi niya rin maiwasan na makaramdam ng galit sa kay Dylan,dahil nagawa pa nitong umalis at sumama sa babae nito,habang nagdurusa si Anna.
Babalik na sana si Luz sa condo ni Anna at Dylan pero natigilan siya ng tumawag ang kanyang anak.Gustuhin man niya na balikan agad si Anna,pero hindi niya ito magawa,dahil mas kailangan siya ng kanyang anak.
“Nasa’n ba‘yong asawa mo?”Tanong ni Luz nang makarating sa hospital.
“Nasa trabaho Nay,wala po kasi akong ibang matawagan.”Napahinga ng malalim si Luz,habang nakatingin sa anak niya na namimilipit sa sakit.Ngayon kasi ang kabuwanan nito at hindi man lang nag-leave ang asawa nito.
Hindi niya tuloy mapigilan na maisip si Anna,dahil paano nalang kung ganito ang sitwasyon nang kanyang babaeng amo,sino ang tatawagan nito?
“Nay!Bayaran na po muna ninyo‘yong deposit!Para maipasok na nila ako sa emergency room.”Nailing si Luz sa narinig niya.
“Akala ko ba nag-iipon kayo ng asawa mo?”
“Nay!Naman,alam mo naman na sobrang hirap ng buhay ngayon,kaya nagalaw namin‘yong inipon namin,para sa panganganak ko.”
“Alam mo naman pala,na mahirap ang buhay?Bakit panay‘yang pagbubuntis mo?”
“Nay naman,paulit-ulit nalang ba tayo?Hindi naman pwede na ipalaglag ko‘tong mga anak ko!”
“Tumigil ka na nga!Nag-papalusot ka pa.”Inis na wika ni Luz at iniwan ang anak.Ilang beses na kasi nitong sinabihan ang anak niya na gumamit ng family planning pero hindi talaga nakikinig.
“Mano po Nay!”Kinuha ang kamay ni Luz sa kanyang manugang.
“Bakit ngayon ka lang?Hindi mo ba alam na nanganganak ang asawa mo?”Galit nitong tanong,kaya napakamot ito sa kanyang ulo.
“Pasensya na po kayo Inay,pinuntahan ko pa po kasi‘yong mga bata at pinakain.”Napahinga ng malalim si Luz,dahil sa sinabi nito sa kanya.Alam din kasi niya,na walang mapag-iwanan sa kanyang mga apo.Isa pa,iniisip niya,paano nalang kung hindi siya namamasukan?Sino nalang ang tutulong sa kanyang anak?
“Oh!S’ya,Sige,ikaw na muna ang bahala sa asawa mo,dahil kailangan ko pang balikan ang amo ko.”Paalam niya rito.
“T-teka lang po Inay,baka po may kailangan pa po akong bayaran?”
“Wala na,nabayaran ko na,at kung may kailangan kayo tawagan mo lang ako.”
“Opo Inay.”Nagmamadaling umalis si Luz,para balikan si Anna.Mas lalo pa siyang nag-alala dahil umaga pa nito iniwanan ang amo niya.
C5
3RD POV
“Manang!”Napahinto si Luz at napatitig kay Anna.Ibang-iba kasi ito ngayon at ang sigla ng mukha niya.Hindi na rin nito nakikita sa mga mata ni Anna ang lungkot.
“A-ayos na po ba kayo?”Taka niyang wika habang nilapitan ang amo.Dumako ang kanyang mga mata nang makita ang baso na may laman na alak.
“Umiinom po kayo Ma’am Anna?”Tanong nito habang bakas sa kanyang mga mata ang pagtataka.Ngayon lang kasi niya nakitang umiinom ito.
“Oo naman Manang,Minsan kailangan talaga natin uminom.Teka,bakit ba masyado kayong seryoso r’yan?Halika,uminom ka rin.”Ngiting wika nito habang inabot sa kanya ang baso.Kinuha naman ito ni Luz,habang hindi niya maiwasan na titigan ang mukha ni Anna.
