23/07/2026
๐๐๐๐๐ข๐ | ๐ฃ๐๐ฆ๐ง๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐ฆ๐ง๐: ๐ ๐ด๐ฎ ๐ฝ๐ถ๐ป๐๐๐ฎ๐ธ๐๐ฒ๐ป๐ด ๐ฏ๐๐ต๐ฎ๐, ๐ฏ๐ฎ๐ต๐ฎ๐, ๐ฎ๐ ๐ธ๐ฎ๐ฏ๐๐ต๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐น๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐ด๐ฏ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ป
โCalagBANGAW. โ
Ito na ang naging bansag sa Barangay Calagbangan sa Sipocot, Camarines Sur, dahil sa malalang impestasyon ng langaw na humigit-kumulang dalawang dekada nang pinapasan ng mga residente. Hindi lamang ang Calagbangan ang apektado, kundi pati na rin ang mga karatig nitong lugar. Hanggang ngayon, nananatiling pugad ng daan-daang langaw ang barangayโisang perwisyo na
itinuturong bunga ng samuโt saring poultry farm sa lugar.
๐จ๐ด๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฒ๐ฟ๐๐ถ๐๐๐ผ
2008 noong unang maipasa ang initial complaint ng fly infestation sa Calagbangan. Pinangunahan ito ni Marilyn Casilihan, residente ng nasabing barangay. Ayon sa kanyang anak na si Vince Casilihan, na isa ring peryodista, human rights advocate, at kalaunan ding naging boses ng Sipocotenos sa paglaban fly infestation, ay nagpasa sila ng pormal na reklamo sa barangay na nakaabot sa Environmental Management Bureau (DENR-EMB) Region V. Sa mga isinagawang inspeksyon, naiulat na may mga natukoy na problema kaugnay ng sanitary permit at waste management. Gayunpaman, sinasabi ng mga residente na nagpapatuloy pa rin ang problema sa kabila ng mga inspeksyon, pagdinig, at iba pang hakbang ng pamahalaan.
Dumaan na ang halos dalawang dekada, parehong problema pa rin ang kinahaharap ng mga residente. At habang mas tumatagal, mas lumala lamang ang isyu.
๐ ๐๐น๐ฎ ๐ฎ๐ด๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป ๐๐๐ป๐ด๐ผ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป๐ด๐ต๐ฎ๐น๐ถ๐ฎ๐ป
Nagsilbi nang pang araw-araw na hamon ng mga residente ang pagtimpla ng kape, paghain ng pagkain, at maging ang simpleng pagsubo ng isang kutsarang kanin, dahil walang pinapalampas na espasyo ang mga langaw. Lumalangoy ito sa mainit na kape, dumadapo sa bagong hain na kanin, at tila gusto pang sumama hanggang sa lalamunan ng mga kakain.
Apektado rin ang operasyon ng ilang mga negosyo, dahil maging ang simpleng pagbubukas ng mga pinto at bintana ay isang pakikipagdigmaan na sa mga langaw na nagpupumilit pumasok sa bawat bumubukang tarangkahan. Dahil dito, nagsumite si G. Casilihan ng mga liham ng pagtutol at dumalo sa mga committee hearing upang maiparating ang mga hinaing ng komunidad sa mga lokal na
opisyal, at mawakasan na ang ilang dekadang perwisyo nito sa bawat tahanan sa Calagbangan at sa mga karatig pang mga lugar.
๐๐ฎ๐บ๐ฏ๐๐ต๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ฑ๐๐ธ๐๐๐ผ๐ป, ๐ง๐ผ๐ป๐ฒ๐น๐ฎ๐ฑ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฒ๐ฟ๐๐ถ๐๐๐ผ
Batay sa pag-aaral sa 16 na poultry building sa Brgy. Calagbangan na may kapasidad na 50,000 broiler chicken bawat isa, umaabot sa 800,000 manok ang napo-produce sa bawat 28-araw na production cycleโna kung kukunin ang theoretical maximum sa loob ng isang taon na may 13 cycle ay katumbas ng 10.4 milyong manok. Sa ganitong kalaking lebel ng produksyon, ang 800,000 manok ay naglalabas ng humigit-kumulang 64 hanggang 80 metriko tonelada (64,000 hanggang 80,000 kilo) ng dumi araw-araw. Sa harap ng ganitong kabigat na numero, ang malaking katanungan at palaisipan ngayon ay: saan nga ba napupunta ang lahat ng dumi na ito araw-araw? Ang kawalan ng malinaw at sapat na waste management para sa dambuhalang dami ng poultry waste na ito ang hayagang itinuturing na pangunahing ugat ng malalang fly infestation sa buong barangay.
