Sand Castle - ISPSC Candon Campus

  • Home
  • Sand Castle - ISPSC Candon Campus

Sand Castle - ISPSC Candon Campus The Official Student Publication of Ilocos Sur Polytechnic State College-Candon Campus

๐—ข๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—œ๐—ข๐—ก | ๐๐ซ๐จ๐Ÿ๐ž๐ฌ๐ฌ๐ข๐จ๐ง ๐๐ž๐Ÿ๐จ๐ซ๐ž ๐„๐ฆ๐จ๐ญ๐ข๐จ๐งBy: Aries DoloresLove is a universal experience, capable of bringing both extreme joy...
03/10/2025

๐—ข๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—œ๐—ข๐—ก | ๐๐ซ๐จ๐Ÿ๐ž๐ฌ๐ฌ๐ข๐จ๐ง ๐๐ž๐Ÿ๐จ๐ซ๐ž ๐„๐ฆ๐จ๐ญ๐ข๐จ๐ง
By: Aries Dolores

Love is a universal experience, capable of bringing both extreme joy and intense sorrow. But what if this intense emotion ignites within the classroom, and the object of this affection is one's own student? In this situation, a simple question becomes a complex test of integrity. Should one take the student's actions personally, especially if the love is unrequited?

It cannot be denied that when we are attracted to someone, we are ready to do anything. But passionate love must have limits, especially when we are in a position of power and responsibility, such as being a professional. The school is a sanctuary of knowledge, not a field for the personal pursuit of romance.

The problem begins when the rejection of one's feelings leads to coercion, imposition, and above all, the showing of anger or acting personally. Unrequited love is not a license to hurt, humiliate, or oppress others. The anger resulting from rejection must not be directed at the student, who has done nothing but express their own freedom to love, or not to love, in return.

One needs to know the boundaries. As educators, the primary obligation is professionalism and the care for the welfare of the student. The profession is a vow of service and ethics. The question is, are you willing to surrender or compromise your profession for the sake of a love that is uncertain or does not truly want you?

The answer is a resounding NO.

No one has the right to take a person's actions personally, especially a student's, simply because they cannot give you the love that you desire. Such an act is not only unethical but can also lead to a violation of the law and the destruction of one's career.

The student's education and profession should not become collateral damage of personal feelings.

Ultimately, one must use the mind before the heart. Set aside the overwhelming emotions. Discern and prioritize what is beneficial: maintaining professionalism, respecting boundaries, and ensuring that the school remains a safe and focused environment for learning.

Remember: You are not the one they love, so you have no right to take it personally from someone who cannot give you the love you want. Your guide should be your professionalism, and it should not be extinguished by blind love. This is the right course of action for integrity and for the welfare of the student.

Photocredits: Raquel Sabado

03/10/2025

๐—ข๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—œ๐—ข๐—ก | ๐Š๐š๐ฒ๐š ๐Œ๐จ ๐๐š๐ง๐  ๐Œ๐š๐ ๐ฉ๐š๐ญ๐š๐ฐ๐š๐ ๐Š๐ฎ๐ง๐  ๐ˆ๐›๐ข๐ง๐ฎ๐ง๐ฒ๐š๐  ๐๐  ๐ˆ๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐Š๐š๐ข๐›๐ข๐ ๐š๐ง ๐€๐ง๐  ๐ˆ๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐‹๐ข๐ก๐ข๐ฆ?
Ni: Aries Dolores

Ang tiwala ay siyang pundasyon ng bawat makabuluhang relasyon, at walang mas matibay na halimbawa nito kaysa sa matalik na pagkakaibigan. Sa ating mga kaibigan, ipinagkakatiwala natin ang mga bahagi ng ating buhay na nais nating itago sa mundo, ang ating mga pangarap, takot, at higit sa lahat, ang ating mga lihim.

Kaya naman, kapag ang tiwalang ito ay sinira, lalo na sa pamamagitan ng pagbubunyag ng mga personal na bagay, ang sakit at pagtataka ay hindi maikakaila.

Ang tanong na nasa ating isipan, tulad ng nakasaad sa larawan, ay nagdadala ng bigat. Mapapatawad mo ba ang isang kaibigan na nagsiwalat ng mga sikreto mo?"

