Nica & Kervie Stories

Nica & Kervie Stories Maligayang pagdating sa Advance Fashion!

Subaybayan ang kapana-panabik na corporate drama na puno ng ambisyon, kapangyarihan, pagtataksil, at matitinding desisyon sa mundo ng fashion business.

KABANATA 17 : ANG PARUSA     Habang nakaupo sa pwesto nya ay lihim na napapaisip si Nica sa matatalim na tinging ipinuko...
28/08/2026

KABANATA 17 : ANG PARUSA

Habang nakaupo sa pwesto nya ay lihim na napapaisip si Nica sa matatalim na tinging ipinukol sa kanya nina Jessa at Mira pagkalabas ng dalawa sa President office.
Maya maya ay tumunog ang intercom na agad nyang pinindot ang reply.
"Miss Laurente, come to my office." narinig nyang utos ni Kervie.
" Yes Sir " Agad syang tumayo siya. Maingat niyang inayos ang suot na salamin bago kumatok saka nya dahan dahang binuksan ang pinto.
Nadatnan niyang nakaupo sa sofa si John habang nakatayo naman si Kervie sa harap ng floor-to-ceiling window. Nakatanaw lamang ito sa lungsod.
Tahimik ang buong opisina.
"Sir Kervie?"
Ilang segundo ang lumipas bago ito humarap sa kanya. Malamig pa rin ang mukha nito, ngunit hindi na kasing tigas ng kanina. "Sit down."
Tumalima sya.
Kinuha ni Kervie ang blue presentation folder. Ipinatong iyon sa mesa. "Do you recognize this?"
Tumango si Nica. "Yes, Sir. The business proposal."
Tumango rin si Kervie. "I know everything now na ikaw ang gumawa ng financial analysis."
Sandali natahimik si Nica. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Akala niya.. hindi na iyon malalaman ng Presidente.
Ngayon ay alam nya na kung bakit may tila komosyon dito sa loob ng opisina kanina.
Muling nagsalita si Kervie. "Why didn't you tell me?"
Mahinahon siyang yumuko. "You assigned the report to me, Sir but when Ma'am Mira ordered me to hand it over.. i thought it was part of your instructions. I didn't want to question your authority."
Nang marinig iyon ay narealize ni Kervie na may kinalaman si Mira at iyon ang pasimuno. Napabuntong-hininga sya. "That was my mistake. I should've protected my own instructions." wika nya kay Nica.
Sandaling natahimik ang dalawa. Pagkatapos.. iniabot ni Kervie ang folder. "From this moment on.. i want you to prepare for next week's challenge."
Napatingin si Nica. "...Challenge?"
Tumango si Kervie. "Instead Jessa, you'll help me defend this proposal before Ralph."
Parang natigilan si Nica at napatingin kay John na nginisian lamang sya saka sya muling tumingin kay Kervie. "Sir.. I-I'm only your Executive Personal Assistant."
Diretsong tumingin si Kervie sa kanya. "And you're the only person in this company who completely understands this report."
Tahimik siyang napayuko. "Pero.. Sir Ralph is a major shareholder. I don't think I'm qualified."
Bahagyang ngumiti si Kervie. "I don't care about your position. I care about your capability."
Natahimik si Nica. Unti-unti niyang naalala.. ang lalaking nakabangga niya sa elevator ilang araw ang nakalipas. Ang seryosong mukha nito. Ang malamig nitong boses. Si Sir Ralph. Hindi niya inaasahang ang lalaking iyon pala ay haharapin nya sa pinak**ahalagang meeting ng kumpanya.
Muling nagsalita si Kervie "I need your help Miss Laurente." Tumayo siya at iniabot ang business proposal. "I want you to review every page. Find every weakness and prepare to answer every question Ralph might ask."
Mahigpit na niyakap ni Nica ang folder. "Yes, Sir. I'll do my best."
Tahimik na tumango si Kervie. "I know you will." sabi nito.
Ngumiti si Nica. Habang palabas ng opisina.. mahigpit ang hawak ni Nica sa business proposal. Hindi na siya basta Executive Personal Assistant lamang. Sa unang pagkakataon, ang tiwala ng Presidente ng Advance Fashion ay tuluyan nang nakasalalay sa kanya.

