31/08/2025
๐๐๐ ๐๐ข๐ซ๐ข๐ฐ๐๐ง๐ ๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฐ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ข๐ค๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐: ๐๐๐ ๐ข๐ฌ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐ข๐ง๐จ, ๐๐๐ฅ๐๐ฌ, ๐๐ญ ๐๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ฎ๐ซ๐
Matagumpay na ginanap noong Agosto 29, 2025 ang selebrasyon ng Buwan ng Wika na inorganisa ng Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino (KAMFIL). Isa itong makabuluhang okasyon na naglalayong higit pang paigtingin ang pagmamahal at pagpapahalaga sa wikang Filipino at kulturang Pilipino. Pinangunahan ang programa ni Bb. Dessire Clanza, ang pangulo ng KAMFIL at Bb. Aira Azoro, bilang guro-tagapayo, na nagbigay ng pambungad na pananalita at nagbigay-inspirasyon sa mga kalahok.
Sa tema ngayong taon, "Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa", layunin ng pagdiriwang na hindi lamang mapalaganap ang kasaysayan ng wika, kundi mapagtibay ang pagkakaisa ng bansa sa pamamagitan ng pagpapahalaga sa ating kultura at wika. Sa pangunguna ng KAMFIL, nagkaroon ng iba't ibang paligsahan na nagpakita ng husay at galing ng mga estudyante mula sa iba't ibang kurso.
๐ง๐ฎ๐น๐ฎ๐๐๐ถ๐ธ๐ฎ: ๐ง๐ฎ๐ด๐ถ๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ง๐ฎ๐น๐ถ๐ป๐ผ ๐ง
Sa paligsahan ng Talaswika, ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang talino sa paggamit ng wikang Filipino. Naitala ang mga sumusunod na nagwagi:
๐ฅIkatlong gantimpala: College of Arts, Sciences, and Education (CASE)
๐ฅIkalawang gantimpala: College of Business, Management, and Accountancy (CBMA)
๐ฅKampeon: College of Engineering and Technology (CET)
๐๐๐ด๐๐ผ๐ป๐ด ๐๐๐ด๐๐ผ๐ป๐ด๐ฎ๐ป ๐ค
Isang paligsahan ng talas ng isipan sa bugtong, na naging masayang bahagi ng programa. Narito ang mga nagwagi:
๐ฅIkatlong gantimpala: College of Maritime Education (CME)
๐ฅIkalawang gantimpala: College of Business, Management, and Accountancy (CBMA)
๐ฅKampeon: College of Arts, Sciences, and Education (CASE)
๐ฆ๐ฝ๐ผ๐ธ๐ฒ๐ป ๐ช๐ผ๐ฟ๐ฑ ๐ฃ๐ผ๐ฒ๐๐ฟ๐ ๐ฃ๏ธ
Nagpakitang-gilas ang mga kalahok sa sining ng tula sa pamamagitan ng spoken word poetry. Ang mga nanalo ay:
๐ฅIkatlong gantimpala: College of Hospitality and Tourism Management (CHTM)
๐ฅIkalawang gantimpala: College of Arts, Sciences, and Education (CASE)
๐ฅKampeon: College of Business, Management, and Accountancy (CBMA)
๐ข๐ฃ๐ ๐ฆ๐ถ๐ป๐ด๐ถ๐ป๐ด ๐๐ผ๐ป๐๐ฒ๐๐ ๐๏ธ
Sa paligsahan ng OPM, ipinakita ng mga estudyante ang galing sa pagkanta ng mga awitin sa wikang Filipino. Narito ang mga nagwagi:
๐ฅIkatlong gantimpala: College of Business, Management, and Accountancy (CBMA)
๐ฅIkalawang gantimpala: College of Engineering and Technology (CET)
๐ฅKampeon: College of Hospitality and Tourism Management (CHTM)
Kabilang sa mga paligsahan ang ๐๐ฎ๐ฟ๐ผ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ต๐ถ na nagdulot ng saya at aliw, pati na rin ang mga tradisyunal na larong nag-ugat sa kulturang Pilipino.
Ang selebrasyon ng Buwan ng Wika ay isang patunay ng pagpapahalaga ng mga estudyante sa sariling wika at kultura. Hindi lamang ito naging pagkakataon para sa kompetisyon kundi isang sandali rin ng pagkakaisa at pagdiriwang ng pagiging Pilipino. Sa pamamagitan ng mga paligsahang ito, naipakita ng mga estudyante ang kanilang paggalang at pagmamahal sa ating wika at katutubong kultura. Hanggang sa susunod na taon, patuloy na maglilingkod ang mga organisasyon tulad ng KAMFIL upang palaganapin ang pagmamahal sa wikang Filipino at pagtangkilik sa ating mga katutubong wika.
Mga salita ni Crizia Mae Carbajosa
Mga larawang kuha nina Ein Sanguillosa at Bianca Gloria