An Krus

An Krus The Official Student Media Organization of Holy Cross College of Carigara, Incorporated ✒️

Narito na ang sagot para sa ikalawang trivia ngayong linggo.𝐥𝐚𝐲𝐨𝐮𝐭 𝐧𝐢 𝐀𝐥𝐞𝐣𝐚𝐧𝐝𝐫𝐨 𝐎𝐫𝐭𝐮𝐥𝐚 | 𝐋𝐚𝐲𝐨𝐮𝐭 𝐀𝐫𝐭𝐢𝐬𝐭
11/08/2026

Narito na ang sagot para sa ikalawang trivia ngayong linggo.

𝐥𝐚𝐲𝐨𝐮𝐭 𝐧𝐢 𝐀𝐥𝐞𝐣𝐚𝐧𝐝𝐫𝐨 𝐎𝐫𝐭𝐮𝐥𝐚 | 𝐋𝐚𝐲𝐨𝐮𝐭 𝐀𝐫𝐭𝐢𝐬𝐭

When a community comes together to remember Marawi, solidarity becomes more than a word—it becomes a call to prayer, sup...
10/08/2026

When a community comes together to remember Marawi, solidarity becomes more than a word—it becomes a call to prayer, support, and hope. Bro. Rico Ivan Bugal reminds us why the people of Marawi should never be forgotten and why keeping their story alive remains a shared responsibility.

Read more in the comment section.

Holy Crossians, narito na ang pangalawang tanong para sa ating trivia ngayong Linggo, bilang pagpapatuloy sa pagdiriwang...
10/08/2026

Holy Crossians, narito na ang pangalawang tanong para sa ating trivia ngayong Linggo, bilang pagpapatuloy sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika! Handa na ba kayong muling subukin ang inyong kaalaman? 👀

𝐢𝐬𝐢𝐧𝐮𝐥𝐚𝐭 𝐧𝐢 𝐏𝐞𝐭𝐞𝐫 𝐀𝐦𝐚𝐫𝐚𝐧𝐭𝐞 | 𝐖𝐫𝐢𝐭𝐞𝐫
𝐥𝐚𝐲𝐨𝐮𝐭 𝐧𝐢 𝐀𝐥𝐞𝐣𝐚𝐧𝐝𝐫𝐨 𝐎𝐫𝐭𝐮𝐥𝐚 | 𝐋𝐚𝐲𝐨𝐮𝐭 𝐀𝐫𝐭𝐢𝐬𝐭

𝐌𝐆𝐀 𝐋𝐀𝐑𝐀𝐖𝐀𝐍 | Naganap sa Holy Cross College of Carigara, Incorporated (HCCCI) ang Parenting Skills Enhancement Series (P...
09/08/2026

𝐌𝐆𝐀 𝐋𝐀𝐑𝐀𝐖𝐀𝐍 | Naganap sa Holy Cross College of Carigara, Incorporated (HCCCI) ang Parenting Skills Enhancement Series (PASES) Orientation noong ika-8 ng Agosto, 2026. Dinaluhan ito ng mga magulang na naglalayong mapalawak ang kanilang kaalaman at kasanayan sa tamang paghubog sa kanilang mga anak upang mapaigting ang ugnayan ng pamilya at mapabuti ang kinabukasan ng mga ito.

𝐢𝐬𝐢𝐧𝐮𝐥𝐚𝐭 𝐧𝐢 𝐂𝐥𝐢𝐯𝐞 𝐂𝐚𝐛𝐚𝐥𝐥𝐞𝐬 | 𝐖𝐫𝐢𝐭𝐞𝐫
𝐤𝐮𝐡𝐚 𝐧𝐢 𝐉𝐨𝐧𝐚 𝐂𝐥𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭𝐞 𝐚𝐭 𝐒𝐡𝐞𝐫𝐦𝐚𝐧 𝐄𝐥𝐥𝐚𝐬𝐨 | 𝐏𝐡𝐨𝐭𝐨𝐣𝐨𝐮𝐫𝐧𝐚𝐥𝐢𝐬𝐭𝐬

𝐌𝐆𝐀 𝐋𝐀𝐑𝐀𝐖𝐀𝐍 | Aktibong nakiisa ang mga mag-aaral ng Senior High School ng Holy Cross College of Carigara, Incorporated (...
09/08/2026

𝐌𝐆𝐀 𝐋𝐀𝐑𝐀𝐖𝐀𝐍 | Aktibong nakiisa ang mga mag-aaral ng Senior High School ng Holy Cross College of Carigara, Incorporated (HCCCI) sa prusisyon ni St. Mary noong ika-6 ng Agosto, 2026, Huwebes, bilang bahagi ng "Caravan for Peace and Solidarity: Padayon Prelatura sa Marawi." Layunin nitong ipakita ang suporta at pakikiisa sa pagpapalaganap ng kamalayan para sa mga inuusig na Kristiyano at sa muling pagtatayo ng Prelatura ni St. Mary sa Marawi.

