Khyzi

Khyzi Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Khyzi, Alulod, Cavite.

“Uyy! May savior na siya!” pang aasar sa’kin ng kaibigan kong si DavidArghh gumaling patong lalaki nato, aasarin na nama...
27/05/2025

“Uyy! May savior na siya!” pang aasar sa’kin ng kaibigan kong si David

Arghh gumaling patong lalaki nato, aasarin na naman ako

“tumigil ka nga!”

“uy! Soleste! Nandito ka pala, diba ililibre mo’ko?” biglaang sulpot ni Geo sa usapan namin ni David

“uyy ayan na yung savior niya, enjoy! Iwan ko na kayo” pang aasar sa’kin ni David, wala namang nabago araw araw niyakong inaasar

“huh? Baliw kaba o inaamag nayang utak mo? Kailan kopa sinabing ililibre kita?”

“hindi ba niligtas kita sa mga bully kahapon?”

“oh? Pake ko? Hindi ko naman hiniling na gawin mo yun”

Matapos kong mag sungit sakanya nag puppy eye at pout siya sa harap kopa, shet?? Sa harap kopa! Nakakainlove ang ganda ng mga mata niya, haysst tama na self, pinag ttripan lang ako neto

“bahala ka sa buhay mo!”

Pero matapos ang ilang minutong pangungulit niya sa’kin bumigay rin ako at nilibre siya, sinabayan niyarin akong umuwi at inihatid pa sa bahay ko dahil mas malapit ang bahay ko kesa sa bahay nila. Pero bakit ganon? Nag papainlove lang ba siya o crush niyako? Haysst assuming

─⁠──⁠─

“Hoy Soleste! Hindi pa tayo tapos ha!?” hayst ayan na naman ang mga bully

“Tigilan niyo nga siya, wala naman siyang ginagawa sainyo ha?” pagtatanggol sa’kin ni David sa mga kumag na bully

“tumabi ka nga jan, hindi ikaw ang pakay namin!”

Hinablot ng bully ang kinakain kong tinapay, tinapon sa sahig at inapakan. Biglang dumating si Geo, kinuha ang tinapay sa sahig at ipinakain sa leader ng bully, maya maya pa ay biglang may sumuntok kay Geo kaya lumaban naman si Geo at di kalaunay napa Guidance kami dahil sa gulo

FAST FORWARD

Pauwi na kami, kasabay ko ulit si Geo dahil magpapalibre na naman daw ulit siya pumayag naman ako dahil niligtas niya ulit ako sa mga bully.

“ahm.... Geo?”

“Yes?” he looked at my eyes, and i felt butterfly in my stomach shocks gusto ko ba siya?

“S-sorry”

“for what?”

“napahamak ka dahil sa’kin”

“gosh, it's okay Soleste!” he hugged me, hindi ako makapanilawa, may something naba saming dalawa? May gusto ba siya sa’kin?

✍🏼: Khyzi

People with glasses are hot btw 🔥
27/05/2025

People with glasses are hot btw 🔥

New Yn/Enhypen Au story? 🫣
27/05/2025

New Yn/Enhypen Au story? 🫣

24/05/2025

Anong kuwento ba gusto niyo? Para lang hindi bumaba followers ko 🥹🥹

Part 3“I hate it! Naging tutor ko pa yung enemy ko!”bulong sa utak ko dahil nakakainis talaga!“ahm, excuse me Soleste? M...
24/05/2025

Part 3
“I hate it! Naging tutor ko pa yung enemy ko!”bulong sa utak ko dahil nakakainis talaga!

“ahm, excuse me Soleste? Mag sstart na tayo” seryosong saad sakin ni Geo

“okay okay, san ba mag sisimula? Ano bayan hindi ko naman maintindihan!” oa at paarteng saad ko rito

“jst shut up” saad niya na ikinatikom ng bunganga ko

FAST FORWARD

malapit na kaming matapos, sawakas! Wala akong naintindihan.

“naiintindihan moba?”

“huh? Ah oo syempre naman!” pagkukunwari kong sagot dito

“sige, anong sagot dito?”

“ahmm ano, 36?”

“haysst, makinig na kase, eto oh ganto kase yan” saad niya sa’kin, grabe ang lambot ng boses niya

Maya maya pa ay nahuli ko ang aking sarili na tinititigan siya, ang pogi niya pala pag mabait kaso hindi e, kumàg siya

“tapos na tayo, uuwi na’ko” pagmamadali niyang pagpapaalam sa’kin

“ahh, teka lang”

“hmm?”

“pedeng sumabay?” shet anong klaseng tanong yan, syempre hindi siya papayag, pagkatapos kong mag sungit sakanya, nabunggo kopasiya ng bike!

