10/05/2026
โ๐๐๐๐๐๐'๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ | ๐ฆ๐จ๐ฃ๐๐ฅ๐ ๐ข๐
โ
โSa mundong napakagulo,
โmay isang matatag at hindi nagpapatinag, Iyon ang nanay ko.
Sa mga gabing madilim, siya ang nagsilbing tanglaw ko.
โSa mga araw na nanghihina ako, siya ang lakas ko.
Tuwing may unos o bagyo, siya ang tiyak na sandalan ko.
โKung minsan hindi pabor sa akin ang mundo, siya ang nagsisilbing katiyakan ko.
May mga oras na nawawala ang liwanag ko, pero masilayan ko lamang ang mga ngiti niya, ay nanunumbalik na ang sigla ko.
โSiya ang supermom ko.
โ
โMinsan napatanong ako:
โmay kapangyarihan nga ba sila?
โDahil para silang superhero na palaging may solusyon sa kahit anumang sitwasyon.
โ
โNgayon alam ko na kung bakit,
โdahil mas pinipili nilang maging matatag, para sa kanilang mga mahal
โKahit minsan ay humihina ang kanilang kapangyarihan. Hindi kailanman naging dahilan sa kanila ang kahirapan para sumuko sa laban, bagkus ito ay ginagamit nilang inspirasyon para mas lalong tumibay at lumaban sa anumang hamon ng buhay.
โAng kanilang pinakamalakas na kapangyarihan, ay ang kanilang hindi matatawarang pagmamahal, na kahit kailan hindi mawawala.
โAng lakas ng isang ina ay hindi nakikita at mahahanap sa iba; ito ay nag-iisa at wala nang iba pa. | via Kenneth P***s, Literary Writer
Graphics by Carl Deliรฑa, Editorial Cartoonist