Ang desisyong magpatawad ay hindi kailanman madali. Ito ay isang proseso na nangangailangan ng masusing pagtimbang at pag-unawa.

Sa isang banda, ang pagtataksil sa tiwala ay isang malaking kasalanan sa pagkakaibigan. Ang sikreto ay hindi lamang impormasyon, ito ay isang sagradong pananagutan na ibinigay sa iyo. Kapag ang kaibigan ay nagbunyag nito, hindi lang ang impormasyon ang nawawala, kundi pati na rin ang seguridad at kumpiyansa na sana ay naramdaman mo sa piling niya. Ang pagiging bukas at totoo sa kanya ay naging isang kahinaan na ginamit laban sa iyo.

Para sa marami, ang ganitong paglabag ay sapat na dahilan upang tuluyan nang putulin ang ugnayan. Ang pagpapatawad ay maaaring makita bilang pagpapahintulot sa pag-uugaling ito, na lalong makapagpapahirap sa pagtitiwala sa iba sa hinaharap.

Gayunpaman, ang pagpapatawad ay hindi lamang para sa taong nagkasala, ito ay higit na para sa ating sarili. Ang pagkapit sa galit at hinanakit ay parang pag-inom ng lason at pag-aasam na ang iba ang maaapektuhan. Ang pagpapatawad ay isang gawain ng kalayaan, ito ang pagpapasya na bitawan ang pait upang makapagpatuloy sa buhay.

Bago gumawa ng desisyon, mahalagang tanungin ang sarili. Bakit niya ginawa? Ito ba ay dahil sa kapabayaan, masamang intensyon, o isang malaking pagkakamali? Kung ito ay isang pagkakamali na bunga ng panandaliang pagkadulas o labis na pagkabahala, at kung mayroon siyang tunay na pagsisisi at determinasyong bumawi, maaaring may espasyo pa para sa pagpapatawad at muling pagbuo ng tiwala.

Ngunit kung ito ay isang sadyang masamang intensyon upang makapaminsala, ang pagpapatawad ay maaaring mangahulugan ng pagtanggap sa katapusan ng pagkakaibigan.

Sa huli, ang pagpapatawad ay isang personal na pagpili. Maaaring mapatawad mo ang ginawa, ngunit hindi na maibabalik ang lalim ng dating tiwala. O, maaari mong tuluyang tapusin ang relasyon dahil sa lalim ng pagtataksil. Anuman ang maging desisyon, tandaan na ang paggalang sa sarili at ang proteksyon ng iyong emosyonal na kapakanan ang dapat na mananaig.

Ang mahalaga ay ang matuto mula sa karanasang ito at lalong maging mas maingat sa susunod na ipagkakaloob mo ang pinakamahalagang handog sa isang kaibigan, ang iyong tiwala.

Ang pagkakaibigan ay isang regalo, ang tiwala ay ang balot nito. Kapag nasira ang balot, minsan mananatili pa rin ang regalo, ngunit hindi na ito kailanman magiging perpekto.

Photocredits: Raquel Sabado

๐—ก๐—˜๐—ช๐—ฆ ๐—•๐—ฅ๐—œ๐—˜๐—™ | The Armed Forces of the Philippines (AFP), represented by TSg Joven C. Pagdilao of the Philippine Army, hel...
01/10/2025

๐—ก๐—˜๐—ช๐—ฆ ๐—•๐—ฅ๐—œ๐—˜๐—™ | The Armed Forces of the Philippines (AFP), represented by TSg Joven C. Pagdilao of the Philippine Army, held an Advocacy Awareness Campaign at the ISPSC Candon Campus Covered Court, October 1.

The activity focused on the importance of the West Philippine Sea (WPS) and the AFPโ€™s duty to protect the countryโ€™s rights over it, while also inspiring students to consider joining the AFP in the future. With the support of the 4th Special Forces Company and the 2nd Special Forces Battalion, the campaign emphasized the Armyโ€™s effort to promote awareness, patriotism, and public service among the youth.

