
15/09/2025
🟥LPA sa Silangan ng Bicol, Posibleng Maging Bagyo sa mga Susunod na Araw.
Nagbabala ang Japan Meteorological Agency (JMA) na ang kasalukuyang Low Pressure Area (LPA) na namataan sa silangan ng Bicol Region ay posibleng maging ganap na bagyo sa loob ng 24 hanggang 36 oras.Ngunit sa DOST PAGASA mababa pa sa ngayon ang tyansa na maging bagyo ngunit di pa rin inaalis ang Posibilidad lalo nat nasa karagatan pa ito
Ayon sa ulat, ang naturang LPA ay nasa humigit-kumulang 66 kilometro silangan ng Catanduanes. Kapag tuluyang naging bagyo, ito ay papangalanang “Mirasol.”
Inaasahan na kikilos ito pa-North North West na maaaring magbanta sa Central Luzon at Northern Luzon sa mga susunod na araw. Pinapayuhan ang publiko na maging alerto sa posibleng pagbaha, pag-ulan, at malalakas na hangin lalo na sa mga lugar na malapit sa forecast track ng bagyo.
Patuloy na makinig sa mga susunod na abiso mula sa PAGASA at lokal na pamahalaan para sa kaligtasan.
Ingat po tayong lahat. 🙏