Saliksik l Research Annex

Saliksik l Research Annex Ang Opisyal na Pahayagan sa Filipino ng Mataas na Paaralan ng Cauayan City-Research Annex

91 Grade 10 Learners, Sumabak sa CB-NCAE Pretest sa CCNHS-Research AnnexSiyamnapu’t isang (91) Grade 10 learners ng Caua...
19/09/2026

91 Grade 10 Learners, Sumabak sa CB-NCAE Pretest sa CCNHS-Research Annex

Siyamnapu’t isang (91) Grade 10 learners ng Cauayan City National High School–Research Annex (CCNHS-RA) ang sumailalim sa Technical Assessment (Pre-Test) ng Computer-Based National Career Assessment Examination (CB-NCAE) para sa School Year 2026–2027 noong Setyembre 17–18, 2026.

Isinagawa ang pretest bilang bahagi ng paghahanda ng mga mag-aaral at ng paaralan para sa aktuwal na administrasyon ng CB-NCAE, alinsunod sa mga itinakdang panuntunan at iskedyul ng Schools Division Office of Cauayan City.

Pinangunahan ang pagsasagawa ng assessment nina Ma’am Joy Teresa M. Moises, School Testing Coordinator, at Ma’am Regine L. Arcega, School ICT Focal Person, na nangasiwa sa mga kinakailangang testing at technical preparations upang matiyak ang maayos na daloy ng pagsusulit.

Binisita rin ni Ma’am Criselda Corpuz, Education Program Supervisor (EPS) – Mathematics, ang isinagawang CB-NCAE pretest upang masaksihan ang implementasyon ng assessment sa paaralan.

Sa pamamagitan ng maayos na koordinasyon at paghahanda ng mga testing at ICT personnel, matagumpay na naisagawa ng CCNHS-Research Annex ang dalawang araw na CB-NCAE pretest.

PROJECT C.L.E.A.N. 2026: Kabataan Para sa Malinis at Luntiang Pamayanan!Matagumpay na isinagawa ngayong Setyembre 18, 20...
18/09/2026

PROJECT C.L.E.A.N. 2026: Kabataan Para sa Malinis at Luntiang Pamayanan!

Matagumpay na isinagawa ngayong Setyembre 18, 2026 ang Project C.L.E.A.N. (Community Leadership and Environmental Action by the Youth of the Nation) ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG) ng Cauayan City National High School–Research Annex.

Sa pamamagitan ng School Clean-Up Drive, sama-samang kumilos ang mga mag-aaral, g**o, at school personnel sa paglilinis ng paaralan at mga kalapit na lugar. Higit pa sa simpleng paglilinis, ipinakita ng aktibidad ang kahalagahan ng disiplina, pakikiisa, at pananagutan ng kabataan sa pangangalaga ng kapaligiran.

Isang maliit na hakbang para sa mas malinis na paaralan, mas maayos na pamayanan, at mas responsableng kabataan.

Kabataan sa pagkilos, kalinisan at kapaligiran ay ating itaguyod!

📸 Angela Acosta & Alvin Cabaro

CCNHS–RA MAKES ITS COMEBACK TO RSPC!Isang malaking pagbati at pagpupugay sa mga estudyanteng mamamahayag ng Cauayan City...
14/09/2026

CCNHS–RA MAKES ITS COMEBACK TO RSPC!

Isang malaking pagbati at pagpupugay sa mga estudyanteng mamamahayag ng Cauayan City National High School – Research Annex na nagpakitang-gilas sa Division Schools Press Conference (DSPC) 2026!

Kendrick Vicente
2nd Place – Editorial Cartooning (Filipino)
RSPC Qualifier
Coach: Gerald Cachola, Jr.

Tsujanex Jerish Tanda
5th Place – Sports Writing (English)
Coach: Sheryl Babaran

Ang pagkamit ni Kendrick Vicente ng ikalawang puwesto ay muling nagbukas ng pinto para sa CCNHS–Research Annex sa Regional Schools Press Conference (RSPC). Isang patunay na ang talento, tiyaga, at tapang sa pamamahayag ay patuloy na namamayagpag sa ating paaralan.

Pagbati rin sa lahat ng mga manunulat na buong tapang na kumatawan sa CCNHS–RA! Ang inyong dedikasyon at pagsusumikap ay tagumpay na rin para sa buong paaralan.

Mabuhay ang campus journalism! Mabuhay ang mga batang mamamahayag ng CCNHS–Research Annex!

Not all heroes are found in books. Some are right here in Research, Minante Uno—selling the food on our tables, building...
07/09/2026

Not all heroes are found in books. Some are right here in Research, Minante Uno—selling the food on our tables, building the homes we live in, or becoming familiar vendors we greet, bargain with, and sometimes share a little “chismis” with.

Some parents work long hours just to provide for their families. They come home tired, longing only for the laughter and smiles of their children. Not everything is handed to us on a silver platter. Behind every blessing are sacrifices we may never see—sacrifices made so children can experience opportunities their parents once dreamed of.