SAMANTALA
Sa opisina ng Marketing Manager. Nag uusap ang magkaibigang Jessa at Mira.
" Anong nangyari Jessa? Paano nila nalaman? " tanong ni Mira sa kaibigan.
" Ang walang hiyang si John ang nagsabi. Akala ko makakatulong sya sa akin " inis na tugon ni Jessa.
"That womanizer? I warned you. Sinabi kong huwag kang magtiwala sa kanya."
Napapikit si Jessa. "Hindi niya man lang ako tinulungan."
Bahagyang tumawa si Mira. "Of course. Kilalang-kilala ko si John. Kapag may magandang babae na lumalapit sa kanya.. iisa lang ang nasa isip niya."
Lalong napayuko si Jessa. Mahina siyang nagsalita. "Niloko niya ako..."
Napabuntong-hininga si Mira. "Hindi. Hindi ka niya niloko. Ikaw ang nagbigay ng pagkakataon."
Tahimik ang buong opisina. Ilang segundo ang lumipas. Muling nagsalita si Mira. "May isa pa akong kinaiinisan."
Napatingin si Jessa.
"Si Monica."
"Dahil sa kanya.. nagalit sa akin si Kervie."
Umiling si Mira. "Hindi. Hindi siya ang problema. Ang problema.. unti-unti nang nagtitiwala si Kervie sa kanya. Ngayon, ipinahiya pa niya tayo."
Mahina ang boses ni Jessa. "Hindi naman niya sinasadya..."
Biglang napatingin si Mira. "Don't be stupid!. Sa negosyo.. walang sinasadyang panalo. Kapag umaangat ang isang tao.. may ibang bumabagsak."
Tahimik na napaupo si Jessa. Pakiramdam niya'y wala na siyang pag-asa. Lumapit si Mira. Mas kalmado na ang kanyang boses. "Makinig ka. May final warning ka na. Isang pagkak**ali mo pa.. tatanggalin ka na at hindi na kita maipagtatanggol pa."
Tumango si Jessa.
Nagpatuloy si Mira. '"From now on.. hindi ka gagawa ng sarili mong desisyon. Sabihin mo muna sa akin. I'll handle everything."
Tumango muli si Jessa. "Yes."
Huminga nang malalim si Mira.
Maya maya ay tumunog ang telepono. Dinampot at sinagot iyon ni Mira.
" Pinapapunta ka ni Paul sa HR " wika ni Mira sa kaibigan pagkababa sa telepono.
Agad nabahala si Jessa. "Kinakabahan ako Mira "
" Huwag kang mag alala, hindi ka nila tatanggalin dito. Warning lang yon " ang itinugon ni Mira. " Bumaba ka na dun "
Tumayo na si Jessa at lumabas ng opisina saka nagtungo sa HR Department.
"Please, have a seat." wika sa kanya ni Paul.
Tahimik na umupo si Jessa.
Kinuha ni Paul ang isang puting folder na may logo ng Advance Fashion. "Miss Delarama, this meeting concerns the disciplinary action ordered by the Office of the President."
Mahinahong inilapag ni Paul ang dokumento sa harap niya. "This is your Final Written Warning."
Binuksan ni Jessa ang folder. Nakalagay roon ang mga detalye.

Violation: Dishonesty and Misrepresentation of Company Work
Disciplinary Action: Final Written Warning
Approved by: Kervin James Ronquillo, President

Tahimik siyang napalunok.
Nagpatuloy si Paul. "As stated here, you admitted claiming credit for a confidential business proposal that was actually prepared by another employee."
Mahina siyang tumango. "Yes, Sir."
"Because of that, management has decided to issue you a Final Written Warning instead of termination."
Muli ay tumango lang si Jessa.
Nagpatuloy uli si Paul. "I've been with this company for many years, Miss Delarama. I've seen good employees lose their careers because they ignored warnings like this."
Tahimik na nakinig si Jessa.
Mas naging seryoso ang boses ni Paul. "Let me be very clear. This is your last chance. Any future act involving dishonesty, falsification, breach of confidentiality, or insubordination may result in immediate termination."
Hinawakan ni Jessa ang dokumento. "I understand, Sir."
Iniabot ni Paul ang isang ballpen. "Please sign here to acknowledge that you received the notice."
Sandaling napatitig si Jessa sa papel. Parang napakabigat ng bawat salitang nakasulat. Mabagal niyang pinirmahan ang dokumento. Pagkatapos ay ibinalik niya ito kay Paul.
Tahimik itong tumango. "Thank you." Inilagay ni Paul ang dokumento sa employee file ni Jessa. "One copy will remain with HR. This copy is yours." Iniabot niya ang duplicate copy.
Tinanggap iyon ni Jessa. " Thank you " wika nya saka lumabas.
Mula sa HR ay sumakay ng elevator si Jessa pabalik sa 20th floor. Pagbukas ng elevator ay nakita nyang naghihintay sa labas si John.
Nginitian sya nito ngunit hindi nya pinansin bagkus ay hinarangan nya ito upang hindi makapasok sa elevator.
Napakunot noo si John. " What is it, Miss Delarama?"
Lumapit si Jessa sa harapan niya.
" Ra**st! Manloloko! You said you'll prepare me for Sir Ralph's challenge. Nagtiwala ako sa'yo. Pero ang ginawa mo.. sinumbong mo ako kay Kervie."
Napabuntong-hininga si John. "I only told him the truth."
Napatawa si Jessa, ngunit puno ng pait. "The truth?" Tumitig siya sa binata. "The truth is.. you never intended to help me."
Mahabang katahimikan.
Mahigpit na nakakuyom ang k**ao ni Jessa. "Ginamit mo lang ako."
Malamig ang mukha ni John. "I never forced you to trust me."
Parang sinampal si Jessa sa narinig. "So that's it?"
"That's business." wika pa ni John.
Unti-unting umiling si Jessa. "No..." Mahina siyang natawa. "That's cruelty."
Hindi pa rin nagbago ang ekspresyon ni John. "You stole Miss Laurente's work. I had to tell Kervie dahil kailangan."
"Then why didn't you tell me the moment you found out?"
Tahimik si John.
"Bakit mo pa ako pinaasa?"
Muli siyang natahimik.
"Why?"
Ayaw sumagot ni John.
"Tama si Mira..." kapagkuwa'y wika ni Jessa. "You're exactly the kind of man she warned me about."
Bahagyang napataas ang kilay ni John.
Nagpatuloy si Jessa. "A womanizer.. who plays with people's trust."
Hindi na talaga nagsalita pa si John. Tahimik lang siyang tumingin kay Jessa. Kung iisipin ay hindi sya dapat pinagsasalitaan nito ng ganun dahil sya ang Vice president at secretary lamang ito pero sa ngayon ay palalampasin nya muna ito.
"I hate you, John Mark Villena!." Mahina ngunit matalim ang bawat salita ni Jessa. "I'll never forgive what you did."
Sandaling nagkatinginan ang dalawa. Pagkatapos ay tumalikod si Jessa at mabilis na naglakad palayo. Tahimik lamang siyang sinundan ng tingin ni John.
Naiinis na nagbalik si Jessa sa kanyang pwesto. Nakita ni Nica ang kanyang mukha. " Okay ka lang ba Jessa? " tanong nito sa kanya.
" Dont talk to me!! " inis nyang tugon kay Nica. ito Inirapan nya ito saka sya naupo...