Sabay silang napalingon ng bigla nalang bumukas ang pinto.Kunot-noo na napatingin sa kanila si Dylan at dumilim pa lalo ang mukha nito ng makita ang bote ng alak sa harapan nila.
“Mukhang nag-eenjoy ka ng husto?”Wika nito habang nilapitan sila.
“Anong enjoy?Paano naman ako ma-enjoy,eh nandito lang ako sa bahay.Alam mo ang nag-eenjoy‘yong nasa bar.”Balewalang wika ni Anna at muling uminom.Napatitig si Dylan sa kanya,dahil naninibago siya kay Anna.Hindi niya rin maiwasan na magtaka,dahil sa tuwing makikita siya ng kanyang asawa,ay agad siya nitong lalapitan,kukunin ang mga gamit at magtatanong kung kumain na siya.
Lalo pa itong nagtaka nang makita ang suot ng kanyang asawa.Dati kasi ay laging dress ang suot nito at napaka-pormal,pero ngayon ay isang maikli na maong short at crop top.Hindi niya rin maiwasan na titigan ang harapan nito dahil nakabukaka ito habang nakaupo sa sofa.Hindi niya tuloy maiwasan na napalunok,dahil nakikita na ang maputi nitong singit.
“Ano ba‘yang suot mo?”Tanong ni Dylan,habang napa-yuko si Anna at tiningnan ang kanyang sarili.
“Maiwan ko po muna kayo Sir,Ma’am,ilalagay ko lang‘to.”Wika ni Luz,at iniwan ang dalawa.Hindi niya rin maiwasan na magtaka,dahil kinakausap ng matagal ni Dylan si Anna.Simula kasi noon ay napapansin nito na laging iniwasan ni Dylan si Anna.
“Bakit?Anong masama sa suot ko?”Inis na wika ni Anna at tumayo.Ayaw na ayaw kasi nito na pakialaman ang susuotin niya.
“Kinakausap pa kita.”Galit na wika ni Dylan ng makitang tinatalikuran siya ni Anna.
“Ayaw kitang kausap.”Nakataas ang isang kilay na wika ni Anna.Napakuyom naman si Dylan sa kanyang kamao,dahil sa inasta ni Anna.Hindi niya akalain na babastusin siya nito.
Napamaang si Luz nang marinig niya ang sinabi ni Anna sa asawa nito.Hindi niya rin maiwasan na makaramdam ng saya dahil sa ginawa ni Anna,napansin kasi nito na parang palaban na ito at hindi na sunod-sunuran kay Dylan.
Tanghali na nagising si Dylan dahil wala itong pasok sa opisina.
“Good morning po Sir,kumain na po kayo.”Bati ni Luz sa kanya,habang hindi siya umimik.Inililibot niya rin ang kanyang paningin sa loob ng bahay,dahil hindi niya nakita si Anna.Naninibago kasi ito sa kilos ng kanyang asawa,dahil simula noong nagsama sila ay maaga itong nagigising at naghahanda ng pagkain niya.
“Where is she?”Hindi na nito napigilan ang sarili na tanungin si Luz.Hindi kasi siya sanay na Wala ito.Hindi niya rin maintindihan ang kanyang sarili,dahil dati naman ay ayaw niya na makita ang mukha nito.
“Tulog pa po.”Natigilan siya ng marinig ang sinabi ni Luz.
“Tulog?Ganitong oras?”Inis nitong wika at tumayo.Tinungo ni Dylan ang silid ni Anna at malakas na kinatok.
“Ano ba?!Bakit ba ang ingay?!”Lalong nakaramdam ng inis si Dylan ng marinig ang galit na boses ni Anna sa loob.
“Open this fvcking door!!!”Malakas niyang sigaw at para na nitong sisirain ang pinto.