๐ฃ๐ฎ๐๐๐ป๐ด-๐ฝ๐ฎ๐๐ผ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ ๐ผ๐ฏ๐ต๐ฒ๐ธ๐๐ถ๐๐ผ๐ป
Abril 12, 2022, nagpasa ng Letter of Objection si G. Casilihan sa opisina ni Mayor Tomas Bocago laban sa planong pagpapalawak ng poultry farm sa Zone 4A at Zone 4B sa Calagbangan. April 25, naman ng magsagawa ng pagpupulong ang mga opisyal ng barangay. Gayunpaman, walang naging konkretong aksyon upang mapigilan ang pagpapatuloy ng konstruksyon at pagpapalawak ng mga
poultry buildings.
Enero 26, 2023 ng magsagawa ng Committee Hearing kaugnay ng Letter of Objection na ipinasa ni G. Casilihan. Dinaluhan nila ang hearing na ipinatawag ng Sangguniang Bayan ng Sipocot, sa ilalim ng Committee on Housing, Land Utilization, at Zoning, upang talakayin ang usapin ng pagpapalawak ng mga poultry farm. Ngunit matapos ang hearing, wala nang naging kasunod na konkretong aksyon.
Ika-4 ng Agosto, 2025, ay muling nagsumite ng reklamo si G. Casilihan sa opisina ng alkalde at sa Sangguniang Bayan ng Sipocot. Bilang tugon, muli silang nagsagawa ng Joint Committee Hearing noong Setyembre 4, 2025, sa pangunguna ng Committee on Health, Sanitation and Environmental Protection and Ecology.
Sa isinagawang hearing ay muling lumabas na ang mga problemang natukoy noong 2008 ay
nananatili pa rin hanggang sa kasalukuyan. Kabilang na rito ang mga usapin sa business permit, building permit, at ang kakulangan sa pagsunod sa mga umiiral na environmental at regulatory requirements.
Oktubre ng parehong taon ay muling sumulat ng formal complaint si G. Casilihan sa alkalde, at bilang tugon ay bumuo sila Municipal Composite Team na magbabantay sa operasyon ng mga poultry farm, lalo na sa matinding fly infestation na nararanasan ng mga residente. Kasama sa kanilang tungkulin ang pagmomonitor ng poultry loading, pagtiyak kung ilan ang iniloload na manok, at pagbabantay kung kailan isinasagawa ang loading.
Mula Disyembre 2025 hanggang Pebrero 2026, ay nagsagawa ng suspensyon ang Municipal Composite Team. Mayroon ding hiwalay na Composite Team ang barangay. Sa panahong ito, napag-alaman na may ilang poultry farm ang isinailalim sa suspensyon dahil sa mga natuklasang hindi pagsunod sa environmental at sanitary requirements. Subalit pagdating ng Pebrero 2026, matapos ang suspensyon, ay muli silang pinayagang magpatuloy ng operasyon. Dahil dito, lumala ang fly
infestation at kinailangan ulit isailalim ng mga poultry farms sa suspensyon sa loob ng dalawang buwan.
๐ก๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ต๐ฎ๐ต๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐
Nagmistulang isang nakahahawang sakit na ang pagdami ng mga langaw sa Calagbangan, dahil maging sa mga karatig nitong barangay ay umabot na ito. Apektado na rin ang South Villazar, North Villazar, Bigaan, Bolo Norte, Bolo Sur, Tibli, Tula-Tula, Alteza, Yabo, at Salandang.
Noong Mayo 2026, nagkaroon ng sang pagpupulong sa pagitan ng lokal na pamahalaan, mga kinatawan ng San Miguel, at mga residente. Sa pormal na pag-uusap na ito, kung saan dumalo rin ang tatlong doktor ng integrator. Malinaw na napagkasunduan na ang Municipal Composite Team (MCT) lamang ang may awtoridad na maglabas ng Compliance Certificate bilang pangunahing rekisito bago payagan ang poultry loading. Layunin nitong tiyakin ang pagsunod ng mga poultry farm sa mga alituntuning pangkapaligiran at pangkalusugan matapos ang mga naitalang paglabag.