ITUTULOY...

KABANATA 16 : ANG SIMULA NG BANGGAAN     Maagang nagising si Jessa.     Tahimik siyang nakahiga sa k**a. Hindi siya maka...
25/08/2026

KABANATA 16 : ANG SIMULA NG BANGGAAN

Maagang nagising si Jessa.
Tahimik siyang nakahiga sa k**a. Hindi siya makapaniwala na may nangyari sa kanila ni Sir John. Napapikit siya. Sa isip niya.. "Ginawa ko ito para sa trabaho..."
Umaasa siyang totoo ang mga sinabi ni John. Na tutulungan siya nitong makapaghanda para sa hamon ni Ralph.
Maya-maya ay lumabas si John mula sa kusina habang may dalang dalawang tasa ng kape. Ngumiti ito. "Good morning." bati nito sabay abot sa isang tasa.
Hindi umimik si Jessa. Kinuha nya ang kape at tahimik na uminom.
Tahimik siyang uminom. Pagkatapos ay kinuha niya ang blue presentation folder. "Sir John.. pwede na po ba nating simulan ang review?"
Hindi agad sumagot ang binata. Sandali itong natahimik bago ngumiti. "Actually.. i have an early meeting."
Natigilan si Jessa. "Po?"
"Maybe next time."
Biglang kumabog ang dibdib niya. "Pero.. three days lang po ang ibinigay ni Sir Kervie."
Bahagyang nagkibit-balikat si John. "I'm sorry. I can't help you."
Tuluyang namutla si Jessa. "A-akala ko po..."
Pinutol siya ni John. "I only said I'll try."
Tahimik na tumalikod ang binata. Kinuha nito ang coat. Habang isinusuot iyon ay muli siyang nagsalita. "And besides.. im not a finance expert."
Nagulat si Jessa.
Ngumiti si John. "Kervie and I just created the proposal without financial analysis "
Unti-unting nanlaki ang mga mata ni Jessa. Agad nasira ang pag asa nya at napagtanto ang k**aliang ginawa. Sa simula pa lang ay wala na syang balak tulungan ng John na ito. Gusto lang syang makuha at mabiktima. Tama talaga si Mira. Pl***oy ito.
Sa sandaling ito, alam ni Jessa na alam na ni John ang totoo.. na hindi talaga sya ang gumawa ng report. Tiyak na agad nitong ipapaalam kay Kervie. Lihim syang napailing, nahulog sya sa pagiging pl***oy ng John na ito.. at ang mas matinding mangyayari ay nanganganib na rin sya sa kumpanya.
Matapos mag almusal ay nag asikaso na ang dalawa paalis. Inihatid muna ni John si Jessa pauwi bago sya dumiretso sa Advance Fashion.
Sa kaibuturan ng puso ni Jessa.. hindi niya alam kung nakatulong ba talaga siya sa kanyang sarili.. o lalo lamang siyang nalubog sa isang pagkak**aling pagsisisihan niya habang buhay.

SA ADVANCE FASHION
Alas-nuwebe ng umaga sa Advance Fashion.Tahimik na nakaupo si Nica sa kanyang mesa. Abala siya sa pag-aayos ng schedule ni Kervie nang dumating si John.
"Good morning, Miss Laurente."
Tumayo agad si Nica. "Good morning, Sir John."
Bahagyang ngumiti ang Vice President. "Busy?"
"Just preparing Sir Kervie's schedule."
Tumango si John bago pumasok sa opisina ni Kervie.

