Castillejos News

Castillejos News Delivering News That Is Reliable, Significant, and Timely. News that connect us all. CASTILLEJOS NEWS
—Stay informed, News That Matters.

We're committed to delivering accurate, balanced, and timely news from the Town of Castillejos and beyond.

ZAMBALES NAKA-ORANGE WARNING DAHIL SA HABAGAT; PAGBAHA, NAGBABANTAZAMBALES — Patuloy na nakararanas ng malalakas na pag-...
27/08/2026

ZAMBALES NAKA-ORANGE WARNING DAHIL SA HABAGAT; PAGBAHA, NAGBABANTA

ZAMBALES — Patuloy na nakararanas ng malalakas na pag-ulan ang malaking bahagi ng kanlurang Luzon dahil sa pinalakas na Southwest Monsoon o Habagat, habang mino-monitor din ang isang Low Pressure Area (LPA) na maaaring maging tropical depression.

Ayon sa PAGASA, ORANGE WARNING LEVEL ang Zambales ngayong 5:00 AM, Agosto 28, 2026, kasama ang Tarlac, Bataan, Pampanga at ilang bahagi ng Bulacan. Nakasaad sa rainfall warning na nagbabanta ang pagbaha sa mga apektadong lugar.

Patuloy ding nakararanas ng monsoon rains ang Zambales at Bataan, na maaaring magdulot ng flash floods at landslides, lalo na sa mga lugar na mababa, malapit sa ilog at nasa bulubunduking bahagi.

⚠️ MATAAS ANG PANGANIB SA ZAMBALES

Dahil basa na ang lupa mula sa mga nagdaang pag-ulan, maaaring mabilis na tumaas ang tubig sa mga ilog at sapa at magkaroon ng biglaang pagbaha o pagguho ng lupa.

📌 Paalala sa mga residente:
• Iwasang tumawid o dumaan sa mga binahang kalsada.
• Mag-ingat sa mga lugar na madaling bahain at landslide-prone.
• Ihanda ang mahahalagang gamit at dokumento sakaling kailanganing lumikas.
• Patuloy na subaybayan ang mga abiso ng PAGASA at lokal na DRRM offices.

Mananatiling mataas ang banta ng malakas na ulan sa Zambales habang nagpapatuloy ang Habagat.

Mag-ingat, Zambales! Huwag hintaying tumaas ang tubig bago kumilos.

WALANG PASOK SA ZAMBALES!Agosto 28, 2026 | BiyernesDahil sa epekto ng Habagat, suspendido ang klase o ipinatupad ang alt...
27/08/2026

WALANG PASOK SA ZAMBALES!
Agosto 28, 2026 | Biyernes

Dahil sa epekto ng Habagat, suspendido ang klase o ipinatupad ang alternative learning modalities sa ilang lugar sa Zambales.

Apektadong lugar:
Palauig • Subic • Olongapo • San Felipe • Cabangan • Iba • Masinloc • Candelaria • Castillejos • San Antonio • San Narciso • Sta. Cruz • San Marcelino • Botolan

Manatiling ligtas at alerto, Zambales!

27/08/2026

🌧️ ZAMBALES WEATHER UPDATE | AGOSTO 28, 2026

⚠️ MAULAN AT POSIBLENG MATINDING PAG-ULAN SA ZAMBALES

Ayon sa DOST-PAGASA Public Weather Forecast, makararanas ang Zambales ng monsoon rains ngayong Biyernes dahil sa Southwest Monsoon o Habagat.

Zambales at Bataan
• Monsoon rains
• Posibilidad ng heavy to intense rains
• Posibleng flash floods at landslides

🟠 ORANGE WARNING LEVEL ang Zambales ngayong 5:00 AM, kung saan nagbabanta ang pagbaha ayon sa PAGASA.

📌 Pinapayuhan ang mga residente, lalo na ang mga nasa mababang lugar, tabing-ilog at landslide-prone areas, na manatiling alerto at patuloy na subaybayan ang mga susunod na weather at rainfall warnings.

Weather Specialist: Obet Badrina
Issued: 5:00 AM | August 28, 2026

Source: DOST-PAGASA

KAPISTAHAN NI APO SAN AGUSTIN 2026CASTILLEJOS, ZAMBALES — Kapistahan ni Apo San Agustin ngayong Agosto 28, 2026 (Biyerne...
27/08/2026

KAPISTAHAN NI APO SAN AGUSTIN 2026

CASTILLEJOS, ZAMBALES — Kapistahan ni Apo San Agustin ngayong Agosto 28, 2026 (Biyernes), bilang bahagi ng pagdiriwang, isasagawa ngayong araw ang banal na misa

• Misa Concelebrada — 8:00 AM
• Maringal na Prusisyon — 6:00 PM

Inaanyayahan ang lahat sa banal sa paggunita kay Apo San Agustin, ang minamahal na patron at huwaran ng pananampalataya.

Sa pamamagitan ng panalangin, Banal na Misa at prusisyon, sama-sama nating ipahayag ang ating pananampalataya at pasasalamat sa Diyos.

VIVA, APO SAN AGUSTIN! 🙏

MALIGAYANG KAPISTAHAN,APO SAN AGUSTIN!HAPPY FIESTA! Barangay San Agustin, Castillejos, Zambales!Sa araw na ito, sama-sam...
27/08/2026

MALIGAYANG KAPISTAHAN,
APO SAN AGUSTIN!

HAPPY FIESTA!
Barangay San Agustin, Castillejos, Zambales!

Sa araw na ito, sama-sama nating ipagdiwang ang kapistahan ng ating minamahal na patron, Apo San Agustin—isang huwaran ng pananampalataya, pagbabalik-loob at pagmamahal sa Diyos.

