
01/04/2025
HAYAAN MONG MAGLOKO, HUWAG MONG BANTAYAN.
Karamihan ay nakasanayan ng binabantayan ang partner. Lalo na kapag nasira na yong tiwala. Kung baga ay may lamat na.
Ang taong mahal ka ay hindi talaga gagawa ng isang gawain na kung saan ka man mahihirapan at masasaktan.
Kaya bakit mo siya binabantayan?
Kahit hindi mo yan bantayan ay walang apoy na hindi umuusok.
Hayaan mo siyang magluko. Para diyan mo malaman na nag aaksaya ka lang pala talaga ng oras mo sa taong yan.
Palaging tandaan, ang pagmamahal ay hindi dapat pinipilit o tuturoan pa. Kusa niya itong iparamdam sayo na special ka rin sa buhay niya.
Kaya hayaan mo siya kung gagawa man siya ng tama o mali. Choice niya yan.
At least malaman mo kaagad na hindi ka naman pala mahal.
STAY CONFIDENT UTOL.💪
- Payong kaibigan ni kiko