20/09/2025
ARAL inilunsad sa VJTNHS
Pormal nang sinimulan ng Victoria J. Tuacar National High School (VJTNHS) ang ARAL Program o Academic Recovery and Accessible Learning nitong Setyembre 18, 2025 upang tugunan ang kakulangan sa pagkatuto ng mga mag-aaral at tiyaking walang maiiwan pagdating sa edukasyon.
Pinangunahan ni Sir Luisito B. Mendez, School Head, ang nasabing aktibidad. Kabilang din dito ang School Reading Coordinator na si Ma'am Ivy V. Recto, Brelix P. Tuacar, SPTA President, at Hon. Jestoni N. Portugal, chairman ng committee on education ng Brgy. Del Pilar.
Ayon sa listahan ng mga datos, mayroong kabuuang bilang na 99 mag-aaral ang kabilang sa ARAL Program.
Magsisilbi namang bilang ARAL tutors ang mga teaching at non-teaching staff ng VJTNHS na sina Sir Billy M. Juego, Sir Giovanni D. Sacriz, Ma'am Jolly A. Talento, Ma'am Bethuel S. De Luna, Ma'am Marikit D. Ebona, Ma'am Rea Richelle V. Alto, Sir Robin M. Padilla, Sir Jake H. San Diego, at maging ang school head na si Sir Mendez.
"Sa mga mag-aaral, tandaan ninyo - ang programang ito ay para sa inyo. Kaya pagsikapan ninyo, tulungan ninyo ang inyong mga sarili." paalala ni Ma'am Alto.
Pahayag naman ng isang mag-aaral na kabilang sa ARAL "Mahiyain ako at mabagal matuto sa mga aralin, kaya sana ang programang ito ang maging simula saaking pagkatuto".
Ang pagpapatupad ng programa ay nakabatay sa Republic Act No. 12028 o ARAL Program Act, na layong magbigay ng interbensiyon sa mga mag-aaral mula Kindergarten hanggang Grade 10, lalo na sa reading, mathematics, at science.
✍️ Kimberly A. Estorninos
📸 Jhon Reynan M. Dar