15/02/2026
๐๐๐๐, ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐๐ ๐๐ข๐ฐ๐๐ง๐ ๐๐ง๐ ๐ข๐ค๐-๐๐ ๐
๐จ๐ฎ๐ง๐๐ข๐ง๐ ๐๐ง๐ง๐ข๐ฏ๐๐ซ๐ฌ๐๐ซ๐ฒ ๐ฌ๐ ๐ฉ๐๐ฆ๐๐ฆ๐๐ ๐ข๐ญ๐๐ง ๐ง๐ ๐ฌ๐๐ฒ๐๐ฐ ๐๐ญ ๐ ๐๐ฅ๐๐ฐ
Ipinagdiwang ng Libis Talisay Elementary School (LTES) ang kanilang ika-59 Founding Anniversary noong Pebrero 13 na may temang โCelebrating our Foundation Day Through Dance and Motion.โ Tampok sa selebrasyon ang mga makukulay at masisiglang pagtatanghal ng calisthenics, ballroom, at modern dance na nagpakita ng talento at husay ng mga mag-aaral.
Maagang nagtipon ang mga mag-aaral, g**o, at mga panauhin sa paaralan upang makibahagi sa programa. Nagsimula ang pagdiriwang sa isang banal na misa kung saan taimtim na nagpasalamat ang lahat sa mga biyayang natatanggap ng paaralan.
Matapos ang misa, agad namang sinimulan ang programa. Mainit na binati ni Bb. Maria Idel C. Malay, punongg**o, ang lahat ng dumalo.
Samantala, nagbigay naman ng makabuluhang mensahe ang Public Schools District Supervisor na si Dr. Roselie M. Apuan para sa mga magulang, g**o, at mga mag-aaral.
Aniya, malaki ang papel na ginagampanan ng mga magulang, g**o, mag-aaral at lahat ng stakeholders sa pagpapanatili ng kaayusan sa paaralan nang sa gayon ay patuloy itong makapaghatid ng de-kalidad na edukasyon.
โKung nagkakaisa ang ating school community... ang mga magulang, stakeholders, mga mag-aaral, nagiging maganda ang kultura ng ating paaralan,โ pahayag ni Dr. Apuan.
Dumalo rin sa pagdiriwang ang mga Punong Barangay mula sa mga komunidad na nakapaligid sa LTES. Kabilang sa mga dumalo sina, Hon. Delfin Zamora Sr. (Barangay 7), Hon. Ricardo Villanueva (Barangay 8), Hon. Jackie Carlos (Barangay 11) na kinatawan ni Ms. Virgie Martin, at Hon. Darius Letada Sr. (Barangay 12) na kinatawan ni Ms. Melanie Forte, Barangay Secretary. Sila rin ang nagsilbing mga hurado sa patimpalak ng sayaw.
Pinaka-inabangan ng lahat ang patimpalak sa sayaw, kung saan buong husay at kumpiyansa na ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang galing habang masiglang sumusuporta ang mga manonood.
Sa pagtatapos ng pagdiriwang, masayang tinanggap ng mga nanalo ang kanilang mga gantimpala. Nagtapos ang programa sa isang pagwakas na pananalita na nagpapaalala na higit sa anumang tropeo, ang pinakamahalaga ay ang pagkakaisa, pagkakaibigan, at magagandang alaala na nabuo sa araw ng pagdiriwang.
โ๏ธ:: Jacel May Cachero
๐ธ:: Karl Drake Balidoy
๐จ:: Andrei Jacob Pineda