19/03/2025
Ginoong Magayon at Daragang Oragon 2025, Matagumpay na Idinaos sa RNHS
PILI, CAMARINES SUR โ Masaya at makulay na ipinagdiwang ang patimpalak na "Ginoong Magayon at Daragang Oragon 2025" sa bulwagan ng Rodriguez National High School (RNHS), kaugnay ng ika-30 anibersaryo ng pagkatatag ng paaralan. Nag-uumapaw ang sigla at kasiyahan ng mga manonood habang ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang talento, kumpiyansa, at ganda sa naturang kompetisyon.
Simula ng Programa
Nagsimula ang programa sa isang panalangin na pinangunahan ni Gng. Celma Milano, kasunod ng pag-awit ng "Lupang Hinirang" sa pangunguna ni Gng. Marilou Hermoso.
Sa unang bahagi ng patimpalak, ipinakilala ng mga kandidato ang kanilang sarili, suot ang kanilang kaswal na kasuotan, at ibinahagi ang kanilang mga kasabihan. Isang intermission number ang nagdagdag sigla sa programa, na lalong nagpasaya sa mga manonood.
Habang naghahanda para sa susunod na bahagi ng patimpalak, nagbigay ng inspirasyonal na mensahe si G. Francis Belen, ang Ginagalangang Bise Alkalde ng Pili. Aniya, ang ganitong uri ng programa ay mahalaga sa pagpapalawak ng pang-unawa sa bawat sekswalidad at sa pagpapalakas ng kumpiyansa ng mga mag-aaral. Pinuri rin niya ang dedikasyon ng mga g**o sa paaralan at inalala kung paano ang RNHS ay patuloy na nag-aambag sa paghubog ng mga propesyonal, kabilang ang ilan sa kanyang mga kasamahan sa trabaho.
Nagpaabot din ng pasasalamat si Gng. Rosa Marco, na kumatawan kay Mrs. Belen Adriatico, ang Punong-G**o ng RNHS. Kinilala niya ang kontribusyon ng ESP, AP, at Filipino Department, kasama ang mga student teachers, sponsors, at si Gng. Vernice Barcela bilang punong-abala ng programa.
Ibaโt Ibang Yugto ng Kompetisyon
Sa sports attire category, ipinakita ng mga kandidato ang kanilang kasuotan para sa iba't ibang isports tulad ng basketball, futsal, surfing, ballet, volleyball, tennis, taekwondo, cheerleading, at golf. Kasunod nito, nagbigay ng espesyal na intermission number sina Leonard Recaรฑa at Sir Gian na lalong nagpasaya sa mga manonood.
Sa huling bahagi ng patimpalak, isinuot ng mga kandidato ang kanilang formal attire, na sumasalamin sa kanilang pagkakakilanlan. Mula rito, napili ang Top 5 para sa Ginoong Magayon at Daragang Oragon na sumabak sa Question and Answer portion.
Mga Nagwagi
Top 5 Finalists:
Ginoong Magayon:
Joshua Onida (No. 1)
Jerson Barola (No. 6)
Julian San Buenaventura (No. 7)
Jarred Cereza (No. 8)
Jarwin Del Rosario (No. 15)
Daragang Oragon:
Carla Sunguad (No. 6)
Nicole Llamer (No. 7)
Valykie Mancita (No. 8)
Dianne Aniete (No. 12)
Micaella Reynales (No. 2)
Major Awards:
Best in Production Number:
Daragang Oragon: Nicole Llamer
Ginoong Magayon: Jarred Cereza
Best in Sports Attire:
Daragang Oragon: Dianne Aniete
Ginoong Magayon: Jarwin Del Rosario
People's Choice Award:
Daragang Oragon: Carla Sunguad
Ginoong Magayon: Jarred Cereza
Best in Casual Attire:
Daragang Oragon: Clarice Caceres
Ginoong Magayon: Jarwin Del Rosario
Best in Ramp:
Daragang Oragon: Nicole Llamer
Ginoong Magayon: Jerson Barola
Best in Formal Attire:
Daragang Oragon: Nicole Llamer
Ginoong Magayon: Jarred Cereza
Mga Kinoronahan
Sa huli, itinanghal na Daragang Oragon 2025 si Valykie Mancita (Grade 9) at Ginoong Magayon 2025 si Jerson Barola (Grade 11) matapos nilang ipamalas ang kanilang kahusayan sa pagsagot sa huling bahagi ng kompetisyon.
Runners-Up:
Ginoong Magayon:
1st Runner-up: Jarred Cereza
2nd Runner-up: Julian San Buenaventura
Daragang Oragon:
1st Runner-up: Carla Sunguad
2nd Runner-up: Nicole Llamer
Mensahe ng Pagtanggap at Pagpapahalaga
Ang patimpalak na ito ay hindi lamang isang kompetisyon ng kagandahan at talento, kundi isang plataporma rin para sa pagkilala sa pagkakaiba-iba ng kasarian at identidad. Isa sa mga kandidata ang nagbigay ng makabuluhang mensahe:
"Walang mali sa pagiging bakla, tomboy, o anumang identidad. Wala rin sinuman ang may karapatang husgahan ang ating pagkatao. Ang tunay na malayang lipunan ay yaong may pagkakapantay-pantay at respeto sa isaโt isa."
Tunay ngang isang inspirasyonal at matagumpay na okasyon ang naganap sa RNHS. Sa kabila ng init at matinding emosyon, naipakita ng mga kalahok ang kanilang tapang, talento, at kumpiyansa, na siyang dahilan ng tagumpay ng Ginoong Magayon at Daragang Oragon 2025.
GORA LANG! SAPAGKAT TAYONG LAHAT AY NATATANGI AT KAKAIBA!
โ๏ธLalady Mustera
๐ธMam vern
Lady