26/09/2025
"๐๐ซ๐จ๐ฎ๐ ๐ญ๐จ ๐๐ ๐๐ข๐ง๐จ๐ฒ: ๐๐๐ญ๐ฅ๐จ๐ง๐ ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ, ๐๐๐ญ๐ฅ๐จ๐ง๐ ๐๐๐ง๐๐ฅ๐จ, ๐๐ข๐ฌ๐๐ง๐ ๐๐๐ฒ๐๐ง"
Ipinag mamalaki namin kayo! Hindi lamang ng Pilipinas, kundi ng buong mundo. Dahil sa tatlong Pilipino na sina
Jessica Sanchez, Kirk Bondad at Veejay Floresca. Na nag pamalas ng kanikanilang galing, sipag, at tiyaga. Na sa loob lamang ng 24 na Oras, ay sabay sabay nilang naiuwi ang dangal at panalo ng Pilipinas. Hindi lamang ito simpleng panalo bagkus, sumimbolo ito ng ilang taong pagsusumikap.
Si Jessica Sanchez, ay unang nakilala sa American's Got Talent at pinalad na makasama sa semi finals, ngunit sa kasamaang palad ay hindi siya nag wagi.
At sa American idol season 11 naman ay nakamit niya ang titulong 1st runner up. Mahabang panahon rin ng mawala ang kanyang pangalan sa entablado at sinimulang pagdudahan ang kanyang Sarili. Ngunit sa kabila ng lahat, ngayong 2025 ay muli siyang nag balik sa American's Got Talent season 20 at itinanghal na champion.
Samantala si Kirk Bondad, Bago niya nakuha ang titulong Mr. International 2025, ay marami na rin siyang dinaanang bundok ng pagsubok. Tulad na lamang ng Mr. World na ginanap sa Vietnam noong 2024. Bagkus ay pinalad siyang makapasok sa Top 20, samantala ay hindi niya pagtagumpayan makuha ang titulo nito. Ngunit imbis na sumuko, ay ginamit niya ang kanyang karanasang ito para masungkit ang titulo ng Mr. International 2025.
Habang si Veejay Floresca, naman ay isang fashion designer, na noong Project Runway Philippines Season 1 ay sumubok at nakapasok sa 3rd place. Habang noong Miss Trans International 2022 ay pinalad siya na makapasok sa top 16. Ngunit hindi niya nasungkit ang titlo. Pagkatapos nito ay dumaan siya sa napakaraming diskriminasyon ng mga tao. At ngayong 2025 na Project Runway Season 21 ay tuluyan na nga niyang pinatunayan ang galing ng isang Pilipino at itinanghal na Project Runway Season 21 winner.
Ang tatlong kwento ng pagsasumikap na rin lang na ito ang sumisimbolo na: Ang tagumpay ay hindi lamang nakakamit sa isang kisap mata, na sa bawat pagkatalo, pagluha, o pagkadismaya ay madalas doon tayo nahuhubog at nabubuo habang nilalaan ang ating sarili sa tamang panahon
๐๐๐ฉ๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐ฒ:
Cyrelle Lorainne Calderon | Feature Writer
๐๐๐ฒ๐จ๐ฎ๐ญ ๐๐ฒ:
Bea Lasquite | Editor in Chief
Karl James Payumo | Sports Editor