SA LOOB NG PRESIDENTIAL OFFICE
Tahimik na isinara ni John ang pinto. Nakaupo si Kervie at busy sa kanyang laptop.
Huminga nang malalim si John. "Kervie.. i have to tell you something."
Lumingon ang Presidente. "What is it? Ang aga ata nyan? "
Tahimik na umupo si John. "I don't think Jessa can defend the business proposal."
Napakunot-noo si Kervie. "Why?"
"Because.. she didn't prepare it."
Nanahimik ang buong opisina. Unti-unting sumeryoso ang mukha ni Kervie. "What do you mean?"
"The financial analysis. The cash flow. The projections. The executive summary.. those weren't made by Jessa."
Tahimik na nakatingin si Kervie. "Who prepared them?"
Diretsong sumagot si John. "Who else? Monica Laurente."
Nanigas ang ekspresyon ni Kervie. "I knew she organized the documents but i didn't know she also prepared the financial analysis."
Tumango si John. "I found out yesterday. Jessa admitted she doesn't understand finance. She asked me to teach her."
Napabuntong-hininga si Kervie. "So.. she lied." Tahimik nyang ibinaba ang hawak niyang ballpen. Malamig na ang ekspresyon niya. Pinindot niya ang intercom. "Miss Valderama..come inside."
Sa labas ng opisina ay kakababa lang ni Jessa sa telepono. Halos kakarating nya lang dahil nagbihis pa sya sa bahay. Naramdaman nya na ang mangyayari kaya tinawagan nya si Mira. Kapagkuwa'y tumayo na sya at pumasok sa president office. Nakatingin lamang sa kanya si Nica na walang alam sa mangyayari.
Ilang segundo lamang.. dahan-dahang bumukas ang pinto. Pumasok si Jessa. May kaba na agad sa kanyang mukha. Tiyak nyang alam na ni Kervie ang totoo lalo at nakita nyang kasama nito ang walanghiyang si John "You called me, Sir?"
Tahimik siyang tiningnan ni Kervie. "Close the door."
Mas lalo siyang kinabahan. Ginawa niya ang utos. Pagharap niya.. tahimik na siyang pinagmamasdan nina Kervie at John.
Mahabang katahimikan ang namagitan. Pagkatapos.. malamig na nagsalita si Kervie. "Who prepared the business proposal?"
Nanlaki ang mata ni Jessa. "Sir..."
"I'm asking you. Sino ang gumawa ng report?"
Napayuko siya. "I..." Hindi siya makapagsalita.
Mas lumamig ang boses ni Kervie. "Answer me."
Wala nang choice si Jessa kundi ang umamin. "It was.. Miss Laurente."
Tahimik ang buong opisina. Maging si John ay napabuntong-hininga. Mabigat na ibinaba ni Kervie ang tingin.
Bahagyang yumuko si Jessa. "I'm sorry.. i made a mistake."
Biglang lumakas ang boses ni Kervie. "A mistake? You stole someone else's work! You let everyone believe it was yours!"
Hindi na alam ni Jessa ang sasabihin. "I'm sorry, Sir! I was afraid.. I didn't want to lose my chance to be promoted."
Mahigpit na napapikit si Kervie.
Hindi niya akalaing mangyayari ito sa mismong opisina niya. Makalipas ang ilang segundo ay pinindot niya muli ang intercom. "Paul, come to my office. I need HR here."
Tahimik na napaupo si Jessa. Alam niyang.. ito na marahil ang katapusan ng kanyang trabaho sa Advance Fashion.
Sa labas ng opisina, nakita ni Nica ang pagdating at pagkatok ni Paul sa opisina ni Kervie.
Tok! Tok! Tok!
Bumukas ang pinto. Pumasok si Paul. "Good morning, Sir's." bati nya kina Kervie at John.
Tumango si Kervie. "I need you to prepare the dismissal papers for Miss Jessa Valderama."
Parang tumigil ang mundo ni Jessa. "...Sir!"
Nagulat din si Paul. "Termination?"
Malamig ang sagot ni Kervie. "She committed dishonesty. She allowed everyone to believe that she prepared a confidential business report. She violated my trust."
Tahimik na tumango si Paul. "I understand, Sir." wika nya saka tumalikod.
Sa labas ng opisina, nakita ni Nica ang tila may pagmamadaling pagdating ni Mira. Binati nya ito ngunit hindi sya pinansin na diretsong pumasok sa opisina ng presidente.
Palabas na sana si Paul ngunit hinarang sya ni Mira. " Stop! Dito ka lang Mr Gomez " utos nito.
Huminto naman si Paul. Lihim na napangiti si Jessa sa pagdating ng kaibigan. Lumapit si Mira sa mesa ni Kervie. "Bakit mo ite-terminate si Jessa?"
Malamig ang tingin ni Kervie. "Because she deserves it."
"She's a good employee. She only made one mistake."
Hindi nagpatalo si Kervie. "One mistake? She stole someone else's work. That's not a simple mistake."
Tahimik ang buong opisina.
Nagpatuloy si Mira. "If someone should leave.. it should be Monica Laurente."
Nagulat si John. Maging si Paul ay napatingin kay Mira. Malamig na ngumiti si Kervie. "Explain!"
Nagkrus ng mga braso si Mira. "Ever since that girl arrived.. everything became complicated. Jessa lost her confidence. The office atmosphere changed. She's creating conflict."
Tahimik lamang si John. Alam niyang hindi iyon ang totoo.
Mahinang nagsalita si Mira. "Terminate Monica and keep Jessa."
Biglang tumayo si Kervie. Mahigpit niyang ipinatong ang dalawang k**ay sa mesa. "No." Diretso syang tumingin kay Mira. "Listen carefully. Monica did nothing wrong. She completed the task I assigned. She followed every instruction I gave. She remained professional."
Bahagyang tumigas ang mukha ni Mira. "She's just an Executive Personal Assistant."
Malamig na sumagot si Kervie. "And she's my Executive Personal Assistant."
Lalong tumahimik ang silid.
Nagpatuloy si Kervie. "No one.. will remove Monica Laurente from this company.. except me! "
Sa labas ng opisina ay narinig ni Nica ang sagutan mula sa loob ng President office. Tiyak nyang may nangyayari ngunit wala syang ideya.
Hindi naman inaasahan ni Mira na ipagtatanggol ni Kervie nang ganoon ang baduy nitong asst. Mahina siyang napatawa. "So that's how important she is now?"
Sandaling nag isip si Kervie bago nagsalita. " Fine, I won't terminate Jessa."
Bahagyang gumaan ang pakiramdam ng dalawa ngunit hindi pa tapos magsalita ang Presidente.
"However, she will receive a final written warning. One more act of dishonesty and she's out. Narinig mo ba Mr Gomez? " baling nito kay Paul.
" Noted Mr President " tugon naman ng HR Manager.
Napayuko si Jessa. "I'm sorry, Sir."
Hindi siya pinansin ni Kervie sa halip ay tumingin siya kay Mira. "And one more thing, mula ngayon.. Executive Personal Assistant reports directly to me. If you have instructions for Miss Laurente, they must come from me. I don't want anyone using my authority."
Nanigas ang mukha ni Mira.
Naalala niya ang pagpapalabas niya kay Nica noong araw ng board meeting. Alam na ba ni Kervie ang nangyari? "Fine." Malamig niyang sagot. Pagkatapos ay hinawakan niya si Jessa sa braso. "Let's go."
Tahimik silang lumabas ng opisina. Nakita ni Nica ang paglabas nina Mira at Jessa na masama ang naging tingin sa kanya. Pabalik sa opisina nya si Mira na sinundan ni Jessa. Sunod na nakita nyang lumabas si Paul.
Kapagkuwa'y tahimik na nagpatuloy si Nica sa pagtatrabaho si Nica. Wala siyang kaalam-alam.. na ipinaglaban siya ni Kervie.
At iyon ang naging simula ng unang malaking lamat sa relasyon nina Kervie at Mira...