Nawa’y maging inspirasyon sa bawat isa ang kanyang buhay upang patuloy tayong mamuhay nang may pananampalataya, kabutihan, pagkakaisa at pagmamahalan.

Sa bawat tahanan at pamilyang nagdiriwang, nawa’y pagpalain tayo ng Panginoon at patuloy na gabayan sa bawat hakbang ng ating buhay.

VIVA APO SAN AGUSTIN!
MALIGAYANG KAPISTAHAN,
BARANGAY SAN AGUSTIN!
INABRAW FESTIVAL 2026

Pagbati mula sa Castillejos News Team.




🚨 CASTILLEJOS MPS, NAGSAGAWA NG BARANGAY VISITATION AT COORDINATIONCASTILLEJOS, ZAMBALES — Nagsagawa ng barangay visitat...
27/08/2026

🚨 CASTILLEJOS MPS, NAGSAGAWA NG BARANGAY VISITATION AT COORDINATION

CASTILLEJOS, ZAMBALES — Nagsagawa ng barangay visitation at coordination ang mga tauhan ng Castillejos Municipal Police Station (MPS) ngayon Biyernes alas-12:00 ng madaling-araw nitong Agosto 28, 2026, bilang bahagi ng PNP JBM Program sa bayan.

Pinangunahan ang aktibidad sa ilalim ng pangangasiwa ni PMAJ Michael Ranay Udal, Chief of Police ng Castillejos MPS.

Layunin ng naturang aktibidad na palakasin ang koordinasyon sa pagitan ng kapulisan at mga opisyal ng barangay para sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, public safety, at seguridad sa mga komunidad.

Nakipag-ugnayan ang mga pulis sa mga Barangay Officials at BPSO upang talakayin ang mga usaping pangkapayapaan at seguridad, gayundin ang kahalagahan ng agarang pag-uulat sa mga kahina-hinalang indibidwal, insidente at posibleng kriminal na aktibidad.

Hinikayat din ang aktibong pakikilahok ng mga residente sa crime prevention at iba pang peace and order initiatives.

Ayon sa Castillejos MPS, bahagi ito ng patuloy na pagsisikap ng kapulisan na palakasin ang police-community partnership at mapanatili ang isang mapayapa, maayos at ligtas na Castillejos.

☎️ Sa oras ng emergency, tumawag sa 911
o kaya'y sa Castillejos MPS Hotline Number 0998.598.5504

RETABLO MAYOR NG PAROKYA NI SAN AGUSTIN, PORMAL NANG NAGAYAK PARA SA KAPISTAHANPormal nang nagayakan ang Retablo Mayor n...
27/08/2026

RETABLO MAYOR NG PAROKYA NI SAN AGUSTIN, PORMAL NANG NAGAYAK PARA SA KAPISTAHAN

Pormal nang nagayakan ang Retablo Mayor ng Parokya ni San Agustin ngayon araw ng kapistahan ni Apo San Agustin.

Kapansin-pansin ang maayos at makulay na dekorasyon sa dambana, bilang bahagi ng paghahanda ng parokya para sa pagdiriwang na ng kapistahan ngayon araw.

VIVA, APO SAN AGUSTIN!

WEATHER NEWS /// ZAMBALES: YELLOW RAINFALL WARNINGAs of 2:00 AM, August 28, 2026 (Friday)Nakataas ang YELLOW WARNING LEV...
27/08/2026

WEATHER NEWS ///
ZAMBALES: YELLOW RAINFALL WARNING
As of 2:00 AM, August 28, 2026 (Friday)

Nakataas ang YELLOW WARNING LEVEL sa Zambales dahil sa pinalalakas na pag-ulan dulot ng Southwest Monsoon (Habagat).

Manatiling alerto, Zambales!
Huwag balewalain ang mga abiso ng PAGASA at mga lokal na awtoridad.

Castillejos News

  | August 28 2026 Suspendido ang lahat ng antas ng klase pribado at pampublikong paaralan sa Bayan ng Castillejos ngayo...
27/08/2026

| August 28 2026

Suspendido ang lahat ng antas ng klase pribado at pampublikong paaralan sa Bayan ng Castillejos ngayong Friday, August 28, 2026 dahil sa patuloy na epekto ng Habagat.

Pinapayuhan ang lahat na manatiling alerto at sundin ang mga abiso ng inyong lokal na pamahalaan at ng PAGASA, lalo na sa mga lugar na maaaring makaranas ng pagbaha at iba pang panganib dulot ng tuloy-tuloy na pag-ulan.

Patuloy na subaybayan ang CASTILLEJOS NEWS para sa mga pinakabagong balita, weather updates, at mahahalagang anunsyo.

ANIM PATAY, TATLO NAWAWALA SA PAGLUBOG NG BANGKA SA MAPANUEPE LAKESAN MARCELINO, ZAMBALES — Anim ang nasawi habang tatlo...
27/08/2026

ANIM PATAY, TATLO NAWAWALA SA PAGLUBOG NG BANGKA SA MAPANUEPE LAKE

SAN MARCELINO, ZAMBALES — Anim ang nasawi habang tatlo pa ang patuloy na pinaghahanap matapos lumubog ang isang motorized banca sa Mapanuepe Lake, Barangay Buhawen, San Marcelino, Zambales ngayong Huwebes, Agosto 27, 2026.

Ayon sa mga paunang ulat, 13 katao ang sakay ng bangka. Apat naman ang nakaligtas sa insidente.

Patuloy ang search and rescue operations para sa tatlong nawawala.

📍 Mapanuepe Lake, Brgy. Buhawen, San Marcelino, Zambales

Courtesy: Brigada News FM Olongapo

Patuloy na ina-update ang impormasyon habang isinasagawa ang retrieval at search operations.

Address

Castillejos

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Castillejos News posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share