29/06/2026
Hindi sa ayaw ko na magbarko. Napapagod lang ako. Dati, pangarap ko lang ang mapunta rito. Ngayon, ginagawa ko na lang ang lahat dahil kailangan. Hindi ko sinusukuan ang pangarap pinipilit ko lang hanapin ulit ang dahilan kung bakit ako nagsimula. Sana balang araw, bumalik ang sigla, at hindi na lang dahil sa responsibilidad ang bawat pagbangon, kundi dahil masaya na ulit ako sa ginagawa ko. πβ