
26/08/2025
Mag katabang nalang ta drea sa saudi maox pag sweldo sa maistra sa pinas
REAL TALK MUNA TAYO! β
HINDI KA AASENSO SA PILIPINAS!
1 year in Nursery
2 years in Kindergarten
6 years in Elementary
4 years in Junior High School
2 years in Senior High School
4 to 5 years in College (depending on the course)
Salary: β±500 a day, must be βpresentable,β with endless requirements.
And if you have no backer? No chance.
Welcome to the Philippines, where education is long, expensive and dreams are cheap.
Alam mo yung pakiramdam na halos kalahati ng buhay mo nasa school ka, tapos pag graduate mo hindi pa rin sapat ang sahod? Ang sakit isipin na hindi sapat ang effort at gastos ng pamilya para makuha lang yung pinapangarap mong magandang buhay. Kaya minsan naiisip ng iba, worth it pa ba?
Ang masakit pa, kahit gaano ka kagaling, kung wala kang kilala o koneksyon, hirap ka makahanap ng trabaho. Hindi laging skills ang laban dito kundi βsinoβ ang kakilala mo. Kaya maraming Pilipino napipilitang mangibang bansa para lang maabot yung pangarap nila.
Pero kahit ganito ang sistema, saludo pa rin ako sa mga patuloy na lumalaban. Yung mga estudyanteng nagsusunog ng kilay, at mga magulang na halos mag sacrifice ng lahat para makapagtapos ang anak. Dahil para sa atin, education pa rin ang puhunan kahit gaano kahirap.
Nakaka frustrate man pero totoo, maraming matatalino at skilled na Pilipino ang hindi nabibigyan ng chance dito sa sariling bansa. Sayang ang talento kasi madalas hindi natutumbasan ng sapat na oportunidad. Ang ending, brain drain, umaalis ang magagaling para pahalagahan sa ibang bansa.
Kaya sana dumating yung panahon na dito mismo sa Pilipinas sulit ang pinaghirapan ng bawat estudyante. Yung tipong hindi mo na kailangang iwan ang pamilya para umasenso. Dahil lahat tayo deserve ng buhay na maayos at sweldo na sapat para sa pangarap natin.
Mommy Micai Grace