Photos by PJ Ruperto, Gab Vasquez

๐—ข๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—œ๐—ข๐—ก | ๐€๐ง๐  ๐Œ๐š๐ฉ๐š๐ข๐ญ ๐ง๐š ๐–๐š๐ค๐š๐ฌ ๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ค๐š๐ค๐š๐ข๐›๐ข๐ ๐š๐งNi: Aries DoloresAng mundo ng content creation ay puno ng kasikatan, aliw,...
01/10/2025

๐—ข๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—œ๐—ข๐—ก | ๐€๐ง๐  ๐Œ๐š๐ฉ๐š๐ข๐ญ ๐ง๐š ๐–๐š๐ค๐š๐ฌ ๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ค๐š๐ค๐š๐ข๐›๐ข๐ ๐š๐ง
Ni: Aries Dolores

Ang mundo ng content creation ay puno ng kasikatan, aliw, at kung minsan, matinding drama. Ang kaso nina Kevin Cruz, na mas kilala bilang Queen Dura, at Kier Garcia o mas kilalang Fukherat, ay isang mapait na paalala nito. Silang dalawa na dating magkaibigan at tagapagbigay-aliw online ay tuluyan nang winakasan ang kanilang samahan, at ang kanilang hidwaan ay naging isang pampublikong isyu.

Nagsimula ito sa simpleng hindi pagkakaunawaan, at ang bangayan ay mabilis na lumaki at kumalat online. Sa halip na ayusin nang pribado, nauwi ito sa sumbatan at paglalabasan ng baho sa social media. Ito ang nagpalala ng sitwasyon, nagdulot ng sari-saring reaksiyon at komento mula sa mga netizen, at tuluyang sumira sa imahe ng dalawang influencer. Ang pag-aaway na sanaโ€™y madadaan sa usapan ay naging isang patalbugan ng mga lihim at personal na atake.

Ang kuwento nina Queen Dura at Fukherat ay hindi lamang tungkol sa dalawang nag-aaway na content creator; ito ay nag-iiwan ng mahalagang paalala at aral sa lahat. Sa gitna ng mabilis na pagbabago ng modernisadong mundo, kung saan madaling magkaroon ng kaibigan o kakampi, mahalagang maging mapanuri at maingat sa ating pinagkakatiwalaan.

Ang hidwaan na ito ay nagpapakita na hindi lahat ng nakangiti sa iyo o tinuturing mong pamilya sa industriya ay totoo. May mga taong nagbabalatkayo lang. Ang aral dito ay ang katotohanang ang pinakamalaking pinsala ay kadalasang nagmumula sa mga taong binigyan mo ng tiwala at itinuring na malapit. Sila ang nakakaalam ng iyong mga kahinaan at lihim, na siya ring ginagamit laban sa iyo kapag nagkaroon ng gulo.

Magsilbi sana itong babala na mag-ingat sa paglalabas ng personal na impormasyon, lalo na sa mga kasamahan sa paaralan, trabaho, o sa mga taong kakakilala pa lang. Ang tunay na pagkakaibigan ay hindi masisira ng simpleng hindi pagkakaunawaan at hindi magiging pampublikong eksena.

Sa huli, nasa ating mga kamay ang pagpili kung sino ang papayagan nating maging bahagi ng ating buhay. Huwag nating hayaang ang ating mga tinulungan at binuo ay siya ring sisira sa atin.

Maging mapanuri at maging maingat!

Photocredits: Raquel Sabado

๐—ข๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—œ๐—ข๐—ก | ๐‡๐ข๐ฒ๐š๐ฌ ๐ง๐  ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐š๐ฌ: ๐€๐ง๐  ๐“๐š๐ญ๐ฅ๐จ๐ง๐  ๐Œ๐š๐ง๐๐ข๐ซ๐ข๐ ๐ฆ๐š๐ง๐  ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จNi: Aries DoloresAng mga Pilipino ay patuloy na nagtatala...
01/10/2025

๐—ข๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—œ๐—ข๐—ก | ๐‡๐ข๐ฒ๐š๐ฌ ๐ง๐  ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐š๐ฌ: ๐€๐ง๐  ๐“๐š๐ญ๐ฅ๐จ๐ง๐  ๐Œ๐š๐ง๐๐ข๐ซ๐ข๐ ๐ฆ๐š๐ง๐  ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ
Ni: Aries Dolores

Ang mga Pilipino ay patuloy na nagtatala ng gintong pahina sa kasaysayan ng mundo, hindi lamang sa bansa kundi sa ibaโ€™t ibang larangan sa entablado ng daigdig. Ang mga kamakailang tagumpay nina Jessica Sanchez sa Americaโ€™s Got Talent Season 20, Kirk Bondad bilang Mister International 2025, at Veejay Floresca sa Project Runway Season 21 ay hindi lamang simpleng panalo. Ang mga ito ay nagbibigay-diin sa pambihirang tapang, talento, at pusong Pilipino na kumikislap at nagbibigay-inspirasyon sa buong mundo.