“sige” malamig na saad niya sakin

Wtf?! Makakasabay ko yung kinakainisan ko?! Shocks ano ba self

“ano pang hinihintay mo?”

“ay sorry eto na nga kikilos na”

Aaminin ko na, onti onting nahuhulog ang luob ki sakanya nung mga time nayon, ang saya niya kasama, ang gaan ng loob ko nung nakasabay ko siyang umuwi.

─⁠──⁠─

Nasa basketball court kami ng campus ng mga oras nato dahil P.e. namin. Habang ang mga kaklase ko ay naglalaro, ako’y nasa isang gilid lamang, nanunuod sakanila dahil iisa na ngalang ang kaibigan ko, nilagnat pa wala tuloy akong kalaro! Pe pa naman.

Maya maya, may lumapit saking mga lalake na taga kabilang section, sila ang bully ng school kaya alam ko ng ako naman ang naisipan nilang pag tripan kaya umalis nako hanggat hindi pa nila ako nalalapitan.

“hoy! Soleste! Bastos ka ha!” ika ng mga bully habang patuloy akong nag lalakad papalayo sakanila.

Maya maya pa, binato nila ako ng bola, ngunit bakit hindi ako natamaan?

“Soleste are you ok?” wth si Geo? Iniligtas ako ni Geo sa mga bully? Nananaginip ba’ko?

“ahh o-ok l-lang ako, ikaw ba Geo? Bakit mo ginawa yon?” pag aalala kong tanong sakanya

“concern?”

“ha anokaba kadiri ka tumabi ka nga jan!” itinulak ko siya habang siya’y nakangiti, bakit ganon? Tila may pumapagitan saming dalawa, wala akong gusto sakanya pero tumitibok ng mabilis ang aking puso at para akong binubuhat ng saya pag nanjan siya.

“ako ng bahala dito sa mga bully! Soleste ilibre mo’ko ha!” ewan ko sayo sa dami daming babae ako pa ata naisipang pag tripan ng lalaking to.

✍🏼: Khyzi

Part 2“Ahh, sakto! Dahil magkakilala kayo, magtabi kayo” pang aasar samin ni sir na aking ikinainis “pero sir-”pag iinar...
23/05/2025

Part 2

“Ahh, sakto! Dahil magkakilala kayo, magtabi kayo” pang aasar samin ni sir na aking ikinainis

“pero sir-”pag iinarte ko

“ash sh sh, sige Mr. Geo, introduce yourself, ikaw naman Soleste umupo kana sa upuan mo!” umupo ako sa upuan ko ng naka kunot ang nuo dahil sa inis kay sir, sa dami daming pedeng makatabi, siya pa! Pede naman yung crush ko nalang hmm

“Good morning everyone, I'm Geo Austral” yun nayon? Yun na yung introduce niya? Ni wala manlang akong nakuhang info pang inis sakanya, ako tuloy yung naiinis!

“Blah blah blah, wala kaming pake” pabulong kong sabi na rinig pala ng buong klase

“Excuse me Ms. Soleste?” ika ni sir sa’kin habang lahat sila ay nakatingin sa’kin, nginitian ko na lamang sila sa hiya, nakakainis kasi na Geo yan!

Umupo na si Geo sa tabi ko, nagkatinginan kami ngunit inirapan ko lang siya, siya yung dahilan ng pagka late ko kaya gaganti ako sakanya.

─⁠──⁠─

Kinabukasan, inagahan ko ang pagpasok para makaganti ako sa kumag nayon!

Pagdating ko sa room, saktong sakto! Wala pang tao, nilagyan ko ng super glue ang upuan ni Geo at agad naman akong umalis.

Oh shocks si sir bayon, magtataka yun kung bakit ako maaga

Agad naman akong nag tago ngunit nung sumilip ako ay-

“Hi ms. Soleste, ang aga mo ngayon ah? Bagong buhay?” ay paktay! Yari na’ko neto

“ahh ano po kase sir ahmm ano may pinasa lang pong project hehe” dahilan ko kay sir at agad naman akong tumakbo

─⁠──⁠─
Geo’s pov

“Sana hindi siya pumasok ngayon”bulong ko sa sarili ko habang papasok sa room

“teka, glue bato?” ahh gaganti patong babaitang to sa ginawa ko sakanya kahapon ah, pagkatapos niya’kong banggain!

─⁠──⁠─
Soleste's pov

Haha nag ssuffer na siguro yung kumag nayun ss glue, makapasok na nga baka malate pako sa klase ni sir Sungit

Nakasalubong ko si Geo sa room at tila na tatawa siya

“huh? Hindi niya naupuan yun?” dumating na si sir at nag siupuan na kaming lahat

Pakshet! Alam ko na kung bakit arghh pinag palit niya yung upuan namin! Nakakainis talaga tong lalaking to!