𝐢𝐬𝐢𝐧𝐮𝐥𝐚𝐭 𝐧𝐢 𝐏𝐞𝐭𝐞𝐫 𝐀𝐦𝐚𝐫𝐚𝐧𝐭𝐞 | 𝐖𝐫𝐢𝐭𝐞𝐫
𝐤𝐮𝐡𝐚 𝐧𝐢 𝐄𝐮𝐧𝐨 𝐌𝐚𝐜𝐞𝐝𝐚 𝐚𝐭 𝐂𝐡𝐫𝐢𝐬𝐡𝐢𝐞𝐥 𝐍𝐢𝐞𝐫𝐯𝐞𝐬 | 𝐏𝐡𝐨𝐭𝐨𝐣𝐨𝐮𝐫𝐧𝐚𝐥𝐢𝐬𝐭𝐬

𝐍𝐀𝐆𝐀𝐆𝐀𝐍𝐀𝐏 𝐍𝐆𝐀𝐘𝐎𝐍 | Idinaraos ngayon, ika-8 ng Agosto 2026, sa Holy Cross College of Carigara, Incorporated ang Parenting...
08/08/2026

𝐍𝐀𝐆𝐀𝐆𝐀𝐍𝐀𝐏 𝐍𝐆𝐀𝐘𝐎𝐍 | Idinaraos ngayon, ika-8 ng Agosto 2026, sa Holy Cross College of Carigara, Incorporated ang Parenting Skills Enhancement Series upang mabigyan ang mga magulang nang praktikal na kaalaman, pagpapahalaga, at suporta sa pagpapalaki ng mga anak na responsable, may tiwala sa sarili, at may matibay na pananampalataya.

𝐢𝐬𝐢𝐧𝐮𝐥𝐚𝐭 𝐧𝐢 𝐂𝐥𝐢𝐯𝐞 𝐂𝐚𝐛𝐚𝐥𝐥𝐞𝐬 | 𝐖𝐫𝐢𝐭𝐞𝐫
𝐤𝐮𝐡𝐚 𝐧𝐢 𝐄𝐮𝐧𝐨 𝐌𝐚𝐜𝐞𝐝𝐚 | 𝐏𝐡𝐨𝐭𝐨𝐣𝐨𝐮𝐫𝐧𝐚𝐥𝐢𝐬𝐭

𝐌𝐆𝐀 𝐋𝐀𝐑𝐀𝐖𝐀𝐍 | Ginanap ang isang Eucharistic Mass sa covered court ng Holy Cross College of Carigara, Incorporated (HCCCI...
06/08/2026

𝐌𝐆𝐀 𝐋𝐀𝐑𝐀𝐖𝐀𝐍 | Ginanap ang isang Eucharistic Mass sa covered court ng Holy Cross College of Carigara, Incorporated (HCCCI) noong ika-5 ng Agosto, 2026, Miyerkules nang hapon. Layunin ng banal na misa ang sama-samang pananalangin at paghingi ng gabay sa Diyos para sa kapayapaan sa Marawi, kaugnay ng Aid to the Church in Need Caravan for Peace and Solidarity: Padayon Prelatura sa Marawi, at bilang pagdiriwang ng unang Miyerkules ng Agosto.

𝐢𝐬𝐢𝐧𝐮𝐥𝐚𝐭 𝐧𝐢 𝐆𝐞𝐥𝐢𝐚𝐧 𝐇𝐚𝐧𝐨𝐩𝐨𝐥 | 𝐖𝐫𝐢𝐭𝐞𝐫
𝐤𝐮𝐡𝐚 𝐧𝐢 𝐀𝐭𝐡𝐚𝐧 𝐌𝐢𝐬𝐚𝐠𝐚𝐥 𝐚𝐭 𝐒𝐡𝐞𝐫𝐦𝐚𝐧 𝐄𝐥𝐥𝐚𝐬𝐨 | 𝐏𝐡𝐨𝐭𝐨𝐣𝐨𝐮𝐫𝐧𝐚𝐥𝐢𝐬𝐭𝐬

𝐌𝐆𝐀 𝐋𝐀𝐑𝐀𝐖𝐀𝐍 | Idinaos ng Holy Cross College of Carigara, Incorporated (HCCCI), katuwang ang Aid to the Church in Need Ph...
06/08/2026

𝐌𝐆𝐀 𝐋𝐀𝐑𝐀𝐖𝐀𝐍 | Idinaos ng Holy Cross College of Carigara, Incorporated (HCCCI), katuwang ang Aid to the Church in Need Philippines (ACN Philippines), ang “Caravan for Peace and Solidarity: Padayon Prelatura sa Marawi” noong ika-5 ng Agosto, 2026. Tampok sa programa ang Vigil Prayers, talakayan, Community Rosaries, at Banal na Misa upang palawakin ang kamalayan sa kalagayan ng mga Kristiyanong inuusig at suportahan ang muling pagtatayo ng Prelature of St. Mary sa Marawi sa pamamagitan nang pananalangin ng pondo.