“Bakit ba?Ano bang kailangan mo?”Gulat na dumako ang tingin ni Dylan sa katawan ni Anna nang lumabas ito na hindi nagsuot ng damit.
Mabilis nitong iniwas ang kanyang tingin kay Anna,dahil naka-panty at bra lamang ito.
“Magdamit ka nga!”Inis nitong sigaw,habang malakas na napa-halakhak si Anna.
“Ang O.A mo naman!Akala mo naman,birhen.”Gulat na napatingin si Dylan sa kanya,dahil sa sinabi nito.
“Ano?”Taas kilay na tanong muli ni Anna kay Dylan.
“Bakit,ba hindi ka na umimik?Ano bang kailangan mo?Alam mo,ang himbing sana ng tulog ko.Tapos ang ganda ng panaginip ko,pero sinira mo lang.Kung wala kang kailangan,pwede ba umalis ka na.”Inis na wika ni Anna at sinara ang pinto.
Napa-awang ang mga labi ni Dylan dahil sa ginawa ni Anna.Hindi niya akalain na ang dating mahinhin at takot na asawa niya noon,ay magbabago ng ganito.Pero ano bang paki-alam niya?‘Diba dapat masaya siya,dahil hindi na siya ginugulo ni Anna?
“Fvck!‘Di ba ito ang gusto mo?”Inis at mahina niyang wika sa kanyang sarili.
“Sino‘yan?”Tanong ni Dylan kay Luz nang makitang may kausap ito sa pinto.
“Sir,naghahanap po kay Ma’am.”Napatingin si Dylan sa pinto at nakita ang isang lalaki.
“Bakit?Ano raw ang kailangan?”
“Nasa parking area na po kasi‘yong kotse ni Ma’am.”
“Kotse?”Gulat nitong tanong habang lumabas si Anna.
Hindi muli maiwasan ni Dylan na mapatingin sa katawan ng kanyang asawa,dahil sa suot nito.
“Here.”Narinig nitong wika habang may inabot na papel ang lalaki kay Anna.
“Kumuha ka ng kotse?”Tanong ni Dylan habang dumaan si Anna sa kanya.
“Hindi ko kinuha,binili.”Madiin nitong wika at iniwan siya.
“Wala akong paki-alam kung kinuha o binili mo.”Inis na wika ni Dylan,kaya natigilan si Anna at nilingon niya si Dylan.
“Then?Bakit ka nagtatanong?”Inis na nilapitan ni Dylan si Anna,dahil hindi na nito matiis ang kamalditahan na pinapakita ni Anna sa kanya.
“Sagutin mo ng maayos ang Tanong ko.”Umigting ang kanyang panga habang mahigpit na hinawakan ang braso ni Anna.
“Magtanong ka rin ng maayos,kung gusto mong sasagutin kita ng maayos.Isa pa,bitawan mo‘yang braso ko kung ayaw mong maging bugok‘yang itlag mo.”Napangisi si Dylan,dahil sa narinig nito kay Anna.Hindi niya akalain na maging palaban ito sa kanya.
“‘Wag mo akong subukan.”Wika ni Anna,sabay angat ng kanyang tuhod at tumama ito sa harapan ni Dylan.Malakas naman na napasigaw si Dylan,dahil sa sakit.
“Binalaan na kita.”Balewalang wika ni Anna.
“Isa pa,‘wag kang mag-alala,dahil hindi mo naman pera ang ginagamit ko.Kahit sa sahod ni Luz ay bayad ko na.”Wika nito at muling pumasok sa kanyang kwarto.
6
3RD POV
Hindi pa rin mawala ang isip ni Dylan ang ginawa ni Anna sa kanya.Hindi pa rin siya makapaniwala na kayang gawin‘yon sa kanya ni Anna.Isa pang pinagtataka niya ay parang may iba sa asawa niya.Pati ang kasuotan nito ay nag-iba narin.