Ang bawat isa sa kanila ay nagpapakita ng natatanging kuwento ng katatagan at awtentisidad. Si Jessica Sanchez, ang Americaโ€™s Got Talent Grand Winner, ay naghatid ng isang makabagbag-damdaming kuwento ng pagbabalik. Ang pagkanta niya ng โ€œDie With A Smileโ€ habang siyam na buwang buntis ay hindi lamang isang pagtatanghal kundi pagpapakita ng tapang at determinasyon. Ang kanyang mga luha matapos siyang koronahan ay luha ng pagod at pagsisikap, na nagpapatunay na ang pangarap ay walang pinipiling kalagayan at ang ating lahi ay may talento at pandaigdigang kalidad.

Si Kirk Bondad, na itinanghal bilang Mister International 2025, ay nagpatunay na ang panalo ay hindi lamang tungkol sa kagandahan ng mukha at katawan. Siya ang simbolo ng makisig, maginoo, matalino, at magiting na Pilipino. Dinala niya ang bandila nang may dignidad at pasyon at pinatunayan na ang ating lahi ay may karisma at kabuuang pagkatao na karapat-dapat tularan sa buong mundo.

At si Veejay Floresca, ang World Class Designer, ay nagwagi hindi lamang dahil sa husay niya sa disenyo kundi dahil sa pagiging Proud Trans at Proud Immigrant. Sa kabila ng pagiging โ€œThe Villainessโ€ sa palabas, ipinakita niya na ang pagiging โ€œQueenโ€ ay nararapat sa taong masipag, mapagmahal, at may paninindigan sa kanyang pagkatao. Ang tagumpay niya ay isang liwanag para sa lahat ng nangangarap na makita at tanggapin ang kanilang sarili.

Sa huli, ang mga tagumpay na ito ay higit pa sa personal na karangalan sapagkat ang mga ito ay tagumpay ng buong Pilipinas. Sila ang nagdala ng bandila ng Pilipinas nang may karangalan, pagmamalaki, at pagsinta, at nagbigay ng kislap ng pag-asa na nagpapaalala sa atin na may kakayahan tayong makipagsabayan at maging mahusay sa anumang larangan.

Ang kuwento at tagumpay ay nagbibigay-inspirasyon sa susunod na henerasyon na huwag sumuko, gaano man kahaba ang biyahe. Sila ay hindi lamang nanalo sa isang kumpetisyon, sila rin ay nagtagumpay laban sa pagdududa at nanalo para sa lahat ng mga Pilipinong patuloy na nagtitiyaga upang maabot ang kanilang mga mithiin sa buhay. Tunay na isang karangalan at kaligayahan ang makita ang ating mga kababayan na nagpapakita ng galing at puso sa buong mundo. Nawaโ€™y magpatuloy ang pag-angat ng ating lahi sa ibaโ€™t ibang larangan.

Photocredits: Raquel Sabado, America's Got Talent, Mister International, Mega Magazine

๐™๐™ง๐™ช๐™ฉ๐™๐™›๐™ช๐™ก. Standing firm on facts.๐™๐™ฃ๐™—๐™ž๐™–๐™จ๐™š๐™™. Telling stories with fairness.๐™๐™š๐™ก๐™š๐™ซ๐™–๐™ฃ๐™ฉ. Sharing news that truly matters.On Wo...
28/09/2025

๐™๐™ง๐™ช๐™ฉ๐™๐™›๐™ช๐™ก. Standing firm on facts.
๐™๐™ฃ๐™—๐™ž๐™–๐™จ๐™š๐™™. Telling stories with fairness.
๐™๐™š๐™ก๐™š๐™ซ๐™–๐™ฃ๐™ฉ. Sharing news that truly matters.

