31/08/2025
π§ππ‘ππ‘ππ‘ | Rumampa ang mga miyembro ng LGBTQIA+ sa kauna-unahang Lakan-Bini Pageant na inorganisa ng Samahang Sentral sa Filipino (SSF) nitong Agosto 29, 2025 bilang isa sa mga programa nila ngayong Buwan ng Wikang Pambansa.
Puno ng hiyawan at sigawan ang bulwagan ng San Andres Vocational School (SAVS) nang magsimulang magpakitang gilas at ganda ang mga kalahok. Nagpamalas ang bawat kalahok ng nakawiwiling kilos, talento, at husay.
Ang patimpalak na ito ay nagsilbing pagkakataon upang maipakita hindi lamang ang kanilang pagkakaisa kundi pati na rin ang kanilang talento at pagiging malikhain. Higit pa rito, ipinapahayag nito ang positibong representasyon at malugod na pagtanggap sa kanilang komunidad na lalong nagpapatibay sa kanilang samahan.
Narito ang mga kalahok na hindi lamang nagpamalas ng galing sa larangan ng akademiko, kundi nagpakita rin ng kahusayan sa pagiging mapanlikha sa kasuotan:
Mark Renz Vargas (10-Kagitingan)
Lakan-Bini 2025 (Champion)
Best in Production Number
Mhikyla Ponce (10-Kahusayan)
Lakan-Bini (1st Runner Up)
Best in Innovative Attire
Benefredo Zuniega (10-Karunungan)
Lakan-Bini (2nd Runner Up)
Rommel Solo (11-Charity)
Bet ng Bayan 2025
Iba pang kalahok :
Duaft Flair BruΓ±a (11-Modesty)
John Edward Valdes (7-Wisdom)
βοΈ: Evangeline Balingbing & Diane Mae Salvoza
πΈ: Jhesrylle Rose Solmiano, Katherine Osorio, Adriel Reyes, & John Philip Arandia