“May problema ba?”Napatingin siya sa pinto at nakita ang kaibigan niyang si Recca na nakatayo.Mabilis naman siyang umiling dito.
“I though nag-aaway na naman kayo ng girlfriend mo.”Wika nito habang umupo sa harapan ng mesa niya.
“We’re fine.”
“Then?Bakit parang ang lalim yata ng problema mo?‘Wag mong sabihin pinapahirapan ka ng asawa mo?”Natatawa niyang wika.
“Parang ganun na nga.”Unti-unting nawawala ang ngiti sa labi ni Recca,dahil sa sagot sa kanya ni Dylan.
“What do you mean Dude?”
“Iwan,napansin ko lang na bigla siyang nagbago.”
“Baka nauntog na at gusto nang makipag-divorce sa‘yo.”
“Mabuti sana kung ganun.Alam mo naman na wala talaga akong gusto sa kanya.”
“Kung ganun,bakit hindi mo nalang siya unahan?”
“Alam mo naman na mawawalan ako ng mana,kung gagawin ko‘yon.”
“Sa bagay.Pero Dude,paano kung malaman ni Britney?”Napahinga ng malalim si Dylan dahil sa tanong ni Recca sa kanya,dahil hindi niya alam,paano sasabihin sa girlfriend niya ang kanyang sitwasyon.
Wala pa rin gana si Dylan na umuwi sa condo dahil ayaw niyang makita si Anna.Iniwasan niya rin ito,dahil inis na inis siya sa asawa niya.Ito kasi ang sinisisi niya,kung bakit naikasal sila.Malakas ang kutob niya na ito ang pumilit sa mga magulang niya para maikasal sila.
“Love!”Ngiting wika ni Britney at agad humalik sa kanyang labi.Naisip niya na yayain itong kumain sa labas dahil mas gusto niya na ito ang makasalo niya sa pagkain.Mas-ganado rin siya kapag si Britney ang kanyang kasama.
Sa isang mamahalin na restaurant sila kumain at pina-order niya kay Britney ang lahat ng gusto nito.Pero natigilan si Dylan ng makita niya sa kabilang table si Anna.
‘Ano bang ginagawa niya rito?’Gusto niya man itong lapitan ay hindi niya magawa dahil kasama niya s Britney.Ayaw niyang maghinala ito sa kanya,kaya hinayaan nalang si Anna at lihim itong binabantayan.
“Love,‘di ba si Anna‘yon?”Tanong sa kanya ni Britney habang tinuro ang kinaroroonan ni Anna.Tumango naman siya rito at hindi na nag-abala pa na tingnan si Anna.
“Malaki ba ang pinapasahod mo sa kanya?”
“Bakit mo naitanong?”
“Wala lang,nagawa niya kasing makapasok dito.Alam naman natin na mahal ang restaurant na‘to.”Wika ni Britney sa kanya,kaya hindi niya maiwasan na lingunin si Anna.Isa rin sa ipinagtataka niya,dahil napansin niya na hindi ginalaw ni Anna ang cash card na binigay niya rito.
Napansin ni Dylan na na-unang lumabas si Anna sa kanila kaya ipinagpatuloy niya ang kanyang pagkain.
Matapos niyang ihatid si Britney ay agad na siyang umuwi.Napansin niya na tahimik na ang bahay.
Papasok na sana siya sa kanyang kwarto pero naisip niya na tingnan muna si Anna sa kanyang silid.
“S-Sir.”Gulat na wika ni Luz ng mapansin si Dylan.
“Nandito na po pala kayo?Kakain po ba kayo Sir?Ipag-hahanda ko po kayo.”Napakunot ang noo niya,dahil sa sinabi ni Luz sa kanya.Alam niya kasi na si Anna ang naghahanda ng pagkain niya at hindi si Luz.
“Bakit Ikaw ang mag-hahanda?Nasa’n si Anna?”Kunot-noo niyang tanong dito.