On World News Day, the ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—–๐—ฎ๐˜€๐˜๐—น๐—ฒ ๐—ฃ๐˜‚๐—ฏ๐—น๐—ถ๐—ฐ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป joins the world in celebrating journalism that is truthful, unbiased, and relevant.

๐˜—๐˜ข๐˜ณ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ต๐˜ข๐˜ฐ, ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ต๐˜ข๐˜ฐ, ๐˜ข๐˜ต ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜บ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ต๐˜ข๐˜ฐ. ๐˜•๐˜จ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ, ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด, ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜จ๐˜ช.



PubMat by Raquel Sabado

๐—ก๐—˜๐—ช๐—ฆ | ๐’๐š๐ง๐ ๐‚๐š๐ฌ๐ญ๐ฅ๐ž ๐ฅ๐ฎ๐ฆ๐š๐ก๐จ๐ค ๐ฌ๐š ๐Ÿ๐Ÿ”๐ญ๐ก ๐๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐‚๐š๐ฆ๐ฉ๐ฎ๐ฌ ๐Œ๐ž๐๐ข๐š ๐‚๐จ๐ง๐Ÿ๐ž๐ซ๐ž๐ง๐œ๐ž ANGELES CITY, Pampanga โ€” Apat na mag-aaral mula sa I...
27/09/2025

๐—ก๐—˜๐—ช๐—ฆ | ๐’๐š๐ง๐ ๐‚๐š๐ฌ๐ญ๐ฅ๐ž ๐ฅ๐ฎ๐ฆ๐š๐ก๐จ๐ค ๐ฌ๐š ๐Ÿ๐Ÿ”๐ญ๐ก ๐๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐‚๐š๐ฆ๐ฉ๐ฎ๐ฌ ๐Œ๐ž๐๐ข๐š ๐‚๐จ๐ง๐Ÿ๐ž๐ซ๐ž๐ง๐œ๐ž

ANGELES CITY, Pampanga โ€” Apat na mag-aaral mula sa Ilocos Sur Polytechnic State College (ISPSC)-Candon Campus ang lumahok sa 16th National Campus Media Conference at 3rd International Media Research Conference na ginanap noong Setyembre 25โ€“27, 2025. Dinaluhan ito ng 104 paaralan sa buong bansa na binubuo ng humigit-kumulang 1,197 delegado.

Kasama ang kanilang masigasig na tagapayo si G. Ralph Sevilla, sumabak ang mga mag-aaral sa ibaโ€™t ibang patimpalak na pinangunahan ng School Press Advisers Movement (SPAM) Inc. Kabilang sa mga kalahok ang mga sumusunod: Raymon Buseley, Tourism Student (Editorial Writingโ€“English); Aries Dolores, Education Student (Editorial Writingโ€“Filipino); Nickloyd Saulo, Education Student (News Writingโ€“Filipino); Jherald Halos, I.T. Student (Visual Journalism); at Raquel Sabado, Tourism Student (Literally Illustration). Ang mga nasabing mag-aaral ay kabilang sa Sand Castle ang opisyal na pahayagan ng ISPSC-Candon Campus

Nakilahok din sina Dolores, Saulo, at Sabado sa Pautakang Pampahayagan. Ipinakita ng kanilang paglahok ang husay at kakayahan ng mga mag-aaral ng ISPSC sa larangan ng campus journalism.

Ulat ni: Nickloyd Saulo
Mga kredito sa larawan: Raquel Sabado

๐—ก๐—˜๐—ช๐—ฆ ๐—•๐—ฅ๐—œ๐—˜๐—™The Federated Supreme Student Council (FSSC) successfully held a two-day Financial Literacy Awareness Caravan ...
26/09/2025

๐—ก๐—˜๐—ช๐—ฆ ๐—•๐—ฅ๐—œ๐—˜๐—™

The Federated Supreme Student Council (FSSC) successfully held a two-day Financial Literacy Awareness Caravan at ISPSC Main Campus and Candon Campus. The event, which concluded today, September 26, gathered first to third-year students to educate them on proper financial management, budgeting, and the importance of saving and investing early. Ms. Ma. Clara E. Peralta, Business Manager of BPI Candon Branch, served as the speaker, highlighting the program's relevance in preparing students for their financial futures.

