Spoken poetry

Spoken poetry Writer&Autor

07/12/2024

"Malayong distansya"

Distansya natin ay napakalayo
Ngunit puso'y natin ay nagtagpo
Hanggang saan nga ba ang mga puso?
Kaya ba natin ang gantong kalayo?

Di alintana ang MALAYONG DISTANSYA
sa taong marunong mag pahalaga
Timog ako, hilaga siya
Yan ang aming distansya

Ngunit di namin ito iniisip
Sapagkat damdamin namin'y nagkakaisa
Sa bawat oras at araw ang lumilipas
Mga puso natin ay lumalalim pa

Minsan aking naiisip
Ako nga lang ba ang mahal niya?
Sa napakalayo naming distansya
Maaring siya'y makahanap pa ng iba
Na akin naman pinangangamba

Mahal ko siya, mahal niya ako
Hanggang saan nga ba ito?
Maraming nagtatanong kung bat ako nagmahal ng napakalayo
Masisi niyo ba ang aking puso
Na siya mismo ang pumili nito.

Write by:Pepstv Vlog

07/12/2024

AKO LANG BA?

Ako lang ba yung babae/lalaking nagpapakatanga?
Nagpapakatanga sa taong pagmamahal ko'y di madama?
Ako lang ba yung taong umaasa?
Umaasang masusuklian itong pagmamahal kahit batid kong mahal niya'y iba?
Bakit ba sayo'y umaasa pa rin?
Mahal kita, mahal mo siya, magkaiba ating damdamin
Sa bawat message na natatanggap mula saiyo
Aking iniisip na sana'y magkaroon ng puwang diyan sa iyong puso.

Napakasakit lamang isipin sinta
Dahilan sa umasa ako sapagkat nagbigay motibo ka
Araw-araw sa akin ay nagcha-chat ka
Subalit aking napansin sa tuwing ika'y may kailangan tsaka lamang ako naaalala.
Wala namang ganyanan o
Pinaasa mo,umasa ako tapos ganto?
Maraming katanungan ang sa isipan ko'y nagsisilutangan
Gusto kita kahit ako'y nasasaktan at kahit aking kaibigan ang nagugustuhan.
Isang patibong lamang ang paglapit mo
Ginawa ang lahat upang mapalapit sa tulad ko
Ginawa ito hindi dahil sa ako ang tinitibok ng iyong puso
Kundi dahil sa aking kaibigan na iyong gusto.

Ako lang ba 'tong umaasa sayo sinta?
Ako lang ba 'tong nagpapakatanga sa taong gusto'y iba?
Ako lang ba tong nagmamahal kahit nasasaktan na?
Ako lang ba yung taong handang maghintay sa tong iba ang nais kahit ako'y magmukhang tanga? Ako lang ba?
Ako lang?

Write by:Pepstv Vlog

07/12/2024

"Pinapalaya na kita"

Mahal naalala mo pa ba?
Ang mga salitang paulit ulit mong
binibigkas sa akin noong ako ay
mahal mo pa.?
Mga pangakong binibigkas mo
Sa bawat pag tibok ng puso ko.
Naalala mo pa ba?
Malamang hindi na.
Dahil ako'y tinatalikuran mo na
Paunti unti.
Lahat ng pangako mo ngayon ay
Napako na.
Ang mga pangarap na sabay nating
binuo ngayon ay munting ala ala
Na lang.
Mahal anong nangyari? At tayo'y
Humantong sa isang pang yayari
Na hindi ko kailan man inisip na
Darating pa.
Hindi ko inaasahan ngunit kailangan
Kong harapin.
Kailangan kong tanggapin na ang
Mahal mo ngayon ay hindi na ako.
Mahal hindi ko kaya na mawala ka.
Pero ngayon naiintindihan ko na.
Na hindi lahat ng dumarating ay
Nananatili.
Nauunawaan kona na hindi na kita
Kailan man mapapasaya pa.
Dahil mahal alam kong masaya ka
Na sa kanya.
Patawarin mo ko mahal at
Papalayain na kita sa mundo ko
Na dati rati ay puno ng saya at
Sigla. Pero ngayon ang mga ngiti
Ko ay tila naglaho na napupuno ng
Kalungkutan sa tuwing naaalala ka.
Paalam na mahal salamat sa
Mga masasayang ala ala na aking
Naranasan sa maikling panahon.
Lagi mong tatandaan mahal na mahal kita.

