12/08/2026
Alam ko wala ako sa lugar para diktahan ka kung ano ang dapat mong gawin. Gusto ko lang mag-share ng isang story.
May client ako na okay naman ang buhay nila. Hindi sila mayaman, pero kayang ibigay ng parents nila ang lahat ng pangangailangan. Apat silang magkakapatid at napag-aaral silang lahat.
Pero isang araw, biglang na-stroke ang papa nila at hindi nila inaasahan na mawawala ito. Doon nagsimula ang hirap. Naubos ang savings nila, may mga gamit pa silang naibenta para lang maipambayad sa hospital bills, funeral expenses, at mga utang.
Paglipas ng panahon, nagkaroon na ng trabaho ang client ko. Habang bata pa siya, naisip niyang humanap ng paraan para magkaroon ng financial backup. Doon niya nakita ang insurance at nag-decide siyang kumuha.
Sabi niya, ayaw na niyang maranasan ulit ng pamilya nila ang sitwasyon na wala silang mahugutan kapag may emergency. Doon niya na-realize na ang insurance ay hindi lang para kapag nawala ka, kundi para rin sa mga pagkakataong buhay ka at kailangan mo ng proteksyon, lalo na kapag nagkasakit.
Kaya gusto ko lang din i-share ito. Hindi para pilitin ka, kundi para magkaroon ka lang ng idea kung bakit may mga taong pinipiling magka-insurance habang bata pa.