
01/08/2025
Sharing is caring❤️
Ham sandwich ang baon ng mga bata today.
Simula kinder si Pepper pag pinapabaunan ko siya lage may sobra,kasi namimigay sya sa mga kaklase niya.
Ang alam ko lang dati namimigay sya ng baon niya sa mga kaklase niya kasi sinabihan ko din siya na mag share sya sa mga walang baon, tapos nalaman ko sa isa kong ka-nanay na nagkwento daw yung anak niya(kaklase ng anak ko) na si Pepper daw namimigay ng baon niya sa mga kaklase niya minsan daw nauubusan na wala na natira. Pag uwi ng anak ko tinanong ko,sabi niya oo nga daw minsan 'la na natitira sa kanya kasi lahat gusto makatikim,sabi ko 'di naman maganda yun na lahat ipamimigay mo kasi niluto ko yun at inihanda para sayo pero ok lang din mamigay basta wag naman lahat kasi ikaw naman ang magugutom pero buti nalang may baon din siyang pera kaya nakakabili siya biscuit.
Simula noon pag naghanda ako ng baon niya lage may sobra,yung maliliit na hati for sharing. Kasi may mga baon naman ang mga kaklase niya kaya lang syempre mga bata gusto tumikim sa baon ng iba. Yung mga ka-close niya nalang binibigyan niya(kasi kung lahat bibigyan niya ay naku po!!🤣) minsan nagpapalitan din sila ng baon.
Kami nga noon during elementary days, kahit ice candy hinihingi magpuputol konti tapos ilagay sa palad ng humihingi tig 50cents lang yun noon, tang juice pineapple flavor pag nasipsip na yung juice ice nalang natira🤣🤣.