ITUTULOY...

KABANATA 15 : ANG KAPALIT NG TULONG     Nasa executives lounge sina John at Jessa. Tahimik ang buong lounge. Iilang exec...
22/08/2026

KABANATA 15 : ANG KAPALIT NG TULONG

Nasa executives lounge sina John at Jessa. Tahimik ang buong lounge. Iilang executives lamang ang naroon.
Umupo si John sa sofa. "Sit down."
Dahan-dahang umupo si Jessa.
Lumapit ang isang waiter. "The usual, Sir John?" tanong nito.
"Yes." tugon nya pagkatapos ay tumingin siya kay Jessa. "And for the lady?"
"C-Cappuccino..."
"One cappuccino." wika ni John sa waiter.
Pagkaalis ng waiter ay ngumiti si John. "So.. anong pag uusapan natin? "
Nag-alinlangan si Jessa. "Sir.. I need your help."
Bahagyang tumaas ang kilay ni John. "My help?"
Tumango siya. "About the business plan..."
Napangiti si John. "I knew it."
Nagulat si Jessa. "You knew?"
"Of course." Bahagyang sumandal si John. "Kervie already told me he assigned you to defend the report."
Napayuko si Jessa. "Wala po kasi akong alam sa finance."
Tahimik na tinitigan siya ni John. "Really?"
Tumango si Jessa. "I... I don't know where to start."
Hindi agad nagsalita si John. Pinagmasdan muna niya ang dalaga. Pagkatapos ay bahagyang ngumiti. "I can teach you."
Biglang lumiwanag ang mukha ni Jessa. "Really?"
"Yes."
Nakahinga siya nang maluwag. "Thank you, Sir!" Ngunit bago pa siya tuluyang matuwa..
Muling nagsalita si John. "But..."
Natigilan si Jessa.
"I don't teach for free."
Nawala ang ngiti sa kanyang labi. "P-Po?"
Napangiti si John. "Relax. I'm just kidding."
Napabuntong-hininga si Jessa.
Tumawa si John. "You're easy to tease."
Dumating ang kanilang kape.
Tahimik silang uminom.
Pagkatapos ay muling nagsalita si John. "Bring your report this afternoon to my office. We'll review it together."
Masayang tumango si Jessa. "Thank you so much, Sir John."
Hindi napansin ni Jessa na habang nakangiti si John ay kakaiba nang tumatakbo sa isip nito.

KINAHAPUNAN
Tahimik na naglalakad si Jessa papunta sa opisina ni John. Mahigpit niyang yakap ang blue presentation folder. Paulit-ulit niyang iniisip ang mga salitang binitiwan ng Vice President. "Bring your report this afternoon. We'll review it together."
Huminga siya nang malalim bago kumatok saka nya dahan-dahan binuksan ang pinto. Nakatayo si John sa harap ng malaking bintana ng kanyang opisina.
Paglingon nito ay ngumiti. "Right on time."
"Good afternoon, Sir."
"Come."
Lumapit si Jessa. Iniabot niya ang report. Tahimik iyong tinanggap ni John. Isa-isang binuklat ang bawat pahina. Financial Projection. Cash Flow. Break-even Analysis. Operational Cost.
Hindi nagtagal.. isinara niya ang folder. Napatingin siya kay Jessa. "So.. explain page twenty-three."
Biglang natigilan si Jessa. "Sir.. I..." Hindi siya makasagot.
Bahagyang ngumiti si John. "What happened?"
Tahimik lamang si Jessa. "I'm sorry.. I don't understand the report."
Tahimik lamang siyang tiningnan ni John. Hindi na siya nagulat. Kanina pa niya iyon hinihintay. Dahan-dahan siyang tumayo. Lumapit kay Jessa. "I already knew."
Nagulat ang dalaga. "You... knew? What"
Nguniti si John. "You don't have the knowledge to prepare a report like this."
Napaiwas ng tingin si Jessa. "I'm sorry..." Tahimik siyang yumuko. Maya-maya.. mahina siyang nagsalita. "Please help me. Tiyak na magagalit sa akin si Sir Kervie "
Pinagmasdan siya ni John. Mula nang ipasok ito ni Mira sa Advance Fashion ay agad nya itong natipuhan. Matagal nya nang napapansin na maganda ito. Mahaba ang buhok. Maputi. Maayos manamit.. at halatang desperado.
Unti-unti siyang napangiti. "I told you.. i can help."
Lumiwanag ang mukha ni Jessa. "Really?"
Lumapit si John sa mini bar ng opisina. Nagbuhos ng dalawang baso ng wine. Iniabot ang isa kay Jessa. "No thank you, Sir."
Ngumiti lamang si John. "You're too tense. Drink."
Nag-alinlangan si Jessa ngunit sa huli.. tinanggap niya rin. Ilang sandali silang tahimik. Pagkatapos.. muling nagsalita si John.
"I don't like discussing confidential matters inside the office."
Napatingin si Jessa.
"Let's continue this tonight."
"Sa... saan naman po?"
Bahagyang ngumiti si John. "My condominium."
Biglang nanlaki ang mga mata ni Jessa. "Sir?"
"Don't worry. We'll review everything there."
Tahimik siyang napayuko. Hindi niya alam ang isasagot. Napansin iyon ni John. "If you don't want.. I won't force you. But I also won't help you."
Tahimik ang buong opisina.
Ramdam ni Jessa ang bigat ng sitwasyon. Dalawang araw na lamang at siya ang haharap kay Ralph. Wala siyang alam sa finance. Wala siyang ibang matatakbuhan.
Unti-unti niyang ipinikit ang mga mata. Pagkatapos.. mahina siyang tumango. "...Sige po."
Lumawak ang ngiti ni John. "Good. I'll send you the address."
Tumayo si Jessa. "Thank you... Sir." wika nya saka lumabas ng opisina.
Paglabas niya ng opisina ay hindi niya napansing mula sa kabilang hallway ay tahimik siyang nakita ni Nica. Napansin lamang ni Nica na tila balisa si Jessa ngunit hindi na siya nagtanong.
Sa loob naman ng opisina, tahimik na nakaupo si John habang nakangisi.