Write by:Pepstv Vlog

07/12/2024

"MASKARA"

Sa bawat ngiti,
May tahimik na paghikbi.

Sa bawat pagtawa,
May isang pusong hindi masaya.

Sa likod ng maskara,
May bakas ng pagluha.

Sa likod ng masayang mukha,
May isang wasak at nagdurusa.

Sa likod ng isang matapang na katauhan,
May isang duwag at hindi kayang lumaban.

Lumaban? 'Yan ang aking gawain.
Sa tuwing sasabak ako sa giyera ng mundo.

Pero hanggang kelan ako magtatago?
Sa isang napakalaking maskara?

Maskara na nagsisilbing aking kalasag,
Na panangga sa mga taong mapanghusga.

Hanggang kailan ko kaya kayang dalhin ang maskarang ito?
O dapat bang sabihing hanggang kailan ako kayang dalhin nito?

Pero alam ko,
Hanggat may giyera,
Hindi ko bibitawan ang aking maskara.

Write by:Pepstv Vlog

07/12/2024

"Kung sakali mang bumalik ka"

Kung sakali mang bumalik ka
Hindi mo na ulit makikita
Ang mga ngiting sa akin ay kumurba
Simula ng kita'y aking makilala

Hindi ko na hahayaang magkrus ang landas nating dalawa
Hahakbang na ako palayo mula sa piling mo sinta
Kakalimutan na talaga kita
At ito na ang huling beses na papatak ang aking mga luha

Kung sakali mang bumalik ka
Gusto ko lamang ipaalala
Kung paano nawalan ng tinta ang aking pluma
Pinilas isa-isa ang mga sulat kamay na tulang ikaw ang nagsilbing bida

Hindi ang pagkakaibigang binuo natin ang iyong pinatay
Kundi ang dugo ng isang makatang sa akin ay nanalaytay
Hindi sasapat ang salitang pagtangis
Upang mapunan ang iyong pag-alis

Wala ng pag-asang bumalik pa tayo sa dati
Sapagkat hindi ako ang may sala sa bawat pangyayari
Isa kang huwad at mapagkunwari
Hindi ko alam kung ikaw ba'y nagsisisi simula ng umalis ka sa aking tabi

Pero base naman sa aking mga nakita
Tila masaya ka naman sa piling niya
Nakapagtataka lang sapagkat nagagawa mong tumawa
Kahit na nasa paligid niyo lang akong dalawa

Ilang beses ko na nga ba kayong nakakasabay sa may kalsada
Ultimo sa loob ng eskwelahan ay natutunghayan ko ang inyong ginagawa
Hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto ni tadhana
Upang saktan mo ko ng hindi mo nakikita

Kung sakali mang bumalik ka
Isa lang naman ang pakiusap ko sa'yo
Huwag mo ng susubukan sapagkat wala ka rin namang mapapala
Sapat na ang iyong pag-iwan para magising ako

Na hindi sa lahat ng pagkakataon
Ay pipiliin tayo ng taong pinili natin
Hindi ko rin ugaling bumalik sa babaeng nanakit sa akin
Mas nanaisin ko pang magpatuloy mag-isa kaysa ika'y aking hanapin

Kaya kung sakali mang bumalik ka
At matunghayan ulit kita sa pook kung saan kita unang nakita Mapapabitaw na lang ako ng mga katagang "Bakit naligaw ka?"
Tanga limot na kita.

Write by:Pepstv Vlog

07/03/2024

"PAG BITAW"(spoken poetry) ✍️

Matuto kang bumitaw
Lalo na kapag hindi na ikaw
Matuto kang umayaw
Lalo na kapag may iba nang sinisigaw

Tumigil ka na sa pagkapit
Lalo na kung sobra na ang sakit
Tumigil kana sa pag kakapilit
Dahil masasaktan ka lang ng paulit ulit

Huwg mo ng balakin pang lumaban
Kung sa dulo ikaw lang rin ang talunan
Huwag mong isipin yung iba, sarili mo rin minsan
Dahil sa huli sarili mo lang rin ang iyong makakapitan

Iwasan mong manatili
Sa taong hindi ikaw ang pinili
Iwasan mong mawili
Sa taong iiwan ka rin sa huli

