15/11/2025
BREAKING NEWS: Male-maleta ng Pera, Ipinakita ni Zaldy Co Bilang “Deliveries” kay Marcos at Romualdez
Inilantad ni dating Ako Bicol Representative Zaldy Co ang umano’y mga larawan ng male-maletang pera na idedeliver niya at ng kanyang mga tauhan kina Pangulo Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at dating House Speaker Martin Romualdez, mula Forbes Park hanggang Malacañang.
Ipinakita ni Co ang mga larawan sa Part 2 ng kanyang video message, kaugnay umano ng utos ni Pangulong Marcos sa ₱100-bilyong insertions sa 2025 national budget.
📸: Rep. Zaldy Co / Facebook