𝐢𝐬𝐢𝐧𝐮𝐥𝐚𝐭 𝐧𝐢 𝐏𝐞𝐭𝐞𝐫 𝐀𝐦𝐚𝐫𝐚𝐧𝐭𝐞 | 𝐖𝐫𝐢𝐭𝐞𝐫
𝐤𝐮𝐡𝐚 𝐧𝐢 𝐄𝐮𝐧𝐨 𝐌𝐚𝐜𝐞𝐝𝐚 𝐚𝐭 𝐙𝐞𝐲𝐚𝐝 𝐄𝐬𝐜𝐚𝐧𝐝𝐚𝐫 | 𝐏𝐡𝐨𝐭𝐨𝐣𝐨𝐮𝐫𝐧𝐚𝐥𝐢𝐬𝐭𝐬

𝑷𝑨𝑫𝑨𝒀𝑶𝑵 𝑷𝑹𝑬𝑳𝑨𝑻𝑼𝑹𝑨 𝑺𝑨 𝑴𝑨𝑹𝑨𝑾𝑰Holy Crossians! Inaanyayahan tayo ng Aid to the Church in Need Philippines (ACN Philippines) ...
06/08/2026

𝑷𝑨𝑫𝑨𝒀𝑶𝑵 𝑷𝑹𝑬𝑳𝑨𝑻𝑼𝑹𝑨 𝑺𝑨 𝑴𝑨𝑹𝑨𝑾𝑰

Holy Crossians! Inaanyayahan tayo ng Aid to the Church in Need Philippines (ACN Philippines) na makiisa sa kanilang programa na naglalayong palawakin ang kamalayan hinggil sa kalagayan ng mga Kristiyanong dumaranas ng pag-uusig at isulong ang pagkakaisa sa pamamagitan nang pagkalap ng pondo para sa pagpapatayo ng Pro-Katedral ng Marawi. Makialam, magbigay-alam, at makiisa sa makabuluhang programang ito upang matulungan natin ang ating mga kapwa Kristiyano sa Marawi.

https://acn-philippines.org

𝐢𝐬𝐢𝐧𝐮𝐥𝐚𝐭 𝐧𝐢 𝐏𝐞𝐭𝐞𝐫 𝐀𝐦𝐚𝐫𝐚𝐧𝐭𝐞 | 𝐖𝐫𝐢𝐭𝐞𝐫
𝐥𝐚𝐲𝐨𝐮𝐭 𝐧𝐢 𝐀𝐥𝐞𝐣𝐚𝐧𝐝𝐫𝐨 𝐎𝐫𝐭𝐮𝐥𝐚 | 𝐋𝐚𝐲𝐨𝐮𝐭 𝐀𝐫𝐭𝐢𝐬𝐭

𝐍𝐀𝐆𝐀𝐆𝐀𝐍𝐀𝐏 𝐍𝐆𝐀𝐘𝐎𝐍 | Isinasagawa ngayon ng Baitang 8 ang kanilang Recollection Activity ngayong ika-5 ng Agosto, 2026, sa ...
05/08/2026

𝐍𝐀𝐆𝐀𝐆𝐀𝐍𝐀𝐏 𝐍𝐆𝐀𝐘𝐎𝐍 | Isinasagawa ngayon ng Baitang 8 ang kanilang Recollection Activity ngayong ika-5 ng Agosto, 2026, sa Holy Cross College of Carigara, Incorporated (HCCCI) AVR. Layunin ng gawaing ito na maglaan ng natatanging panahon para sa espirituwal na pag-unlad, pagmumuni-muni, at panibagong sigla sa pananampalataya. Isa rin itong pagkakataon upang pansamantalang huminto sa araw-araw na gawain at makinig sa Diyos sa pamamagitan nang pananalangin, katahimikan, pagbabahaginan, at iba’t ibang gawain.

𝐢𝐬𝐢𝐧𝐮𝐥𝐚𝐭 𝐧𝐢 𝐏𝐞𝐭𝐞𝐫 𝐀𝐦𝐚𝐫𝐚𝐧𝐭𝐞 | 𝐖𝐫𝐢𝐭𝐞𝐫
𝐤𝐮𝐡𝐚 𝐧𝐢 𝐄𝐮𝐧𝐨 𝐌𝐚𝐜𝐞𝐝𝐚 | 𝐏𝐡𝐨𝐭𝐨𝐣𝐨𝐮𝐫𝐧𝐚𝐥𝐢𝐬𝐭

Address

Ponong
Carigara
6529

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when An Krus posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to An Krus:

Shortcuts

Share