Their stories may be easy to overlook as they work quietly along the streets of Research, Minante Uno. But behind every vendor, builder, driver, and worker is someone working hard to keep a family going and dreams within reach. The next time we pass by, let us not see them as ordinary workers, but as the everyday heroes who remind us to appreciate and cherish the blessings we have.

📸📝 Angela Acosta, Kelly Cabaro & Roma Faith Crisostomo, Saliksik PJs

Pagbati sa mga nagwaging estudyante na ipinamalas ang kanilang kahusayan sa pagsulat at pagguhit sa temang, “Wikang Fili...
07/09/2026

Pagbati sa mga nagwaging estudyante na ipinamalas ang kanilang kahusayan sa pagsulat at pagguhit sa temang, “Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.”

Sa pamamagitan ng kanilang talento at pagkamalikhain, matagumpay nilang naipakita ang kahalagahan ng Artificial Intelligence sa Wikang Filipino.

📝🖼️ Ivory Duton, EIC

DIRECTION, COOPERATION, ACTION!After weeks of preparation, sleepless nights, long hours of developing scripts, memorizin...
04/09/2026

DIRECTION, COOPERATION, ACTION!

After weeks of preparation, sleepless nights, long hours of developing scripts, memorizing lines, and perfecting their actions, the Grade 9 learners have showcased their talent, intelligence, and dedication through a spectacular performance!

Under the subjects English and Values Education, handled by Ma’am Janelle Galamay, Marilyn Buncag, and Ma’am Ivy Antalan, the Grade 9 students have demonstrated their skills and talents—not only in acting, but also in directing, cooperating, and writing.

The Grade 9 students successfully portrayed various social issues present throughout our society. Through their performance, they gave us a broader perspective of the world we live in and showed us that teamwork and cooperation are essential in accomplishing things more effectively and successfully.

📝📸 Kelly Cabaro, PJ English
📝 Kendrick Vicente

Isang pagpupugay para sa Cauayan West District sa pagkamit ng 2ND PLACE sa Sining Tanghalan – Pinasayaw bilang bahagi ng...
02/09/2026

Isang pagpupugay para sa Cauayan West District sa pagkamit ng 2ND PLACE sa Sining Tanghalan – Pinasayaw bilang bahagi ng 2026 Division Festival of Talents (DFOT)!

Sa pamamagitan ng husay, talento, disiplina, at sama-samang pagsisikap, matagumpay na naipamalas ng ating mga kalahok ang makulay na kultura at malikhaing sining sa entablado. Ang parangal na ito ay bunga ng walang sawang paghahanda, dedikasyon, at pagtutulungan ng buong pangkat.

Mabuhay ang talento at sining ng Cauayan West District! Patuloy nating ipakita na ang bawat galaw ay kuwento, bawat hakbang ay sining, at bawat pagtatanghal ay isang pagmamalaki!

COACHES:
Cherry Ann Langbayan
Gerald Cachola

CHOREOGRAPHERS:
Christian Dela Rosa
Glenford Bedaña

CONGRATULATIONS, CAUAYAN WEST DISTRICT!

Best Project G.A.R.D.E.N. – Planting Phase
28/08/2026

Best Project G.A.R.D.E.N. – Planting Phase

West District Meet '26 │ Part 2 of 2📸 Angela Acosta, Kelly Cabaro, Roma Faith Crisostomo & Richmhaine Raposas𝘒𝘶𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘺 𝘯𝘢...
15/08/2026

West District Meet '26 │ Part 2 of 2

📸 Angela Acosta, Kelly Cabaro, Roma Faith Crisostomo & Richmhaine Raposas

𝘒𝘶𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘺 𝘯𝘢𝘪𝘴 𝘪𝘱𝘢𝘣𝘶𝘳𝘢 𝘯𝘢 𝘭𝘢𝘳𝘢𝘸𝘢𝘯, 𝘮𝘢𝘨𝘬𝘰𝘮𝘦𝘯𝘵𝘰 𝘭𝘢𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘰 𝘮𝘢𝘨𝘱𝘢𝘥𝘢𝘭𝘢 𝘯𝘨 𝘮𝘦𝘯𝘴𝘢𝘩𝘦 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘦.

Pagbati sa mga Mamamahayag ng CCNHS-RA Taos-pusong pagbati sa mga nagwagi sa School-Based Press Conference (SBPC) na gin...
14/08/2026

Pagbati sa mga Mamamahayag ng CCNHS-RA

Taos-pusong pagbati sa mga nagwagi sa School-Based Press Conference (SBPC) na ginanap sa Cauayan City National High School–Research Annex (CCNHS-RA) noong Agosto 7, 2026.

Nawa'y patuloy kayong mamahayag ng mga makatotohanang balita at ipagpatuloy ang dedikasyon sa paglingkod ng mamamayang Pilipino.

🎨 📝 Ivory Duton, EIC Saliksik

Address

Research, Minante I
Cauayan
3305

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Saliksik l Research Annex posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share