11/07/2026
⚠️ STAY VIGILANT! ⚠️
Para sa inyong seguridad, hinihiling namin na i-double check ang account na kausap ninyo bago magbayad o makipag-transact.
Madali pong magaya ang profile picture, pangalan, at mga posts, kaya siguraduhing official DIANA JEWELRY account ang kausap ninyo.
🚩 Mga dapat bantayan:
• Mali o iba ang spelling ng DIANA JEWELRY.
• Bagong gawa (newly created) ang account.
• Bigla kayong in-add o sinendan ng friend request.
• Minamadali kayong magbayad.
• Iba ang pangalan ng GCash o bank account na ibinigay sa inyo.
✅ Makipag-transact lamang sa account na ito at sa payment details na kami mismo ang nagbigay.
Pinaka-safe na gawin: Bago mag-send ng payment, puntahan muna ang profile o page ng kausap ninyo sa Messenger upang makasigurong ito ang aming official account.
❗PAALALA: Ito lamang ang official DIANA JEWELRY Page. Kung sakaling magkaroon kami ng ibang official account sa hinaharap, dito muna namin ito iaanunsyo.
Maraming salamat sa inyong tiwala. Mag-ingat po tayo palagi laban sa mga fake accounts at scammers. 💛