31/05/2026
NEWS UPDATE: Halos pitong oras ang binuno ng mga rescuers sa pag-retrieve ng katawan ng tao na nahanap sa gumuhong gusali sa Barangay Balibago, Angeles City, Pampanga.
Ayon sa Unified Command System pasado alas-2 ng hapon na-locate ang katawan at pasado alas-10 ngayong gabi ng May 31
na-retrieve ito — sa ngayon sumampa na sa 11 ang kumpirmadong nasawi sa pagguho.
Patuloy pa rin ang isinasagawang search, rescue at retrieval operation ng mga awtoridad sa ground zero. | via Christian Zamora, CLMC NEWS
Courtesy: BFP R3