─⁠──⁠─
FAST FORWARD
Nag palit nako ng pang ibaba, buti nalang at may extra pa’ko, epal kasi na kumag nayan!

“Soleste! Tawag ka ni sir sa office!” sigaw sakin ng isa kong kaklase, jusko ano na namang nagawa kong kasalanan kay Sir

“Ms. Soleste, nandito kana pala! Napansin ko lang netonh mga nakaraang araw na bumababa pa lalo ang grades mo lalo na sa math, kung hindi mo ito mapapasa ay hindi ka ggraduate, sa tingin ko kailangan mong magpa tutor sa mga matatalino mong kaklase!”

“Sir ehe pede naman po si Lester yung mag tutor sa’kin!”

“Hinde! Dahil crush mo siya, hindi mo siya pedeng maging tutor, si Geo ang magiging tutor mo” shocks ano bato si sir, nakakainis

“pero sir-”

“walang pero pero, siya lakad na bumalik kana sa klase, good luck! HAHAHA”

BWISIT!

✍🏼: Khyzi

ETHAN LEE, APAKAN MO'KOO
22/05/2025

ETHAN LEE, APAKAN MO'KOO

“Late kana naman!” pagalit na sigaw sa’kin ng Adviser namin sa office dahil araw araw nalang akong late“Sir, sorry napo,...
22/05/2025

“Late kana naman!” pagalit na sigaw sa’kin ng Adviser namin sa office dahil araw araw nalang akong late

“Sir, sorry napo, hindi napo mauulit” pag mamakaawa ko sakanya

“Araw araw nalang ganyan! Paulit ulit kana, sige pumasok kana”

“salamat po, sir!”

“bukas na bukas, saktong 6:30 dapat makikita ko na yung pag mumukha mo ha!”

Ayy shocks mag lalaro pa kami ni Kuya bukas ng video games, pano nato!

“ahh, y-yes po sir” sagot ko sakanya at may ngiting pamamlastik

─⁠──⁠─

Kinabukasan, tinakasan ko si Kuya sa paglalaro niya ng video games at agad agad nag bike papunta sa skwelahan.

“Shocks! Yung wallet ko! 6:07 na, kaya kopa siguro, anoh? Kaya payan! Go self!” Pagmamadali ko, 6:19 na nangnakuha ko ang wallet ko sa bahay

“Bunso, hindi pa tayo tapos mag laro halika! Boring mo naman kalaro” hinila ni Kuya ang kamay ko at pinaupo sa sofa

“Kuya, may pasok papo ako” nerbyos kong pasabi kay Kuya at tumakbo

Shocks! Late na naman ako! Patay ako kay sir neto

Malapit nako sa School nang may mabundol akong lalaki, nasa tapat ito ng campus namin at tila pinag mamasdan ang ganda ng tanawin dahil maganda talaga dito kahit public school lang.

“ay shocks, sorry! Bat ka kasi nakaharang sa daan! Tumabi kanga jan!” pagtataboy ko sa lalakeng nakatayo sa harap ng campus

Pagka patakbo ko ng aking bike ay hinila niya ang bag ko, nalaglag ako at tumaob naman ang bike ko. Agad akong tumayo para habulin siya pero hindi ko na siya naabutan, kumalat lahat ng gamit ko kaya pinulot kopa ito.

─⁠──⁠─

Nasa classroom na’ko at hindi ko napansin na 6:34 na pala

“S-sir, i can explain hehe” pag papacute ko kay sir, agad niya naman akong hinila sa tenga papunta sa office niya.

“Ms. Soleste Ignacio, YOU'RE 4 MINUTES LATE!” pasigaw na sabi niya sa’kin at dinuro duro pa’ko

“Pero sir, 4minutes lang naman po, hehe” sinamaan niya’ko ng tingin at huminga ng malalim

“hehe sabi ko ngapo pasensya napo” sabay tumakbo ako papuntang classrom, duon naman ay may nakabanggaan akong lalaki

Wait, shocks eto ba yung lalaki kanina?

Agad naman akong naabutan ni Sir at hinawakan sa tenga

“oh eto na pala transferee natin, meet mr. Geo”

“IKAW?”-Soleste
“Nice to meet you”-Geo

React for part 2

✍🏼: Khyzi

Picture not mine, cttro

21/05/2025

“Love? Asawa ko? Pinaka poging dwayne ng buhay ko? Asan kana love?” pagpapakilig na tanong at tawag ko sakanya sa telepono

Kanina pa siya hindi nauwi, gusto ko nang matulog pero wala pa siya antok na antok na’ko.