KINAGABIHAN
Tahimik na bumaba si Jessa mula sa taxi. Huminto siya sa harap ng isang mamahaling condominium sa Bonifacio Global City. Napatingala siya sa napakataas na gusali.
Maya-maya ay tumunog ang cellphone niya. Si John ang tumatawag na agad nyang sinagot. "I'm already waiting. Unit 3208." sabi niyon sa kabilang linya.
Napapikit si Jessa. Hindi pa rin siya sigurado kung tama ang ginagawa niya. Ngunit naalala niya ang isang linggo na ibinigay ni Kervie. Kapag nabigo siya.. siguradong matatanggal siya sa Advance Fashion.
Huminga siya nang malalim pagkatapos ay pumasok sa lobby. Ilang minuto ang lumipas...
Ding!
Bumukas ang elevator. Lumabas si Jessa. Huminto siya sa tapat ng Unit 3208. Nag-alangan siyang kumatok.
Tok... Tok...
Ilang segundo lamang.. bumukas ang pinto. Nakaharap niya si John. Hindi na ito nakasuot ng business suit. Simple na lamang ang puting polo shirt at itim na pantalon nito.
Ngumiti ang binata. "You came."
Mahina lamang na tumango si Jessa. "Good evening, Sir."
"Come in."
Tahimik siyang pumasok. Napakalinis ng condominium. Modernong disenyo. Malawak ang sala. May floor-to-ceiling glass windows na tanaw ang mga ilaw ng lungsod.
Napansin ni Jessa ang bookshelf na puno ng business books at finance magazines. Bahagya siyang nagulat. "You like reading?"
Ngumiti si John. "Business is my hobby. Sit down."
Tahimik siyang umupo. Ipinatong niya ang blue folder sa mesa. Lumapit si John dala ang dalawang baso ng juice. "Relax."
"Thank you." ani Jessa pagkakuha sa juice.
Ilang sandali silang nanahimik pagkatapos ay binuksan ni John ang report. "Let's start."
Kunwari lang na binabasa ni John ang report dahil wala rin naman syang maunawaan duon. Hindi sya finance. Paminsan minsan ay tinitingnan nya si Jessa na naghihintay lang sa sasabihin nya. Tumayo sya at nilapitan ito.
Napansin iyon ni Jessa. "Sir?"
Bahagyang ngumiti si John. "You know.. you're prettier when you're not pretending to be confident."
Namula si Jessa. "Sir..."
"Don't be nervous."
Bahagyang hinawakan ni John ang kanyang k**ay.
Nagulat siya. "Sir John..." Dahan-dahan niyang binawi ang kanyang k**ay. "Kailangan ko lang pong matutunan ang report."
Ngunit hindi umatras si John sa halip ay ngumiti lamang ito. "I know. But we're not in the office."
Tahimik si Jessa. Ramdam niya ang kaba. Maya-maya ay tumayo si John. Lumapit sa mini bar. Nagbuhos ng wine. "I think you need something stronger."
Umiling si Jessa. "No, thank you."
Ngunit inilapag pa rin ni John ang baso sa harapan niya. "Just one."
Matagal na tumitig si Jessa sa baso. Pagkatapos ay unti-unti niya itong ininom. Lumipas pa ang ilang oras. Patuloy ang pag-uusap nila, hindi tungkol sa report kundi sa ibang bagay
Unti-unting gumaan ang loob ni Jessa. Mas naging komportable siya. At doon.. unti-unting sinamantala ni John ang sitwasyon.
Lumalim ang gabi.
At sa gabing iyon...
Nagkaroon sila ng isang personal na relasyon na hindi na lamang tungkol sa business plan...

ITUTULOY...