“Umalis po Sir.”
“Umalis?‘Wag mong sabihin hindi pa siya umuwi?”
“H-hindi pa nga po Sir.Ang sabi kasi ni Ma’am,sa labas siya kakain at‘wag ko na raw po siyang hintayin dahil hindi po siya uuwi.”
“Hindi uuwi?Bakit?Saan ba siya pupunta?”
“Ang sabi niya po magba-bar.”Mabilis na nakaramdam ng inis ni Dylan dahil sa sinabi ni Luz sa kanya.Hindi niya inakala na may tinatagong ugali si Anna.Ang akala niya ay mahinhin ito pero hindi pala.
Hindi nakatulog si Dylan,dahil sa kaiisip niya kay Anna.Dahil hindi nawawala ang galit na nararamdaman niya.
Nang bumukas ang pinto ay agad siyang tumayo.
“Bakit ngayon ka lang?”Galit niyang tanong dito at napansin na hindi man lang nagulat si Anna nang makita siya.Ni hindi niya ito nakitaan ng takot sa mukha.
“Bakit ba?Isa pa,ano pang pakialam mo?”Lalong kumunot ang noo niya dahil sa sagot ni Anna sa kanya.
“Tinatanong mo kung anong pakialam ko?Baka nakalimutan mong may asawa kang tao?!”Malakas na sigaw niya na siyang ikina-halakhak ni Anna.
“Hmm,mukhang nakalimutan mo yata.”Wika nito habang tinapik ang kanyang balikat.
“Nakalimutan mo ba na kasal lang tayo sa papel?”Wika nito at pinisil-pisil ang kanyang braso.
“Tsk,bakit ang lambot ng braso mo?Bakit Wala ka man lang muscle?”Mabilis na napahawak si Dylan sa braso niya,dahil sa sinabi sa kanya ni Anna.
“Anong wala?Hindi mo ba‘to nakikita?”Wika niya habang tinaas ang kanyang damit at pinakita ang namumukol na abs niya.
Hinawakan naman‘to ni Anna at hinaplos.Nang mata-uhan si Dylan sa ginawa ni Anna ay mabilis niyang winaksi ang kamay nito.
“Ang damot mo naman!Akala mo naman malaki!”Napa-awang ang labi ni Dylan dahil sa narinig niya mula kay Anna.
Pipigilan pa sana niya ito,pero mabilis na itong pumasok sa kanyang kwarto.
Kina-umagahan ay hinintay ni Dylan si Anna na lumabas.Hindi rin muna siya pumasok sa opisina para lang maka-usap si Anna.Hindi niya maintindihan ang sarili niya,kung bakit niya ito ginawa.Kung tutuusin,dapat maging masaya pa dapat siya sa ginawa ni Anna.
“Manang!”Agad siyang napatingin kay Anna na lumabas sa silid nito.Hindi niya rin maiwasan na mapatitig sa asawa niya,dahil sa maikiling short na suot nito at halos makita na ang dibdib nito sa suot na pantulog.
“Oh!Bakit nandito kapa?”Balewalang wika nito at tumabi sa kanya.Napalunok naman ng laway si Dylan dahil sa ginawang pagtabi ni Anna sa kanya sa sofa.
“Bakit?Hindi ba ako manatili sa sarili kung bahay?”Sagot niya rito habang tumayo.Kailangan niya kasing umiwas kay Anna,dahil hindi niya maiwasan na makaramdam ng init sa kanyang katawan.
“Ano naman‘to?”Napatalon si Dylan ng biglang hinawakan ni Anna ang gitnang bahagi ng kanyang pantalon.
“Lintik!What do you think you doin?”Galit niyang sigaw dito.
“Bakit?Hinawakan ko lang naman‘yan ah!Akala mo naman malaki maliit naman!”Agad namula ang buong mukha ni Dylan dahil sa sinabi ni Anna sa kanya.
