02/12/2025
MEET CHICO!
Si Kyle Credo o mas kilala bilang Chico ay isang visual artist mula Caraycayon, Tigaon, Camarines Sur. Mahigit labingwalong taon na siyang gumagawa ng sining at tatlong taon siyang nagtuon sa acrylic painting. Malaki ang naging impluwensya sa kanya ng cartoons at anime. Lumaki siyang kapos sa art materials kaya naging malikhain siya sa paggamit ng karton, toothpaste boxes, cereal boxes at iba pang bagay na itinuturing na basura bilang canvas ng kanyang sining.
Naging editorial cartoonist siya ng school newspaper sa SRNHS at nagtapos bilang Arts and Design student na may major sa visual arts. Layunin ni Kyle na pukawin ang nostalgia at mapasaya ang inner child ng bawat nakakakita ng kanyang obra kaya madalas niyang gamitin ang cartoon at anime references. Ayon sa kanya, ang pagiging artist ay parang batang hindi tumigil sa paghawak ng crayons. Kahit kaarawan niya ngayon, dama pa rin ang pagiging bata sa kanyang puso.
Wala siyang physical store ngunit bukas ang kanyang bahay sa Tigaon para sa sinumang gustong makita ang kanyang artworks. Sa mga gustong magpagawa sa kanya, maaari siyang makontak sa 09067806831.
Facebook: Kyle Credo
Instagram: chico47.jpeg at chic.osgallery