16/08/2026
💕
40 GENTRISEÑO NAGSIPAGTAPOS SA VA BASICS PROGRAM
Apatnapung GenTriseño, karamihan ay mga solo parent, ang nagtapos sa Virtual Assistant (VA) Basics Program sa ilalim ng partnership ng McCare Career Academy at Pamahalaang Lungsod ng General Trias.
Ayon kay Mayor Jon-Jon Ferrer, layunin ng programa na mabigyan ng karagdagang kaalaman at oportunidad sa trabaho ang mga residente, lalo na ang mga nais kumita mula sa work-from-home setup habang inaalagaan ang kanilang pamilya.
Dagdag pa ng alkalde, target ding maisama sa mga susunod na batch ang mga PWD, dating OFW, at iba pang GenTriseñong nangangailangan ng hanapbuhay.
Source: GenTri Mayor Jon-Jon Ferrer/Facebook