7
3RD POV
“Where are you going?”Tanong sa kanya ni Dylan ng makitang bihis na bihis si Anna.
“Bakit mo tinatanong?”Masungit na sagot niya.
“Tsk,sabihin mo sa akin kung sa’n ka pupunta.”
“Paano kung ayaw ko?”Napakuyom ang kamao ni Dylan habang malakas na binagsak ni Anna ang pinto ng condo unit nila.Akmang susunod na sana siya sa kanyang asawa,pero biglang tumunog ang kanyang phone.
Ayaw sana ni Dylan na pumunta sa office,pero kailangan dahil may importante silang meeting,kaya agad niyang tinawagan si Recca.
“Ano?Gagawin mo pa talaga akong bodyguard sa asawa mo.”Natatawang wika ni Recca sa kabilang linya.”
“Don’t worry I pay you.”Muling natawa si Recca,dahil alam niya na hindi siya mananalo kay Dylan.
Samantala nagpunta si Anna sa isang sikat na boutique para bumili ng damit.Pagpasok niya pa lang ay pinagtitinginan na siya ng mga tao sa loob.Hindi rin siya pinansin ng mga sales lady roon.
“Hey!”Napatingin si Anna kay Britney at hilaw na ngumiti.
“Why are you here?”Nang-i-insulto na tanong ni Britney sa kanya.
“Bibili malamang.”Balewala niyang wika rito.
“Nagpapatawa ka yata.”
“Hindi naman clown ang itsura ko?Kaya anong nakakatawa?”Namula ang mukha ni Britney dahil sa sinabi ni Anna sa kanya.
“Hindi ka nga clown,pero masyado naman yatang malaki ang sahod mo bilang KATULONG.”Pinagdiinan niya ang salitang katulong,kaya nagbubulungan ang mga tao sa paligid.Lihim na napangiti si Britney dahil sa ginawa niyang pag-pahiya kay Anna.Nilabas naman ni Anna ang kanyang black cash card,kaya natigilan si Britney.
“Totoo ang sinabi mo,Malaki ang sahod ko bilang katulong,kaya nga ako may Black card.Ikaw ba meron ka ba nito?”Ngiting wika niya.
“‘Wag kang masyadong mayabang.Alam kung peke‘yan.”Ngiting wika ni Britney kaya nagtatawanan ang mga taong nasa paligid.
“Then i-check natin.”Ngiting wika ni Anna at tinawag ang isang sales lady.Hindi naman siya pinansin nito at kahit isang sales lady ay walang lumapit sa kanya.
“Paano ka nila lalapitan,eh hindi naman totoo‘yang hawak mo.”Natatawang wika ni Britney kaya muling pinagtawanan si Anna.
“Nasa’n‘yong manager n’yo?”Galit niyang sigaw at agad na lumabas ang manager.
“Bakit po Ma’am?Ano pong problema?”Tanong nito kay Anna,pero mabilis na lumapit ang isang sales lady sa kanya at may binulong dito,kaya malakas na natawa ang manager.
“Mukhang galing ka yata ng bundok?”Tanong nito sa kanya,habang tiningnan siya mula ulo hanggang paa.
“Hindi kami ignorant tulad mo.”Muling wika sa kanya ng manager.
“Hayaan niyo na siya.Mukhang ngayon lang siya nakapasok dito.”Ngiting wika ni Britney at tinalikuran siya.Inis na kinuha ni Anna ang phone niya at may tinawagan.
Sa gilid hindi maiwasan ni Recca na makaramdam ng awa kay Anna,habang pinadala niya kay Dylan ang video ni Anna.Agad niya rin itong iniwan at bumalik sa office nila.
Kampante na naupo si Anna sa isang sofa sa loob ng boutique wala siyang balak na umalis kahit pinagtitinginan siya ng mga tao sa loob,at dini-didma pa rin ng mga sales lady roon.
