30/06/2025
Pormal nang nanumpa si Luis Raymond “LRay” Villafuerte bilang bagong Gobernador ng Camarines Sur ngayong umaga, Hunyo 30, sa isang seremonyang dinaluhan ng kanyang buong pamilya.
Kasama sa seremonya ang kanyang dalawang anak na sina Congressman Migz Villafuerte ng 5th District at Congressman Luigi Villafuerte ng 2nd District, na parehong manunumpa rin bilang bagong halal na kinatawan ng kani-kanilang distrito.
Sa kanyang mensahe, tiniyak ni Governor Villafuerte ang pagpapatuloy ng mga programang makatao at makabago para sa kaunlaran ng Camarines Sur, lalo na sa larangan ng imprastruktura, teknolohiya, edukasyon, at kalusugan.
Magpapatuloy rin ang oath-taking ceremony ng iba pang bagong halal na opisyal ng probinsya, kabilang ang mga bise gobernador, mga congressman, bokal, at iba pang lokal na lider.
📸✍️CSN