HunnyLove23

HunnyLove23 simple mom

08/08/2025

SINABAWANG ITLOG WITH MISWA AT PECHAY

INGREDIENTS:

3 medium eggs
2 tali pechay (hiwain na hiwalay ang tangkay at dahon)
1 medium onion (sibuyas)
3 cloves garlic (bawang)
2 medium tomatoes (kamatis)
2 packs miswa
5 to 6 cups water (tubig)
salt and pepper to taste
1/2 piece chicken broth cube
patis to taste
oil for sauteing

PROCEDURE:

1. Batihin ang itlog. Saka magpainit ng mantika sa kawali. Prituhin ito scrambled style habang hinahalo para magpira-piraso ito. Pag buo-buo na, hanguin at itabi.

2. Magpainit ulit ng kaunting mantika, igisa ang sibuyas, bawang at kamatis. Igisa ito hanggang medyo madurog ang kamatis. Saka ilagay ang tangkay ng pechay (mas matigas kasi ito, ihiwalay muna ang dahon). Igisa ng bahagya, saka maglagay ng tubig, chicken broth cube at timplahan ng asin at paminta. Takpan at hayaang kumulo.

3. Kapag kumulo na, ilagay na ang napritong itlog at miswa. Lutuin hanggang lumambot ang miswa. Tikman din ang sabaw, timplahan ng patis depende sa panlasa mo. Lastly, ilagay na ang dahon ng pechay. Lutuin hanggang malanta ito.
enjoy!

22/06/2023

Address

Cavite

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when HunnyLove23 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share