Mabilis na sinalubong ng manager ang babae na kararating lang.May mga kasama itong bodyguard.
Mabilis na bumati ang manager sa kanya,pero hindi man lang siya pinansin nito.Hindi rin maiwasan ni Britney ang sumunod sa babae dahil kilala niya ito,at Isa ito sa mga hinahangaan niya,kaya lagi siyang bumibili sa boutique nito.
“I’m sorry.”Namilog ang kanilang mga mata habang nakita ang ginawang pagbiso ni Chantal sa pisngi ni Anna.
“Tanggalin mo silang lahat.”Wika ni Anna,kaya napasinghap ang mga tao sa paligid pati ang manager.
“A-ano pong ibig niyong sabihin?”Gulat na tanong ng manager sa kanya.Pero hindi siya umimik.Mabilis naman na tumango si Chantal at tinalikuran na sila ni Anna.
Natigilan si Anna sa kanyang paglalakad ng bigla siyang hablotin ni Britney.
“Bitawan mo ako kung ayaw mong masaktan.”Madiin na wika niya rito,kaya agad na napa-bitaw si Britney.Hindi niya maiwasan na matakot dahil alam niya na hindi nagbibiro si Anna sa kanya.
“P-paano mo siya nakilala?B-bakit close kayo?”Utal at hindi makapaniwala na tanong ni Britney sa kanya.Hilaw naman na ngumiti si Anna at hindi sinagot si Britney.
Galit na galit na pumunta si Britney sa office ni Dylan dahil sa ginawa ni Anna.Gusto niyang pa-alisin na ni Dylan si Anna sa kanila.
“What are you doing here?”Gulat na tanong ni Dylan.Nang makitang nakaupo si Britney sa swivel chair niya.
“Love..”Umiiyak nitong wika,habang mabilis na niyakap si Dylan.
“Is there anything wrong?”Tanong niya rito at mabilis na tumango si Britney.
“Alam mo ba ang ginawa sa akin ng katulong mo?”Napakunot ang noo ni Dylan dahil sa sinabi ni Britney.Alam na rin niya ang ginawa nito na mapapahiya kay Anna,kaya hindi niya maiwasan na magtaka.
“Pinahiya niya ako sa isang boutique.”Iyak nitong wika,kaya lalong napakunot ang noo ni Dylan.
“Anong pinapahiya?”
“Ah!Basta!Gusto kung tanggalin mo na siya!”Malakas na sigaw ni Britney at nag-papadyak ito na parang bata.
“Love,alam mo naman na hindi ko pwedeng gawin‘yan.”Kumalas si Britney sa kanyang pagka-kayakap kay Dylan dahil sa sinabi ng kanyang nobyo sa kanya.
“Bakit hindi?Love,kailangan mo siyang tanggalin!”
“Paano kung ayaw ko?”Mabilis silang napalingon sa pinto at nakita si Anna na nakatayo.
“Anong ginagawa mo rito?”Tanong sa kanya ni Britney,pero hindi sumagot si Anna at nilampasan lang sila nito.Mas lalo naman na nakaramdam ng galit si Britney sa kanya nang makita itong umupo sa swivel chair ni Dylan.
“What are you doing here?”Kunot-noo na tanong ni Dylan sa kanya.Habang itinaas ni Anna ang kanyang mga paa at pinatong sa lamisa.
“Hey!What are you doing?”Galit na sigaw ni Britney at akmang lalapitan sana si Anna.Pero mabilis siyang hinawakan ni Dylan.
“Love,hindi mo ba nakikita?Binabastos ka niya!”Galit niyang turo kay Anna.
Napahawak naman si Dylan sa ulo niya dahil sa ginawa ni Anna.Hindi niya rin inakala na papasok si Anna sa loob ng office niya,dahil noon ay hanggang do’n lang ito sa misa ng kanyang secretary.