
24/03/2025
Nagsimula ang lahat sa isang a*ong mahilig sa pusa. 🐶❤️🐱
2020 yata yon, bago mag-lockdown. Nagpunta kami ng husband ko (at that time boyfriend) sa UP Diliman kasama ng chihuahua ko na si Aiko.
Nagpapahinga kami sa ilalim ng puno na may bench yari sa kawayan. Si Aiko, pinabayaan namin magikot-ikot dahil hindi naman sya lumalayo saamin. Suddenly, bigla si Aiko huminto sa gilid ng naka-park na sasakyan. Maya-maya may lumabas na isang pusa galing sa ilalim. Nag-wag si Aiko ng tail nya, and triny lapitan yung pusa. Syempre, yung pusa aloof. Hindi nya inaway si Aiko pero ayaw nya makipaglaro. Natural.
Umuwi kami at naikwento ko sa nanay ko. Pagtapos non, nagtanong tanong kami sa mga bata sa bahayan namin kung meron silang alam na nagpapaampon ng kuting. Kailangan maliit pa para masanay kay Aiko. Wala daw.
Then, bigla nalang sa isang umaga, may 3 kuting na na sobrang liliit pa sa harap ng bakuran namin - 2 white at 1 tabby. Mga 1 month old+ palang siguro. Malamang iniwan ng mga bata don. Nakakakain na sila pero hindi pa malakas. Unfortunately, namatay yung isang puti. Swerte na din kami nabuhay namin yung 2.
Noong nagsimula kami maglive-in ng asawa ko sa Cavite, sinama ko si Aiko, si Orange (tabby), at si Bingi (yes, bingi yung puti). Si Aiko na ang naging kalaro ng mga pusa ko - katabi ni matulog, naglilinis ng tenga nila. Pwede naman pala magkasundo ang a*o at pusa.
At don nagsimula ang lahat - sa isang a*o na mapagmahal sa mga pusa.