20/05/2026
Ikaw Pa Rin
Sa pagitan ng p**a at kahel na langit,
May isang alaalang pilit iginuguhit.
Tulad ng anino sa dalampasigang ito,
Nag-iisa’t naghahanap sa bakas ng puso mo.
Ang dagat ay saksi sa bawat pangarap,
Na sa iyong paglayo, muli kong nayayakap.
Kahit ang araw ay tuluyan nang magtago,
Sa puso ko’t isip
—ikaw pa rin ang pangako.
Likha ni Andy Canimo Joson