
03/12/2024
Ang buhay ay parang isang maikling kwento hindi mahalaga kung gaano karami ang naipon mong bagay, kundi kung ilang puso ang na haplos mo sa bawat pahina ng iyong kwento.
Hindi ba’t lahat tayo ay nagtatangkang magkaroon ng maginhawang buhay?
Pero sa huli, mapapagtanto natin na ang tunay na yaman ay hindi ang mga bagay na naiipon natin, kundi ang mga alaala at ngiting naiwan natin sa iba.
Kaya kapag dumating ang oras na tayo’y aalis, ano nga ba ang maiiwan natin?
Isang bahay na walang tawanan?
Isang mesa na walang kwentuhan?
o isang tahanan na puno ng pagmamahal at alaala?
May mga pagkakataong tila abala tayo sa pag-abot ng ating mga pangarap.
Ngunit sa bawat tagumpay, tanungin natin ang sarili:
Ilan ang napasaya ko? Dahil sa huli, hindi maalala ng tao kung gaano kalaki ang bahay mo o gaano karami ang pera mo sa bangko. Ang natatandaan nila ay kung paano mo pinaramdam sa kanila ang init ng iyong yakap, ang saya sa iyong mga salita at ang malasakit sa iyong mga gawa.
Kapag iniwan natin ang mundong ito, wala tayong madadala, pero pwede tayong mag-iwan ng kayamanang hindi mabibili ng kahit anong halaga ang pusong nagbigay ng liwanag sa iba.
Sa bawat hakbang ng buhay, wag kalimutan ang tunay na layunin ang magpasaya, magmahal, at mag-iwan ng bakas na walang hanggan.
Always choose to be kind, hindi porket
ginawa sayo gagawin mo na rin sa iba, hindi
porket napag daanan mo kailangan
mapagdaanan din ng iba, always spread
kindness to everyone, maging mabuti ka pa
rin kahit hindi sila naging mabuti sayo
because that's maturity.
Sa totoo lang ang sarap sa pakiramdam na kahit san ako pumunta may kabatian, kakilala, katanguan minsan may tatawag sakin na hindi familiar, ang gusto ko lang sabihin ang sarap ng walang kaaway o ka galit 🫶🏼💯