22/07/2025
Mga utol jan we nid BACK UP 🫡🤎❤️💙
𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗟𝗨𝗠𝗣𝗜𝗧, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗜𝗟𝗔𝗟𝗜𝗠 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗦𝗧𝗔𝗧𝗘 𝗢𝗙 𝗖𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗧𝗬. 🧡⛈️⚠️ Ngayong araw, Hulyo 22, 2025, ay opisyal nang idinedeklara ng ating Ina ng Bayan, Mayor Lem Faustino ang State of Calamity sa Bayan ng Calumpit dahil sa matinding epekto ng walang tigil na pag-ulan dulot ng Habagat at , pag-apaw ng tubig mula sa Ipo Dam, at high tide na nagdulot ng malawakang pagbaha sa ating bayan.
Ang deklarasyong ito ay batay sa SB Resolution No. 85-2025 na inaprubahan ng ating Sangguniang Bayan, sa pangunguna ng ating Vice Mayor Doc Zar Candelaria at mga konsehal, alinsunod sa rekomendasyon ng ating Calumpit Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) matapos ang ating pagpupulong kahapon.
Batay sa pinakahuling ulat ng Municipal Social Welfare and Development Office at MDRRMO:
- 40,501 na pamilya o 131,832 na indibidwal mula sa 29 barangay ang apektado ng matinding baha.
- 317 pamilya o 1,188 na indibidwal ang kasalukuyang nasa 9 na evacuation centers sa buong bayan.
- Sa sektor ng agrikultura, pangisdaan at aquaculture, aabot na sa 19 ektarya ng pananim ang lubhang nasira na aabot sa P3.8M ang halaga.
Sa ilalim ng "State of Calamity," mas mapapabilis natin ang paglaan ng pondo para sa relief operations at rehabilitasyon, gayundin ang pagbibigay ng agarang tulong sa mga pamilyang labis na naapektuhan.
Patuloy po ang ating pagkilos upang matulungan ang bawat Calumpiteño sa gitna ng hamong ito. Sa gitna ng unos, lalong dapat manaig ang pagkakaisa, malasakit, at bayanihan.
Magtulungan tayo at manatili tayong ligtas, Calumpiteños.
Sama-sama tayong babangon.