B N S. TV

B N S. TV News update

06/05/2025
05/05/2025

MGA SCALAWAG DI DAPAT KAAWAAN: PNP, KUKUMPISKAHIN ANG MGA FRUITS OF THE CRIME

Kasunod ng panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa pananagutan at malinis na pamamahala, pinalakas ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang paglilinis laban sa mga rogue cops, na nagsasabing ang mga mapapatunayang nagkasala ay hindi lang matatanggal o makukulong — pati na rin ang mga pera mula sa ilegal na transaksyon ay sasamsamin.

“Marami na kaming napatanggal, meron na rin tayong napakulong, at patuloy na tinatanggal ang mga wala nang puwang sa ating hanay. Ang paglilinis sa PNP ay tuloy-tuloy at hindi kami titigil,” wika ng Chief PNP.

Nagbigay siya ng matinding babala sa mga tiwali sa hanay ng kapulisan: “Kung pipiliin niyong mainvolve sa ilegal na gawain, maghanda kayo — hahanapin namin kayo at pati na ang mga ari-arian niyong nakuha mula sa inyong mga krimen. Susuriin namin ang inyong mga bank accounts at mga ari-arian para mabawi ang mga perang ninakaw niyo. Hindi lang kayo matatanggal o makukulong — sisiguraduhin naming mawala lahat ng inyong pinaghirapan sa pamamagitan ng katiwalian.”

Inulit ng Chief PNP na walang “second chance” para sa mga may kasalanan sa kapulisan, at walang sinuman ang nakatataas sa batas.

Nagbabala rin ang hepe ng PNP sa lahat ng establisimyento o indibidwal na nagsisilbing tagapagdala o kasangkapan sa paglilinis ng ilegal na pera o tumutulong sa mga krimen, direktang o hindi direktang kasangkot, na haharap sa buong pwersa ng batas. Ang mga negosyo o mga financial institution na kasangkot sa pagtatago o pag-facilitate ng illegal na proceeds ay pananagutin at kakasuhan.

“Hindi lang ito tungkol sa pagpaparusa sa mga nagkakamali — ito ay tungkol sa muling pagbabalik ng integridad, tiwala, at pananagutan sa serbisyo-pulis. Karapatan ng mga Pilipino ang magkaroon ng mga tapat na alagad ng batas na nagpapatupad ng batas, hindi ang mga umaabuso nito,” pahayag ng pamunuan ng PNP.

Hinihikayat ng PNP ang publiko na maging mapagmatyag at makipagtulungan sa pamamagitan ng pag-report ng mga kahina-hinalang gawain o ilegal na aktibidad ng mga miyembro ng kapulisan.

“Walang lugar para sa mga scalawags sa PNP. Ang mga magtatangkang lumabag sa direktibang ito ay haharap sa mga parusa — hindi lang pagkawala ng pwesto kundi pati ang pagkawala ng lahat ng kanilang nakaw na yaman,” dagdag pa ng Chief PNP.


Address

Vinzons
Camarines Norte

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when B N S. TV posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to B N S. TV:

Share