
30/10/2024
ARREST OF WANTED PERSON
LALAKING MAY KASONG ATTEMPTED MURDER, ARESTADO!
Timbog ang isang lalaki, matapos ang ikinasang Intel driven operation ng kapulisan ng San Vicente Municipal Police Station at Labo MPS katuwang ang 1st CNPMFC at CNPIU ito ay naganap kaninang hapon Octobre 30, 2024. bandang 5:15 ng hapon sa Brgy. Mangcayo, Vinzons, Camarines Norte sa pamumuno ni PCAPT IRENIO R MENDOZA, Hepe.
Ang nasabing suspect ay nasa talaan ng Most Wanted Person ng Camarines Norte. Ang akusado ay kinilalang si a.ka. “Boy Tapang“44 taong gulang, binata, Mason, at residente ng P-7, Brgy Tigbinan, Labo, Camarines Norte.
Inaresto ang nasabing suspect sa bisa ng warrant of arrest para sa kinakaharap na kasong Attempted Murder na inilabas ni Hon. NIVEN REDILLAS CAMLAPAN, Presiding Judge, RTC, Branch 109, Carmon Cavite, sa ilalim ng Criminal Case No. CAR-2023-531-CICL na may itinalaga na piyansa na nag kakahalagang Php120,000.00.
Ang nasabing personahe ay pansamantalang nsa kustodihiya ng San Vicente MPS.
Ang kapulisan ng San Vicente MPS, ay nagbibigay ng katiyakan sa ating mga kababayan na ang sino mang magkasala sa batas ay tiyak na mananagot. Hinihingi po namin ang ang pakikiisa ng bawat isa sa komunidad at patuloy na pagiging mapag-bantay, wika ni PCPT IRENIO R MENDOZA, "Serbisyong may Malasakit, hangad po namin ang Kaayusan, Kapayapaan tungo sa maunlad na Pamayanan."