04/08/2025
Kawawa ang rider na palaging sasalo ng sanction kahit ang talaga naman may kasalanan ay ang customer nya..
Dumating ang rider sa location ng customer.. Nag doorbell walang tao, tumawag sa number na naka indicate sa apps hindi naman matawagan, hindi nag rereply, hindi sinasagot.. Ang parcel, bagahe o fresh product na inorder nyo sa apps hindi nya maiwanan hanggat hindi narerecieved ng customer.. Hindi sya makapag proceed ng delivery nya dahil sa kupal na customer natapat sa kanya.. Pag lipas ng isang oras nagmukha syang tang4 sa lugar nyo kaaantay e kailangan gumawa sya paraan para makapag proceed na sa iba nya pang idedeliver. Dahil hindi naman isa lang ang kailangan nya ihatid kada araw. Kailangan makadami sya ng successful delivered para lang kumita sya sa isang araw. Naka dipende kasi sa dami ng naideliver nya ang maiuuwi nyang kita bawat araw tapos ang ibang customer pa minsan magaspang mga ugali.. Nalampasan ka dahil kailangan nya ihatid ang iba nya pang dala tapos magagalit ka bakit hindi nag antay or hindi ka nagtatrabaho ng maayos???
Kasalanan ng customer isinisi pa sa rider
Kung natawagan ka edi sana nakarating agad sya sa tamang lokasyon mo. Kaya tinatawagan ka nya para masiguradong ikaw ba talaga ang makakakuha ng ihahatid nya.. Hindi sa pagiging bob0 ang pag tawag nya sayo.. Sinisecure nya lang na hindi ibang tao mapagbibigyan nya..
Salamat sa mga customer na nakaka appreciate sa isang rider β€