At kapag nasasaktan kana ng sobra bitawan mona
Dahil walang mangyayari kung kakapit kapa
Sa taong may kinakapitan ng iba

Write✍by:Pepstv vlog

07/03/2024

~spoken poetry~

"mahal pa kita, Piro pinalalaya kuna"

Ito nanaman Ang araw na to
na aalala Ang lahat
Pilit Ang lahat ay nililimot
Hangang sa ako nalang ay maka kamot

Pilit kung linilisan
Ang lahat ng ating pinag samahan
Piro Bakit Ang lahat
ay Sakin kumakagat

Subrang daya naman ng mundo
Ako Ang laging nandian para sumoporta sayo
Piro sa Huli ako pala ang talo

Sa mga panahon pala na mahal kita
Pilit MO akong linilimot sayong ala-ala
Sana nong una Sinabi mona
Para Hindi na ako nahirapan pa

Patuloy mo lang pala tinatago sating dalawa
NA ako'y mahal MO pa
Piro lahat ng Palang yon ay akala kulang pala
Nasaan Ang dating pangko
Pangakong Ang lahat ay Hindi Mag lalaho

Piro Sadyang pinag tagpo Lang tayung dalawa
Piro Hindi Ang siyang nakatadhana sa isat isa
Salamat sa aking ikaw ay nakilala

Hindi na ako mag pipilit pa
na ikaw ay sakin bumalik pa
Alam ko naman na masaya kana sa iba

Write✍by:Pepstv vlog

03/07/2023

Pakikiligin ka sa una tapos, paiiyakin ka sa huli
yan ang mga talent ng mga????

09/02/2023

"To my future"

Kung dumating man Yong panahon na halos Wala na tayong oras sa isa't isa Wala na akong oras sayo wag na wag ka sanang susuko,gusto ko stay ka pa din sa akin ka parin kahit Ang gulo² na Ng sitwasyon natin,Sana di ka magsasawa na unawain ako.

Kasi mahal na mahal Kita wag ka sanang magbabago wag ka Sana maghahanap Ng iba,pag nawalan nako Ng oras sayo,pinapangako ko pah magkasama na Tayo babawi ako sa mga panahon at oras na pagkukulang ko stay ka Lang po.

I LOVE YOU

my future

09/02/2023

"Hugot para Kay crush"

Pangit man ako sa iyong paningin asahan mong hanggang langit Kong ako'y lumambing kahit toyoy papuputiin Makita ko Lang mga ngiti mo ako ay sasaya narin.

Makulit man ako sayong paningin,pilosopo man Kung ako tanungin,pero pag ako naglambing asahan mo tatamis pati Asin.

Ang alphabet nagsimula sa A,B,C Ang numbers nagsimula sa 1,2,3 Ang music nagsimula sa DO,RE,ME pwede bah love nagsimula YOU and ME.

Ang dahon nagsimula sa letter D Ang dagat din Naman kulay blue pero Ang true love di completo without you.

Di Bale Ng di kumain Ng inasal or maging kasing talino ni Rizal Basta matupad Lang Ang aking dasal na sa iyo maikasal.

Ang pag ibig na sinimulan nilaadan at Eva na sinundan ni florante at Laura na pinagpatuloy nila mama at papa at magtatapos sa ating dalawa.

para Kay crush

09/02/2023

"Hugot para Kay crush"

Ikaw Yung taong bigla ko Lang ginusto pero Hindi ko akalaing tatamaan ako Ng husto.

Wag mo akong ikukumpara sa ex mo,dahil Kung mas okey sya edi Sana kayo pa.

Pag Ang lalaki may crush pwede nila ligawan,pero pag babae ka hanggang tingin Lang.

Dear crush

Kung ini-small ka nila,huwag Kang mag-alala iniibig Naman Kita.

Ang hirap magmahal Ng taong manhid pero teka Lang manhid ba talaga sya o iba Lang talaga mahal nya.

Minsan kahit ilang beses pang sabihin Ng utak mo na"Tama na"pilit mo paring sinasabi Ng puso mong konting tiis pa.

Hindi lang Basta isang emosyon na nararamdaman ,kundi isang desisyong na dapat panindigan.

para Kay crush

Address

Avocado Atreet
Cavite
4114

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Spoken poetry posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share