News brief by: Dana Mae Marquez
Photocredits: Gabriel Vasquez, Raquel Sabado

๐—ก๐—˜๐—ช๐—ฆ | ๐†๐Œ๐€ ๐€๐ง๐œ๐ก๐จ๐ซ ๐ˆ๐ฏ๐š๐ง ๐Œ๐š๐ฒ๐ซ๐ข๐ง๐š ๐ก๐ž๐š๐๐ฅ๐ข๐ง๐ž๐ฌ ๐๐š๐ญ'๐ฅ ๐Œ๐ž๐๐ข๐š๐‚๐จ๐ง ๐ข๐ง ๐๐š๐ฆ๐ฉ๐š๐ง๐ ๐šGracing the event to inspire 1,133 journalists and sc...
26/09/2025

๐—ก๐—˜๐—ช๐—ฆ | ๐†๐Œ๐€ ๐€๐ง๐œ๐ก๐จ๐ซ ๐ˆ๐ฏ๐š๐ง ๐Œ๐š๐ฒ๐ซ๐ข๐ง๐š ๐ก๐ž๐š๐๐ฅ๐ข๐ง๐ž๐ฌ ๐๐š๐ญ'๐ฅ ๐Œ๐ž๐๐ข๐š๐‚๐จ๐ง ๐ข๐ง ๐๐š๐ฆ๐ฉ๐š๐ง๐ ๐š

Gracing the event to inspire 1,133 journalists and school paper advisers from across the Philippines, GMA anchor Ivan Mayrina served as the keynote speaker at the 16th National Media Conference in Clark, Pampanga, on September 25.

Mayrina reminded the participants of the mantra โ€œDapat Tamaโ€ when it comes to crafting stories, emphasizing the importance of accuracy before publishing and sharing them with the audience.

With the theme โ€œBeyond the Headlines: Empowering Campus Journalists as Catalysts for Truth, Integrity, and Emerging Trends through Ethical Storytelling,โ€ the event was attended by the Sand Castle staff, who are competing in various journalism events from September 25 to 27.

Photocredits: Raquel Sabado, Jherald Jay Halos

๐—ข๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—œ๐—ข๐—ก๐ˆ๐ฌ๐š๐ง๐  ๐‡๐š๐ฆ๐จ๐ง ๐ฌ๐š ๐๐š๐ง๐ ๐ฎ๐ฅ๐จ ษดษช: แด€ส€ษชแด‡๊œฑ แด…แดสŸแดส€แด‡๊œฑSa isang video na kumakalat online, makikita ang TV host at aktor na si V...
25/09/2025

๐—ข๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—œ๐—ข๐—ก

๐ˆ๐ฌ๐š๐ง๐  ๐‡๐š๐ฆ๐จ๐ง ๐ฌ๐š ๐๐š๐ง๐ ๐ฎ๐ฅ๐จ
ษดษช: แด€ส€ษชแด‡๊œฑ แด…แดสŸแดส€แด‡๊œฑ

Sa isang video na kumakalat online, makikita ang TV host at aktor na si Vice Ganda na nagbigay ng isang makapangyarihang mensahe sa isang protesta laban sa korapsyon sa Edsa Shrine.

Direkta niyang hinarap ang isyu ng pagnanakaw sa pamahalaan at sinabing dapat nang matapos ang pagiging pasensyoso ng mga Pilipino.

Bilang isang taxpayer, buong tapang na ibinahagi ni Vice Ganda ang kanyang saloobin. Binigyang-diin niya ang paggamit ng bilyun-bilyong pondo mula sa Department of Public Works and Highways, na dapat sana'y napupunta sa mga serbisyo para sa mamamayan ngunit nalulustay sa katiwalian.

Sa kanyang pitong minutong talumpati, ginamit niya ang mga salitang nagpapakita ng matinding galit at pagkadismaya.

Ang naglalagablab na pahayag ni Vice Ganda ay isang direktang hamon kay Pangulong Bongbong Marcos. Aniya, "Kaya hinahamon ka namin Pangulong Bongbong Marcos, kung gusto mong magkaroon ng magandang legasiya ang pangalan mo, ipakulong mo ang lahat ng magnanakaw."