KABANATA 14 : ANG BIGAT NG TUNGKULIN      Bumukas ang malaking pinto ng Boardroom. Isa-isang nagsitayuan ang mga opisyal...
18/08/2026

KABANATA 14 : ANG BIGAT NG TUNGKULIN

Bumukas ang malaking pinto ng Boardroom. Isa-isang nagsitayuan ang mga opisyal ng Advance Fashion. Kanya-kanyang isinara ang mga business plan report na nasa harapan nila. Ramdam pa rin ang mabigat na tensyon matapos hamunin ni Ralph si Kervie.
Tahimik na isinuksok ni Ralph ang kanyang ballpen sa bulsa ng coat bago tumingin kay Joshua. "Let's go."
Tumango si Joshua at agad na sumunod. Habang naglalakad palabas ng Boardroom ay bahagyang napangiti si Ralph. "Your observation was correct," malamig niyang sabi.
"Thank you, Sir Ralph."
"The financial assumptions are too aggressive." sabi pa ni Ralph.
Tumango si Joshua. "I noticed the same thing while reviewing the report."
Huminto si Ralph sa may hallway. " I don't intend to embarrass Kervie. I simply don't want Advance Fashion to lose hundreds of millions because of poor financial planning."
"I understand." pagsang ayon ni Joshua.
Bahagyang ngumiti si Ralph. "If he can't defend his own proposal after three days..." Hindi na niya itinuloy ang sasabihin.
Ngunit alam na ni Joshua ang ibig nitong sabihin. Tahimik silang naglakad patungo sa elevator. Sa isip ni Joshua.. there's no way Kervie can answer those financial issues.

SAMANTALA
Sa loob ng Boardroom ay tahimik ang lahat. Nakasandal si Kervie sa mesa habang nakatingin sa report. Hindi pa rin siya makapaniwalang mismong Finance Manager niya ang sumang-ayon kay Ralph.
Napansin iyon ni John. "Kervie..."
Hindi ito sumagot. Tahimik lamang nitong isinara ang report. Pagkatapos ay tumingin siya kay Jessa. "Miss Valderama."
Bahagyang kinabahan si Jessa. "Yes, Sir?"
Kinuha ni Kervie ang business plan report. "I have a task for you. In three days..." Iniabot nya ang report. "You will defend this business proposal before Ralph."
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Jessa. "...Po?"
Tahimik na tumingin si Kervie. "This report came from you so I expect you to explain every computation."
Napalunok si Jessa at hindi makapagsalita ang dalaga. Napatingin siya kay Mira. Tahimik lamang itong nakaupo. Hindi man lang siya tinulungan.
Nagpatuloy si Kervie. "I want you to answer every question Ralph will raise."
"Sir..."
"I believe you can do it."
Nanginginig ang k**ay ni Jessa habang hawak ang report. Hindi niya alam kahit isa sa mga financial computations. Hindi niya alam kung paano ginawa ang executive summary. Hindi niya alam ang projected cash flow. Lalong hindi niya alam ang financial assumptions.
Maya-maya ay mahina syang nagsalita si Jessa. "Sir.. maybe..." Huminto siya. "...maybe Ms. Laurente can help."
"Why?"
Nag-isip agad si Jessa. "She.. she's also familiar with the report."
Tumango si Kervie. "But you're the one who prepared it."
Napatulala si Jessa. Hindi siya makasagot.
Biglang nagsalita si Mira. " Kervie, i think Jessa only needs enough time."
Tumango si Kervie. "Exactly." Binalingan niyang muli si Jessa. "You have two days. Study your own report." Pagkasabi niyon ay tumayo na si Kervie. "Meeting adjourned."
Isa-isang nagsialisan ang mga opisyal. Naiwan sina Mira at Jessa. Tahimik na napaupo si Jessa. Namumutla ang kanyang mukha. "Mira..." Mahina ang boses niya. "What am I going to do?"
Napabuntong-hininga si Mira. "Ano bang alam mo sa report?"
Napayuko si Jessa. "Wala.. I only distributed it."
Tinapik ni Mira ang kaibigan. "Calm down. Mag isip ka ng paraan. Maghanap ka ng tutulong sayo " wika nya.

SA PRESIDENT OFFICE
Tahimik na inilapag ni Kervie ang report sa mesa. "What do you think?" tanong niya kay John.
Napabuntong-hininga si John. "Honestly... Ralph has a point."
"I know but I still believe this proposal will work."
"The problem isn't the marketing." wika ni John. "It's the financial projection."
Nanahimik si Kervie. Maya-maya ay pinindot niya ang intercom. "Miss Valderama."
Mabilis na pumasok si Jessa. "You called me, Sir?" Lumapit siya sa mesa.
Iniabot ni Kervie ang business plan report. "You have exactly three days. Prepare your defense. "You may go."
Lumabas si Jessa habang mahigpit ang pagkakahawak sa folder. Pagkasara ng pinto ay halos manghina ang kanyang mga tuhod.
Paano nya ipagtatanggol ang report na hindi nya naman ginawa?
Sa lalabas mula sa elevator si Nica. Tapos na syang na mag-lunch break kasama ng mga bagong kaibigan. Napatingin sya kay Jessa na hawak ang report na kinuha sa kanya. Tahimik syang naglakad patungo sa kanyang mesa.
Inirapan ni Jessa si Nica saka umalis at mabilis na nagtungo sa opisina ni Mira. Pagkapasok niya ay agad niyang isinara ang pinto.
"Mira anong gagawin ko? Pinagde-defend talaga ako ni Kervie sa report. Wala akong alam sa finance!"
Napabuntong-hininga si Mira. "Ako rin. Im in Marketing. I know branding, campaigns and market positioning. I don't specialize in financial analysis."
Unti-unting nanlumo si Jessa. "So wala kang maitutulong sa akin?"
"I can help you present but I can't teach you computations. I don't know."
Tahimik ang dalawa.
Makalipas ang ilang segundo ay biglang nagsalita si Jessa. "Pwede kaya akong magpatulong sa gwapo mong kapatid? kay Ralph?"
Biglang napatingin si Mira. "Are you crazy?"
Nagulat si Jessa. "Bakit?"
"Confidential ang business proposal! Kung kay Ralph ka magpapatulong, para mo nang ipinakita sa kabilang kampo ang lahat ng magiging depensa ni Kervie."
Napalunok si Jessa.
"Kapag nalaman iyon ni Kervie..." Huminto si Mira. "...ikaw ang unang matatanggal sa kumpanya."
Namutla si Jessa. "Wala na talaga akong maisip."
Tahimik na nag-isip si Mira.
Ilang sandali ang lumipas bago muling nagsalita si Jessa. "Hindi pwede si Ralph. Hindi ka rin pwede." Tahimik niyang ipinatong ang mga k**ay sa mesa. "But maybe.. theres another person "
Napatingin si Mira. "Sino ang naiisip mo?"
Bahagyang ngumiti si Jessa. "John Mark Villena."
Nagulat si Mira. "The Vice President?"
Tumango si Jessa. "Siya ang kasama ni Kervie sa paggawa ng proposal. He knows almost everything."
Napaisip si Mira. "Pero.. kilalang pl***oy ang lalaking yon at siguradong hindi magiging madali ang magiging kapalit ng hihingin mong tulong "
Ngumiti lamang si Jessa.

