13/06/2025
"Habang may pagkakataon, piliing magmahal. Piliing maging masaya. Piliing mabuhay nang buo."
Nabalitaan nyo na ba yung nagcrash na eroplano sa India? Ito ay isang paalala na napakaikli ng buhay at walang katiyakan ang bukas.
Kaya dapat, lagi nating iparamdam ang pagmamahal natin sa isat-isa. Simpleng “Kamusta ka?” o “Mahal kita” ay sapat para ipadama ang halaga ng bawat isa. Huwag ipagpaliban ang mga salitang may bigat sa puso.
Ipagdiwang ang maliit na sandali, hindi kailangang may okasyon para magsaya. Ang almusal na magkakasama, ang simpleng tawanan sa sala—lahat ‘yan ay biyaya. Bigyang halaga ang ngayon, hindi lang ang malalaking plano ng bukas.
Pahalagahan ang presensya, hindi lang ang regalo. Ang oras na ibinibigay mo sa pamilya mo ay mas mahalaga kaysa anumang materyal. Sa dulo, hindi maalala ng tao ang binigay mong gamit, kundi kung paano mo sila pinahalagahan.
Magpatawad at magpakumbaba, Hindi natin alam kung kailan ang huling pagkakataon na makakausap natin ang mahal natin sa buhay. Kaya habang may pagkakataon—magpatawad. Humingi ng tawad. Magpakumbaba.
Pahalagahan and bawat araw, bawat yakap, at bawat tawa.