03/09/2025
Noong panahon ni Jesus, maraming tao ang nabubuhay sa takot.
Hindi sila takot sa magnanakaw, hindi sila takot sa gutom—
ang pinakakinatatakutan nila ay:
“Baka hindi ako tanggap ng Diyos.”
Araw-araw, dala nila ang bigat ng konsensya.
Para sa kanila, parang imposible ang makalapit sa Diyos nang direkta.
Bakit?
Kasi may Pharisees’ system na nagsasabi:
“Kung gusto mong lumapit sa Diyos, kailangan mo munang sumunod sa amin—sa lahat ng aming batas, tradisyon, at ritwal.”
Ang resulta?
Lalong lumalim ang gap.
Nagkaroon ng dibisyon.
May “mga banal” daw — ang mga Pharisees.
At may “mga makasalanan” daw — ang karaniwang tao.
Para bang sinabi ng sistema:
“Kung hindi ka kasing-linis namin, wala kang karapatang lumapit sa Diyos.”
Pero dumating si Jesus.
At sa bawat hapag-kainan na sinamahan Niya ang mga makasalanan,
sa bawat babae na binuhusan ng biyaya imbes na hatol,
sa bawat l***r na hinawakan Niya kahit bawal,
sinira Niya ang dingding na itinayo ng Pharisees.
Ipinakita Niya:
Hindi mo kailangang dumaan sa kanila para mahalin ng Diyos.
Hindi ka espirituwal na alipin.
Sa Kanya, mismong kamay ng Diyos ang umaabot sa iyo.
Big Idea / Lesson:
The Pharisees built walls.
Jesus built bridges.
At hanggang ngayon, Siya pa rin ang tulay natin pabalik sa Ama.