14/05/2023
14 May 2023 | Happy Mother's Day
Sa lahat po ng mga nanay at tumatayong nanay, happy mother's day. Napakasarap maging nanay, walang katulad, walang katumbas.
Ang pagmamahal at pag-aaruga, hindi mapapantayan ng ano mang bagay.
Ang kaligayahan ay punong-puno at ang anak ang aming lakas.
Kayang magsakripisyo, magpaubaya, buhay man ay kayang ialay.
Sa mga nanay na sundalo, mas doble ang sakripisyo.
Masakit mawalay ng matagal, hindi makitang sya'y lumalaki.
Ngunit kailangan, may sinumpaan tayo sa inang bayan.
Pero hindi ibig sabihin mas maliit ang ating pagmamahal.
May ibang paraan para ito'y ating maipakita sa kanila.
Salamat sa mga tumatayong pangalawang nanay.
Nung panahong wala kami at may sakit si "inday".
Napakalaki ng utang na loob namin at pasasalamat.
Nangungulila kami at madalas nalulumbay.
Lalo na't sabik kami sa pag-uwi at sa yakap ng anak.
Hayaan mo na anak kung madalas dimo kami nakakasama.
"Malapit na akong magRNR", yan ang palaging sambit sa kanya
At kung makauwi man, nag-uumapaw ang ligaya,
Lahat ng oras ay ibubuhos, kapalit ng nasayang na wala ka.
Salamat anak at kami hindi nyo sinisi.
At kung ikay aalis na naman at kailangang magpaalam.
"Work muna si mommy baby“, ang pagsambit na may kirot sa puso.
Yung lungkot sa iyong pag-alis at luha mong pilit kinukubli.
Salamat anak at kami inyong inintindi
Mahal namin kayo kahit san pa kami naroroon
Kaya kami ay NANAY dahil sa INYO, ANAK
My mikaela, my forever baby, my bestfriend forever, my baby cheese.