28/08/2025
Kung kaya ng iba, mas kaya rin natin, di ba? Wika nga ni Dr. Jose Rizal, “Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa amoy ng malansang isda.” Huwag sana nating kalimutan ang sakripisyo ng ating mga magigiting na bayani na nagpalaya at nagmahal sa ating bansa, kung saan ipinaglaban nila ang bansang Pilipinas maging ang ating karapatan at nagpatupad ng pambansang wika upang tayo ay mayroong pagkakaunawaan at pagkakaisa. Mahalin natin ang sariling atin sapagkat tayo rin naman ang makikinabang sa huli. Ipagmalaki at gamitin natin nang wasto ang pambansang Wikang Filipino.
At upang maipakita ang Pagmamahal at Pagpapahalaga sa sariling wika, ang Organisasyong CMC LANTARAN AESTHETIC PERFORMERS (CLAP) ay nakiisa, nakilahok at dumalo sa pagtitipon para sa selebrasyon ng buwan ng wika na may temang “Ang Paglinang ng Filipino at Katutubong wika, Makasaysayan sa Pagbuo ng bansa”, na ginanap noong Agosto 27, 2025.
Lubos na nagpapasalamat ang CLAP Organization sa KAFIL sa pag-imbita na kami ay makilahok at makidalo sa selebrasyon. Gayundin, sa mga aktibong miyembro ng aming Organisasyon mula sa Acting, Singing, Dancing at Arts Department na nagpresenta ng nakakapanindig balahibo at masigabong presentasyon, kung saan nag papakita kung gaano sila kahusay, kagaling at napakatalentado. At higit sa lahat ang dalawang kandidata na nakilahok sa “GINOO AT BINI-BINING SINAGDIWA 2025” na sina Ginoong Kurt Kenneth Sampaga at Bini-Bining Kimberlie Subito. Kami sa CLAP Organization ay lubos na nagpapasalamat sa inyong matapang na pagtayo at pag representa sa ating minamahal na sariling Organisasyon. Labis kaming humahanga sa inyong katapatan at katapangan.
Malugod na Pagbati para sa ating lahat! PANIBAGONG TAGUMPAY, MABUHAY LANTARAN!
📷: The Eagle/Ang Agila