SAMANTALA
Tahimik na nagtatrabaho si Nica sa kanyang mesa. Mayamaya ay lumabas si John mula sa Presidential Office. Napatingin siya kay Nica. "Good afternoon, Miss Laurente."
Agad na tumayo si Nica. "Good afternoon, Sir John."
Ngumiti ang Vice President. "Hindi kita nakita kanina sa meeting. How was your lunch?"
"It was good, Sir."
Tumango si John bago naglakad palayo. Napansin iyon ni Jessa na pabalik na galing sa opisina ni Mira. Unti-unti siyang huminga nang malalim.
Nginitian nya si John.
Si John na lang ang pag-asa nya.
Mahigpit niyang niyakap ang blue presentation folder.

KINABUKASAN
Maagang-maaga pa lamang kinabukasan ay mabigat na ang pakiramdam ni Jessa. Tahimik siyang nakaupo sa kanyang mesa habang paulit-ulit na binubuklat ang business plan report. Bawat pahina ay puno ng financial computations, cash flow analysis, projected return on investment, break-even analysis, at iba't ibang terminolohiyang hindi niya maintindihan.
Napabuntong-hininga siya. "Ano ba ang ginawa ko..." mahina niyang bulong.
Maya-maya ay dumating si Nica. "Good morning, Jessa."
Napatingin si Jessa. "Good... morning." ganting bati nya naman.
Umupo si Nica sa kanyang mesa at agad na nagsimulang ayusin ang schedule ni Kervie. Napaisip si Jessa. Bakit tila wala man lamang itong ipinakitang galit matapos nyang agawin ang report kahapon?
Ilang minuto pa ang lumipas ay dumating si Kervie.
"Good morning " sabay na bati nina Nica at Jessa.
" Good morning " ganting bati naman ni Kervie.
Maya maya ay dumating si John. Binati rin ito ng dalawang dalaga.
" Good morning din. Nandyan na ba si Kervie? "
" Yes Sir " tugon ni Nica.
Iba ang naging ngiti ni Jessa kay John. Napansin naman iyon ni John kaya nginitian nya rin ito bago pinuntahan si Kervie sa opisina nito.
Pagpasok ni John ay umalis si Jessa at nagtungo sa Marketing Department office ni Mira.
" Anong balita Jessa, napag aralan mo na ba ang report? " tanong sa kanya ni Mira.
Umiling si Jessa. "Wala akong maintindihan."
Napairap si Mira. " Kung hindi mo kaya.. maghanda ka na lang na mapahiya sa harap ni Kervie at Ralph "
Nabahala si Jessa. " Ayoko Mira. Hindi maaari yan "
" Ano na ngang balak mo? Aaminin mo na lang ba kay Kervie na hindi talaga ikaw ang gumawa ng report kundi ang baduy na babaeng yon? "
" Syempre hindi dahil tiyak na lalong babango ang pangalan nya. Kapag nangyari yon ay mas lalo akong mawawalan ng chance na ma-promote at maagaw ang position nya " inis na tugon ni Jessa.
" So ano na nga ang gagawin mo ngayon? " tanong ni Mira.
"Remember what I told you yesterday?" Maya maya ay tanong ni Jessa.
Napaisip si Mira. " Alin dun? "
"Si John Mark Villena.."
" Pero sinabi ko rin sayo na pl***oy sya "
" Alam ko na yan Mira pero sigurado naman na matutulungan nya ako. Wala na akong ibang maisip na paraan " tugon ni Jessa.
" Ikaw ang bahala, balitaan mo na lang ako " wika ni Mira saka nagpatuloy sa trabaho.
Lumabas na si Jessa.
Pagbalik nya sa table nya ay satong labas ni John mula sa opisina ni Kervie. Huminga sya nang malalim tapos ay nilapitan nya ang binata. "Sir John."
Lumingon ang binata. "Oh?"
"May... may time po ba kayo?"
Ngumiti si John na tiningnan sya mula mukha pababa sa kanyang magandang katawan. "For you? I alwaye have time."
Namula si Jessa. "Can we... talk?"
"Sure."
" Salamat, may hihingin sana akong pabor "
Tumingin si John sa relo. " If you want, sabay tayong mag lunch mamaya sa executive lounge. Let's talk there."
Bahagyang nagulat si Jessa sa sinabi nito ngunit maya maya ay nguniti. " Sige " tugon nya.
Hindi alam ni Jessa na ang simpleng kasinungalingang ginawa niya upang mapansin ni Kervie ay unti-unti nang nagiging isang bitag na siya mismo ang mahihirapang takasan...

ITUTULOY...

Address

Cavite

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Nica & Kervie Stories posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share