Mabilis na nabuwag ang kasunduang ito pagdating ng Hunyo 8, 2026, nang maibunyag na nakakuha ang San Miguel ng loading schedule mula Hunyo 9 hanggang 17 matapos direktang makipag-ugnayan ang ilang may-ari ng poultry farm, kabilang ang isang Kagawad ng Bayan. Sa halip na sertipikasyon mula sa MCT, sertipiko lamang mula sa Barangay Composite Team ang ginamit na batayan. Bagama't agad na nagpasa ng sulat ang komunidad sa munisipyo at barangay noong araw na iyon upang ipatigil ang proseso, pumasok pa rin ang mga sisiw at nagsimula ang loading noong Hunyo 10. Naglabas man ng Letter of Suspension at Letter of Violation ang lokal na pamahalaan,nabigo pa rin itong pigilan ang operasyon.
Sa kabila ng isinumiteng Formal Complaint noong Hunyo 11 at mga kasunod na liham noong Hunyo 23, ipinagpatuloy pa rin ng San Miguel at ng mga poultry operator ang loading sa katwirang naka-iskedyul na ito. Ang pagbalewalang ito sa mga regulasyon ang direktang nagdulot ng malawakan at
kritikal na fly infestation sa buong paligid. Lumabas sa pormal na pagpupulong noong Hulyo 17 na anim (6) lamang na poultry buildings ang may pahintulot na mag-load, ngunit labintatlo (13) ang aktwal na nakapag-loadโisang malinaw na paglabag sa mga itinakdang alituntunin.
Lalo pang lumala ang sitwasyon sa huling bahagi ng Hulyo 2026 nang opisyal na suspendihin ng Environmental Management Bureau (EMB) ang Environmental Compliance Certificate (ECC) ng mga sangkot na farm. Ngunit sa kabila ng suspensyon na ito, at ng inilabas na Closure Order, patuloy pa ring nag-opera ang mga farm sa ilalim ng dahilan na kinakailangang tapusin ang harvesting ng mga
manok. Dahil dito, nananatili ang matinding pasakit at banta sa kalusugan at kalinisan ng buong komunidad.
๐ฆ๐ถ๐ธ๐น๐ผ ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐๐๐๐ผ๐น ๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ธ๐ผ๐ป๐๐ถ๐ป๐๐ฒ
Ilang piraso na ng papel ang nasayang sa paulit-ulit na pakikibaka para makalaya ang mga residente sa perwisyo ng mga langaw. At ilang beses ring tumugon ang mga dapat tumugon, subalit sa huli, ay nauuwi rin lang sa dati, dahil sa kawalan ng konkretong aksyon.
Ngayong Hulyo 2026, may ilang mga poultry farms na ang nagpaskil ng closure signage. Subalit ang palatandaan na ito ay hindi sapat para bigyang tuldok ang dekada nang problema ng Brgy. Calagbangan at nang iba pang mga apektadong lugar.
Sa response letter ng LGU ng Sipocot, na may petsang ika-17 ng Hulyo, 2026, iniulat nito na ang Municipal Composite Team ay mas lalong pinapaigting ang pagsasagawa ng inspeksyon at monitoring, habang binawi naman ang sanitary permits ng mga poultry farm na hindi sumusunod sa mga itinakdang regulasyon.
Sa loob ng halos dalawang dekada, halos maging parte na ng bawat salusalo ng mga pamilya ang mga langaw. Paulit-ulit man ang mga inihaing reklamo, tila ay ginagawang palamuti lamang ang mga regulasyon habang patuloy na pinapasan ng komunidad ang toneladang dumi, at dambuhalang perwisyo ng mga langaw. Panahon na upang tapusin ang siklo ng pagmamatigas at pagkonsinte; oras
na para pakinggan ang paulit-ulit na sigaw ng Brgy. Calagbangan at ng mga apektadong mamamayanโ๐๐ฎ๐ผ ๐ป๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป.
mga salita nina | Joy Cabaltea, Ruby Teves
paglalapat ni | Joy Cabaltea
datos at ulat nina | Ella Mae Aycocho, Darius Salvador Deiparine