Ang linyang ito ay hindi lamang isang simpleng panawagan, ito ay isang hamon sa liderato at integridad ng Pangulo.

Ang mensahe ni Vice Ganda ay sumasalamin sa nararamdaman ng maraming Pilipino na pagod na sa sistema ng korapsyon na tila walang katapusan.

Ipinapakita nito na ang tunay na pagbabago ay magsisimula sa pamamagitan ng pagpapanagot sa mga tiwali.

Kung tunay ngang nais ni Pangulong Marcos na mag-iwan ng magandang pamana, kailangan niyang ipakita na seryoso siya sa paglaban sa korapsyon.

Ang pagtugon sa hamon ni Vice Ganda ay isang pagkakataon para sa kanya na patunayan sa mamamayan na ang kanyang pamamahala ay malinis at tapat.

Ang pagpapakulong sa mga magnanakaw sa gobyerno, anuman ang kanilang posisyon o impluwensya, ay magiging isang malaking hakbang para maibalik ang tiwala ng publiko at makamit ang tunay na pagbabago.

Photocredits: Alexa Garcia, Philippine Star

25/09/2025

SPAM 2025
16th National Media Conference and the 3rd International Research Conference on Media and Community Development

๐—œ๐—ก ๐—™๐—ข๐—–๐—จ๐—ฆ | ๐—œ๐—ฆ๐—ฃ๐—ฆ๐—– ๐—–๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ผ๐—ป ๐—ฐ๐—ผ๐—ป๐—ฑ๐˜‚๐—ฐ๐˜๐˜€ ๐—ฆ๐˜‚๐—ถ๐—ฐ๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ฒ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—”๐˜„๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ๐—ป๐—ฒ๐˜€๐˜€ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—บThe Ilocos Sur Polytechnic State College (ISPSC) Ca...
25/09/2025

๐—œ๐—ก ๐—™๐—ข๐—–๐—จ๐—ฆ | ๐—œ๐—ฆ๐—ฃ๐—ฆ๐—– ๐—–๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ผ๐—ป ๐—ฐ๐—ผ๐—ป๐—ฑ๐˜‚๐—ฐ๐˜๐˜€ ๐—ฆ๐˜‚๐—ถ๐—ฐ๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ฒ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—”๐˜„๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ๐—ป๐—ฒ๐˜€๐˜€ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—บ

The Ilocos Sur Polytechnic State College (ISPSC) Candon Campus - Office of the Guidance and Counseling Services held a Su***de Prevention Awareness Program at the campus library, September 25.

Bearing with the theme โ€œCreating Hope Through Action: Su***de Prevention and Crisis Management," the activity aimed to help students become more aware of mental health struggles, encourage open talks about su***de, and lessen the stigma connected to the topic of mental health.

In his opening remarks, Assistant Campus Director Dr. Richard M. Etrata pointed out that now is the time to take action and open conversations regarding mental health problems and reminded everyone that it is important to recognize timely issues and address them appropriately.

Highlighting the essence of the program, โ€œSu***de is not a mental illness, but a serious mental health problem,โ€ said Guidance Counselor and Resource Speaker Mr. Marc Chester N. Dela Rosa. He went on to explain the significance of understanding su***de as a public health concern, outlining preventive measures, and presenting the signs and symptoms that may indicate suicidal thoughts. He urged students to remain responsive to those who may be in distress.

To make the discussion more engaging, Mr. Dela Rosa also prepared a roleplay activity. The students were able to act out real-life situations that showed how to handle su***de-related incidents. This gave participants a better idea of how crisis management should work.

The event ended with good feedback from the attendees, who said that the program was timely and useful. Through this initiative, the Office of the Guidance and Counseling Services and the whole ISPSC Candon Campus community showed their effort in supporting mental health awareness and in taking care of the overall well-being of its students.

Article by Dana Mae Marquez, Von Flores
Photos by Gabriel Vasquez

Address

Darapidap, Candon City, Ilocos Sur

2710

Opening Hours

Monday 09:00 - 17:00
Tuesday 09:00 - 17:00
Wednesday 09:00 - 17:00
Thursday 09:00 - 17:00
Friday 09:00 - 17:00

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sand Castle - ISPSC Candon Campus posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share