“Yes, love?”—Dwayne

“Inaantok napo ako, asan kana? Uwi napo, sleep na tayo” pag mamakaawa ko sakanya na naka pabebeng boses

“Uuwi narin me love”—Dwayne

“Sige love ingat, iloveyou” pinatay niya ang tawag at hindi na sinagot ang mga tawag ko

Hindi pa siya nag iiloveyoutoo sa’kin, hindi niya naba’ko mahal? Haysst ipag pprepare ko na ngalang siya ng favorite ulam niya, para mabawasan narin antok ko.

Nag luto ako ng paborito niya, magugustuhan niya ’toh, pero parang mas magugustuhan ko! Haha.

─⁠──⁠─
*Bell rang, nanjan na siya! Ang asawa ko, nakauwi na siya. Agad ko siyang pinagbuksan ng pinto

“hi love! Finally you're here!” sabay yakap ko sakanya dahil alam kong pagod siya

“love, I'm hungry, may pagkain kabang pinripare?” Panghihinang tanong niya, gutom lang siguro yung kanina kaya hindi na siya nakapag iloveyoutoo sa’kin.

“Saktong sakto love! Nag luto ako ng paborito mo!” hinila ko siya sa kusina at ipinakita ang luto ko

“l-love, is that R-Rian?” pautal utal niyang tanong sa’kin

“Bakit love? Tikman mo na siya! Nakita ko ang message niya sayo, masarap daw siya at tikman mo daw siya, oh ayan na! Masarap naman siya” i look to his eyes and smiled.

Nag c-cheat siya sa’kin matagal na, bago pa niya ako pinatay, nahuli ko siyang nakikipaghalikan sa best friend kong si Rian.

PINATAY NIYA’KO! nag higanti lang ako.

✍🏼: Khyzi

“It’s nothing to be jealous, babe. She is your sister” ika niya sa’kin habang hinahabol niya akoYes, she is my sister, m...
21/05/2025

“It’s nothing to be jealous, babe. She is your sister” ika niya sa’kin habang hinahabol niya ako

Yes, she is my sister, my traitor sister. Hindi ko alam kung pano ko sasabihin sa kasintahan ko na inagaw sa’kin noon ng nakakatanda kong kapatid ang boyfriend ko, ayoko lang na masira ang closeness nila dahil matagal na silang magkaibigan bago ko pa makilala ang kasintahan ko.

Tumigil na’ko sa paglalakad dahil nakakapagod din pala mag tampo

“What do you want ba, babe? I will buy you ice cream, don't be jealous na”pag aaya niya sakin habang tinatapik tapik ang balikat ko

“Wag kanang sumunod, uuwi na’ko!” pasigaw kong sagot sakanya at umalis

“babe, iisa lang uuwian natin!” pahabol netong biro at tumawa ng palihim

“che!” sigaw ko ulit dito sabay p*kyu

─⁠──⁠─

“babe, nagtatampo ka parin ba sa’kin?” patanong niya sa’kin sabay yakap sa bewang ko

“wala” sagot ko dito at umalis

Makalipas ang ilang araw, hindi niyana’ko sinuyo ako naman na overthinker, nag overthink agad kung naagaw naba siya ng ate ko.

“babe, labas tayo?” pag aaya ko rito

“may ginagawa ako” malamig na sagot neto sa pag aaya ko, dun ko naramdaman na totoo ang hinala ko, naagaw na siya ng ate ko. Agad agad kong pinuntahan ang ate ko, sinambunutan, sinampal at sinabihan ng masasakit na salita dahil sa sobrang galit ko, at ang tanging sagot niya lang sa’kin ay “wala akong alam jan! Ano bang sinasabi mo?” alam kong nag papanggap lang siya, ahas siya! Ang pinaka mamahal ko noon ay inagaw na niya, pati ba naman ang bago kong pinaka mamahal!

Maya maya ay dumating na ang kasintahan ko, hinila ang kamay ko palabas sa bahay ng ate ko.

“Ano bang problema mo?!” pasigaw niyang tanong

“bat hindi mo tanungin ang sarili mo?! Ate koyon, ATE” pabalik kong tanong sakanya

“Iniisip moba na nag cheat ako? Babe, mag aanniversary na tayo, nag babalak lang ako ng surprise sayo kaya lagi akong nasa selpon at iniignore ka dahil parte ito ng plano ko”

“hindi ko kayang magloko sayo, mahal na mahal kita, at Oo minsan na’kong inakit ng ate mo, pero never ko siyang papatulan dahil ikaw yung mahal ko, I love you so much Babe” he hugged me tight and kiss me on my forehead, i don't know, hindi ko alam kung ano yung sasabihin ko, umiyak nalang ako at nagpakalayo layo kami ng kasintahan ko.

AND THAT'S LOVE, If you love your girlfriend hindi ka mag papaakit sa mga nang aakit.

✍🏼: Khyzi
Picture from Pinterest, cttro

Address

Alulod
Cavite

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Khyzi posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share