31/10/2025
ππππππππ //
Bilang bahagi ng Operation βAGOSβ ng 9th Infantry Battalion, Philippine Army, nagsagawa ng film showing tungkol sa West Philippine Sea (WPS) sa Barangay May-ogog, Ocampo, Camarines Sur. Layunin ng aktibidad na mapalawak ang kaalaman at pag-unawa ng mga residente hinggil sa kasalukuyang sitwasyon sa West Philippine Sea at sa kahalagahan ng pagtatanggol at pagpapanatili ng ating pambansang soberanya.
Sa pamamagitan ng nasabing gawain, binigyang-diin ng mga kawal ng 9IB ang papel ng bawat mamamayan sa pagtataguyod ng kapayapaan, pagkakaisa, at pagmamahal sa bayan. Pinapaalalahanan din ang mga residente na maging mapagmatyag at makiisa sa mga programa ng pamahalaan na naglalayong protektahan ang teritoryo at karapatan ng bansa sa ating katubigan.
Ang naturang aktibidad ay bahagi rin ng patuloy na kampanya ng Philippine Army upang itaguyod ang information awareness at community empowerment, na layuning mapatatag ang ugnayan sa pagitan ng militar at ng mamamayan para sa kapayapaan at kaunlaran ng bansa.